Professional Documents
Culture Documents
Week 1-2 ESP 4-26-23 - Final Week
Week 1-2 ESP 4-26-23 - Final Week
Department of Education
Region VI-Western Visayas
Schools Division of Guimaras
District of Sibunag II
San Isidro Elementary School
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Itanong: Bakit kailangang tumulong sa makakayanang paraan para sa pagpapanatili ng kapayapaan mula
sa tahanan tungo sa pandaigdigang pagkakaisa?
2. Pagganyak
Itanong kung ano ang tawag sa mga taong nakalarawan sa pahina 133. Talakayin ang Mahalagang
Kaisipan.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Bago simulan gawain, ipaliwanag sa mag-aaral ang ibig sabihin ng salitang ispiritwalidad upang
maging gabay ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagsagot sa mga gawain.
2. Pagtatalakay
Ipabasa sa ilang piling mag-aaral ang sanaysay na, Boun Pi Mai, tungkol sa isang panrelihiyong ritwal na
nakalahad sa pahina 135.
2. Paglalapat:
Tukuyin kung ginagawa ito Palagi, Bihira o Hindi Kailanman. Batayang Aklat pahina 137
1. Nakikilahok ka ba sa mga gawain sa inyong simbahan?
2. Nakikipag-usap ka ba sa ibang tao tungkol sa iyong mga paniniwalang panrelihiyon?
IV. Pagtataya:
Sa pamamagitan ng isang sanaysay, ipaliwanag kung paano nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad. Ang sanaysay ay dapat na nakakasunod sa rubrik.
Magaling Katamtaman Nangangailangan ng NAKUHANG
(10) (8) Pagsasanay PUNTOS
(5)
Malalim at makahulugan Bahagyang may lalim Mababaw at literal ang
ang kabuuan ng sanaysay ang kabuuan ng kabuuan ng sanaysay.
sanaysay.
Maganda at maayos, may May kaayusan, ngunit Walang kaayusan at
kahulugan at hindi maliwanag ang hindi makahulugan ang
magkakaugnay ang mga kaugnayan ng mga mga detalye.
detalye. detalye.
Sa kabuuan, napakahusay Sa kabuuan, hindi Sa kabuuan, hindi
ang pagkakagawa. gaanong mahusay ang mahusay ang
pagkakagawa. pagkakagawa.
KABUUANG PUNTOS
V. Takdang-aralin:
Magsaliksik tungkol sa sumusunod na mga panrelihiyong pagdiriwang sa Pilipinas. Alamin ang mga ritwal
na kaugnay nito at itala sa kuwaderno.
Inihanda ni:
Bb. Mira D. Pinasas
Guro