3RD Grading Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- WerternVisayas
Division of Capiz
VICENTE ANDAYA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Sigma Capiz

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan- 8

PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at ilagay
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagsimula sa wikang Griyego na meso, ibig sabihin ay “gitna” at potamos, ibig sabihin ay ilog.
a. Mesopotamia c. Asia Minor
b. Fertile Cresent d. Mesoamerica
2. Unang pangkat ng mga taong nagtatag at nanirahan sa lungsod-estado ng Sumer.
a. Akkadian c. Persian
b. Hittite d. Sumerian
3. Pinakamatandang lungsod-estadong nilinang ng mga Sumerian.
a. Unug c. Uruk
b. Gur d. Lagash
4. Kauna-unahang imperyo na nakapagtayo ng kabihasnan sa asia Minor noong 1700 BCE.
a. Akkadian c. Chaldian
b. Persian d. Hittite
5. Tawag sa Kapitolyo/kabisera ng imperyong Hittite.
a. Hattusa c.Satrap
b. Satrapies d. Carthage
6. Ipinatayo ng mga Sumerian bilang lugar simbahan na nakalaan lamang sa mga pari. Isa itong
testament kung gano kahalaga sa mga Sumerian ang relihiyon.
a. Royal Road c. Pyramid
b. Ziggurat d. Zigurat
7. Noong 1849 isang matapang na English man ang naglakbay sa Timog Iraq kasama ang mga arabong
tagagabay at kanyang hinahanap ang pinagmulan ng sibilisasyon ng tao.
a. William Loftus c. Wiliam Loftus
b. William Shakespear d.Socrates
8. Ang mga lupain ay mataba at mayaman sapagkat dumanas ng taunang pagbaha.
a. Mesopotamia c. Asia Minor
b. Fertile Cresent d. Persian
9. Dalawang ilog na nasa pagitan ng Mesopotamia.
a. Tigris at Euphrates c. Tigres at Euprahtes
b. Tigris at Euprahtes d. Sana All
10. Upang ma kontrol ang pag apaw ng ilog sa Mesopotamia anung paraan ang hindi nila ginawa ng mga
tao doon.
a. Paggawa ng Canal c. Paggawa ng Dam
b. Paggawa ng Irrigasyon d. Paggawa ng Tulay

PANUTO: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.


11. Unang sibilisasyon sa Mesopotamia.
12. Ang kapangyarihan at otoridad ay nagmula s adios at ipinasa lamang sa hari.
13. Ang isang uri ng citizen ng Sumer na tumutukoy sa pari, hari, at kanilang mga kamag-anak.
14. Ang isang uri ng citizen ng Sumer na tumutukoy sa artisan, magsasaka, mangingisda, mangangalakal
at nagtatrabaho sa temple.
15. Ang isang uri ng citizen ng Sumer na tumutukoy sa pagmamay-ari ng pamahalaan na pinagmulan ng
lakas paggawa.
16. Sumakop sa kabihasnang Sumer noong 2340 BCE, ito ang pangkat na mula sa Hilaga ng
Mesopotamia.
17. Pinamunoan niya ang unang imperyo sa Daigdig.
18. Malawak na political unit na nabuo sa pamamagitan ng pananakop ng isang estado ng iba pang
estado.
19. Dakilang pinuno ng Babilonian.
20. Isang batas kodigo na nilikha noong 17772 BCE sa sinaunang Babilonya at inilagay sa pampubliko
upang mabasa ng lahat. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta.

PANUTO: Tama o Mali


21. Ang Assyrians ay isang pangkat sa Mesopotamia na umusbong na mayroong propesyonal na
mandirigma, sila ang tiaguriang pinakamalupit na pangkat dahil gumamit sila ng kamay na bakal at
kalupitan.
22. Ang Persian ang namuno sa koalisyon ng ibang pangkat para mapabagsak ang Assyrian noong 612
BCE sa pamumuno ni Nebuchadnezzar.
23. Si Hammurabi ang nangpatayo ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa.
24. Ang Chaldean ang tinaguriang Super Power of Ancient Birth, grupo ng mga tao na nagmula sa
Timog na bahagi ng kasalukuyang Iran at hindi sila bahagi ng Mesopotamia pero kasama sa bahagi
ng Fertile Cresent.
25. Nasakop ni Julius Ceasar ang lungsod ng Babylon noong 539 BCE, nakilala siya bilang mabuting
lider.
26. Satrap ang tawag sa paghahati sa Distrito ng Persia o tawag sa mga lalawigan na bumubuo sa Persia.
27. Royal Road ang tawag sa sinaunang Highway na pinagawa ni Darius.
28. Ang Persian Immortals ay Elite force o regular na mandirigma ng mga Persian at ang kanilang bilang
ay hindi bumababa sa 10, 000.
29. Namahala lamang ng 40 na araw si Xerxes dahil siya ay pinatay ng kanyang halfbrother.
30. Hittite ang mga nomadikong taong nanirahan sa Asia Minor (Turkey) noong 1750 BCE.
31. Sea People ang sumakop sa mga nomadikong tao noong 1200 BCE.
32. Chaldean ang kabihasnang umusbong sa Palestine na may lupaing ay makitid na may haba lamang
na 193 kilometro.
33. Kartageno o Carthage isang kolonya na itinatag sa Palestine na naging mahigpit na karibal ng
Roman Empire sa mga sumusunod na siglo.
34. Israelita/Israel ang pangkat na nagtatag ng Relihiyon ng Judaism na isang world Religion na
malaking impluwensiya sa relihiyon ng Mulim at Christian.
35. Si Abraham ang dahilan ng muling nakabalik sa kanilang lupain ang mga Israelita.

“When you say “It’s hard”, it actually means “I’m not strong enough to fight for it”. Stop saying it’s
hard. Think positive!”Good Luck!
(Sana All Makakapasa!)

Inihanda nina: Iwinasto ni: Inaprobahan ni:

MARITES A. SORIANO MARLON RELLENTE JIMMY B. BILLONES, Ph.D.


Teacher III HT-I Principal III

ILYN F. TABAQUIRAO
Teacher I
Answer Key:
1. a
2. d
3. c
4. d
5. a
6. d
7. a
8. b
9. a
10. d
Pagtutukoy
11. Sumer
12. Teokrasya
13. Noble
14. Commoners
15. Alipin/Slaves
16. Akkadian
17. Sargon
18. Imperyo
19. Hammurabi
20. Kodigo ni Hammurabi/Code of Hammurabi
Tama o Mali
21. Tama
22. Chaldenian-Mali
23. Nebuchadnezzar-Mali
24. Persia-Mali
25. Cyrus the Great/ Cyrus ang Dakila-Mali
26. Satrapies-Mali
27. Tama
28. Tama
29. 45-Mali
30. Tama
31. Tama
32. Phoenicia/n-Mali
33. Tama
34. Tama
35. Moses- Mali

You might also like