Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng El

Filibusterismo
"Ang Pilibusterismo" o "Ang Paghahari ng Kasakiman"
Ito ay ang pangalawang nobelang inilathala ng pambansang bayaning si
Jose Rizal na sikwel ng nauna niyang nailimbag na nobelang "Noli Me
Tangere".

OKTUBRE 1887
Unang sinimulan ni Rizal ang pagbabalangkas ng nobelang
El Filibusterismo kasabay ng pagsusulat niya ng nauna
niyang nobelang Noli Me Tangere sa Calamba, Laguna.

PEBRERO 1888
Muling lumuwas ng Pilipinas si Rizal dahil sa pag-uudyok na
ginawa ni Gob. Heneral Emilio Terrero. Siya ay nagtungo
sa iba't ibang bansa upang patuloy na paghusayin ang
nobelang kaniyang ginagawa.

MARSO 1891
Marso nang matapos ni Rizal ang nobelang kaniyang
ginagawang nobela sa Biarritz, France.

Sa pamamagitan ng kaibigan niyang si Jose Alejandrino,


naipadala niya ito sa Ghent, Belgium kung saan sila nakahanap
ng palimbagan para mailimbag ang nobelang kaniyang ginawa.

AGOSTO 1891
Hindi nagtagal ay kinapos sa salapi si Rizal kaya't
napag-isipan nalang niyang sunugin ang manuskriptong
kaniyang nilathala. Ngunit sa tulong ng kaniyang kaibigang
si Valentin Ventura, naipagpatuloy niya ang
pagpapalimbag ng kaniyang ginawa.

SETYEMBRE 1891
Tuluyang nailimbag ang El Filibusterismo sa pamamagitan
ng tulong ni Valentin Ventura na nagbigay sa kaniya ng
tulong para mailimbag ito.

Ipinadala ni Rizal ang kopya sa Hong Kong. Ngunit, ito pa


rin ay nasamsam ng mga kastila roon. Samantala, naipuslit
pa rin ito at naipadala sa bansang Pilipinas para sa mga
Pilipino.

TAONG 1896
Sa pamamagitan ng El Fillibusterismo, maraming mga Pilipino
ang bumukas ang isipan at naging dahilan ito ng pag-alab pa
lalo ng mga puso ng mga Pilipino para maipagtanggol ang
bansang Pilipinas mula sa maalipustang mga kastila.

You might also like