Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina| 1

MODYUL 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
DELA CRUZ, CIARA JANE L.
GARCIA, GLIZEL ANN B.
MANILA, RAFAELITO M.
MARGATINEZ, IVILEN MARIE C.
VILLAR, MERLYN R.
Mga Guro sa Asignatura
Kaalaman at PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO

Kasanayan sa
TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagbasa: Pagsusuri at 2
Pagsulat ng Teksto Pahina | 2

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

Matapos ang araling ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

• Naipaliliwanag ang mga uri


at anyo ng iba pang mga
teksto mahalaga sa pagsulat
ng saliksik;
• Nakikilala kung ang
tekstong binasa ay
naglalahad, naglalarawan,
nagsasalaysay o
nangangatuwiran
• Nakikilala at naitatala ang
mahalagang puntos sa isang
aklat at magamit ang mga
ito sa pagsulat ng
paraphrase, abstrak, at rebyu
ng aklat
• Nakapagsusuri at
nakapagbibigay ng sariling
opinyon batay sa binasang
teksto.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

MGA
SANGGUNIA
N
Sa araling ito,
magagamit ang mga
nakatalang sanggunian:

• Kaalaman at
Kasanayan
sa Pagbasa:
Pagsusuri at
Pagsulat ng
Teksto –
Powerpoint
Presentation

• Pagbasa at
Pagsusuri ng
Iba’t ibang
Teksto
Tungo sa
Pananaliksik (Part2)
-
https://youtu.be/z1q
wEeYx3D4

• Kaalaman at
Kasanayan sa
Pagbasa
Pagsusuri at
Pagsulat ng
Teksto.pptx -
Google Slides

• Pagbasa at
Pagsusuri ng
Iba’t ibang
Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
ni Servillano
T. Marquez
Jr., PhD.

Pahina | 3

Panuto: Sagutan ang bawat bilang. TALAAN NG NILALAMAN


1. Magsulat ng maikling buod, synopsis, o deskripsyon
ng isang aklat oanomang uri ng babasahin na tumatak SUBUKAN NATIN !
sa iyong isipan. 3
SURIIN MO !
4
MGA KASANAYAN SA
MAPANURING
4 PAGBASA
PAGKILALA SA
2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ka nagkaroon
ng interes sa iyong binasang akda?
6 OPINYON AT
KATOTOHANAN
PAGTUKOY SA

7 LAYUNIN, PANANAW AT
DAMDAMING TEKSTO
PAGSULAT NG
7 PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU
MGA PANANAW SA
3. Sa iyong sariling opinyon. Bakit masasabing ang
pagsulat ay isang sistema o proseso? 8 PROSESO NG PAG
BASA

SIMULAN MO !
9-10

ISAISIP
11 MGA TERMINO

PAGTATAYA
12 MGA SANGGUNIAN
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ibong adarna Noli Me Tangere


Harry potter

MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

I. Bago magbasa
II. Habang nagbabasa
III. Pagkatapos magbasa
IV. Pagkilala sa opinyon at katotohanan
V. Pagtukoy sa layunin, pananaw, at damdamin ng teksto
VI. Pagsulat ng parapharse, abstrak, at rebyu

I. Bago Magbasa
- Paghahandan upang siyasatin ang tekstong babasahin
- Nakapaloon ditto ang previewing o surveying ng isang babasahin
- Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon

- Pagsisimula ng kognetibong proseso


PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

II. Habang Nagbabasa


Mga Paraan upang maging epektibo ang pagbabasa
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Sinusukat ang bilis o bagal ng

pagbasa, maaari rin baguhin ang bilis ng pagbabasa batay sa Pahina | 5 hirap ng
teksto o babasahin at personal na kakayahan sa pagbasa.
Biswalisasyon ng binabasa. May kakayahan ang mambabasa

na makabuo ng mga larawan sa kaniyang isip habang


nagbabasa, gamit ang mga impormasyon mula sa mga
babasahin at imbak na kaalama.
Pagbuo ng Koneksiyon. Nasusukat kung talagang

nauunawaan ng mambabasa ang isang teksto.


Dito pinayayaman ang ugnayan sa pagitan ng teksto at
imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
Paghihinuha. Ang koneksiyon ng impormasyon mula sa teksto
at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at
kongklusyon at kasagutan sa kalalabasan ng teksto.
Pagsusubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga

posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga


hakbang upang masolusyunan ito. Halimbawa, kung may isang
salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto,
maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa.
Muling pagbasa. Kung hindi naunawaan ng mambabasa ang
tesktong kanyang binasa nagaganap ang muling pagbasa,
upang mas mabigyang linaw at maintindihan ang kanyang
binasa.
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Sa pagbabasa

lumalawak ang ating bokabularyo at madalas sa ating mga


babasahin ay may mga di-pamilyar na mga salita. Ditto
pumapasok ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang
alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa
iba pang impormasyon sa teksto.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

III. Pagkatapos Magbasa

Mga dapat isagawa pagkatapos magbasa

Pahina | 6
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

❖ Pagtatasa ng komprehensyon
❖ Pagbubuod
❖ Pagbuo ng sintesis
❖ Ebalwasyon
Pagtatasa ng komprehensyon – Pagsukat sa naging kaalaman at
pagunawa ng isang mambabasa, Dito nagaganap ang pagsagot sa iba’t
ibang tanong tungkol sa binasa.
Pagbubuod – Isang proseso ng pagpapaikli ng isang teksto sa
pamamagitan nito, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at
detalye.
Pagbuo ng Sintesis - Pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat
batay sa kaniyang pag-unawa.
Ebalwasyon - Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
impormasyong nabasa sa teksto.

PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN

KATOTOHANAN
Ito ay ang mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa
pamamagitan ng emperikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang
kaalaman at impormasyon.

OPINYON

Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa Pahina | 7 personal na paniniwala at
iniisip ng isang tao.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO

Dagdag kaalaman:

Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais


solusyunan ng may-akda.

Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa


kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.

Dahil sa damdamin na ipinahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang


nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng
pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang
manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto

PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU


Pahina | 8
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130) Pambansang Alagad ng Sining sa


Panitikan, mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging daluyan
ng mga aspirasyon at pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas
katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan
at paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.

MGA PANANAW SA PROSESO NG PAGBASA

Bilang isang mag-aaral sa ikalabing-isang Baitang, dapat mong mabatid ang mga
pananaw sa proseso ng pagbasa. Ang layunin nito ay mabigyan ang mga mag-aaral na
tulad mo ng gabay sa pagbasa upang maunawaan mong lalo ang mga binasa at
mapalawak ang iyong pananaw sa pag-aaral sa mga naturang teksto.

1. TEORYANG TOP-DOWN
Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) patungo sa teksto
(down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsasabing ang
pagbabasa ay isang prosesong holistiko (holistic process).

2. TEORYANG BOTTOM-UP
Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay
ang katumbas nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto, bago pa
man ang pagpapakahulugan dito.

3. TEORYANG ISKEMA
Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito ay nagbibigay
lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong gagamitin at mabibigyan
ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

4. TEORYANG INTER-AKTIV
Binibigyang-diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang
produkto. Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan ng mag-aaral. Sa teoryang ito,
mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihingil sa kamalayan at kabatiran sa
taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.

Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na seleksiyon. Tukuyin kung ano ang layunin, Pahina | 9
pananaw, at damdamin nito.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas

Laganap ang mga mall at ang kulturang kaakibat nito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nangunguna
ang SM Supermalls, na pag-aari ng SM Prime Holdings Inc., sa dami ng mga mall sa buong
bansa. Mayroon silang kabuuang 48 na mall sa Pilipinas at maging sa Tsina. Itinayo ni Henry Sy,
Sr. ang kauna-unahang Shoemart, isang tindahan ng sapatos, noong 1958 sa Maynila. Noong
1960s, lumawak at dumami ang mga tindahang ito ng sapatos. Nagkaroon nito sa mga setro ng
urbanisadong lungsod tulad ng Makati at Cubao. Naging ganap na Department Store ito noong
1970s kung saan nakilala ito bilang SM. Noong 1980s, lalong lumawak ang saklaw ng SM.
Nagtayo na rin ang kompanya ng mga supermarket at home appliance center. Pinakaunang
itinanghal na SM Supermall ang SM City North EDSA.

Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM. Madalas pa ngang nagiging


palatandaan ng isang lugar ang SM o kaya ay ruta ng mga pampublikong sasakyan. Bahagi na ng
buhay ng mga Pilipino ang mall. Lahat ng pangangailangan mula sa damit, sapatos, pagkain,
sinehan, gadget, at kung anu-ano pa ay nasa mall nang lahat. Madalas na nagiging pasyalan ito
kahit na walang bibilhin, dahilan para mauso ang konsepto ng “window shopping” o yaong
patingin-tingin lamang pero hindi naman bibili. Sa mga panahong mainit ang panahon, mall din
1. Layunin
ang dinarayo ng mga Pilipino upang magpalamig. Tunay ngang naging bahagi na ng kulturang
Pilipino ang malling.

Bukod sa Bahagi na ito ng kultura, Mahalaga ring tukuyin ang malling bilang manipestasyon ng
matinding konsumerismo ng mga Pilipino. Bilang bansang nasa ikatlong daigdig na tagatanggap
ng mga yaring produkto mula sa ibang bansa, lunsaran ang mall ng pinagsama-samang
produkto ng mauunlad na bansa na hindi kayang gawin ng mga industriya sa Pilipinas.
Ginagamit ang mall upang magpakilala ng mga bagong pangangailangan at kagustuhan sa mga
2. Pananaw
konsyumer para sa pagpapatuloy sa paggalaw ng ekonomiya. Pinalalaganao ng malling ang
napakababaw na materyalismo, kung saan itinumbas ng tao ang personal na aspirasyon sa
pagkamit ng mga material na bagay.

Bilang matalinong konsyumer, paano mo sinusuri at ginagamit sa iyong kapakinabangan ang


pagkakaroon ng mall sa iyong lugar?

3. Damdamin Pahina | 10

B. Sumipi ng tig-dalawang pahayag na nagpapakita ng opinyon at katotohanan mula sa


binasang seleksiyon.

Katotohanan
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
Opinyon
1._____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ISAISIP

Anu-ano ang nakukuhang kapakinabangan ng isang tao


sa pagbabasa?
Pahina | 11
✓ Ang pagbabasa ay karunungan. Ang malalim na
pagkatuto sa masining na pagbasa ay mabisang
instrument sa pangangalap at pagtuklas ng iba’t
ibang uri ng karunungan. Anumang mabuting aklat-
sanggunian ay baul ng bagong kaalaman.

✓ Ang layunin ng naman ng mambabasa ay


magkaroon ng pangkalahatang pagapalagay sa
pinaka pangunahing salita, kailangang gamitin
ang mabilisang pagbasa

✓ Ang paaral na pagbasa ay ginagawa sa pagkuha


ng pangunahing detalye at ang pagsasama-sama
ng maliliit na kaisipan upang magkaroon ng
mahusay at tumpak na pagkakaunawa.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

MGA TERMINO
SINTESIS - Ang isang
KOMPREHENSYON - Ang
syntehis o sintesis ay ang
komprehensyon ay ang
buod o pinakamaikli pero
pagunawa o pag-intindi sa
pinaka importanteng
naririnig o sa nilalaman ng
impormasyon galing sa isang
isang teksto.
kwento o pangyayari. Hindi
ito isang panibagong kwento
BUOD - ito ay ang pinaikli o pinaiksing
ngunit ang pinakaikling
bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring
pagsasadula ng mga
pinanood,pinakinggan o nakasulat.
importanteng ganap sa isang
kwento.

PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na kasanayan ay ginagawa bago,


habang, o pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat Pahina | 12 aytem at isulat ito sa
patlang.

A. Bago Magbasa
B. Habang Nagbabasa
C. Pagkatapos Magbasa

_______ 1. Pagbuo ng mga biswal na imahen

_______ 2. Previewing ng tekto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa


layunin ng pagbasa.

_______ 3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.

_______ 4. Muling pagbasa sa mga hindi maunawaang bahagi.

_______ 5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.

_______ 6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat.

_______ 7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa


Pamamagitan ng pag-uugnay sa iba pang impormasyong ibinibigay ng teksto.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

_______ 8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.

_______ 9. Paghihinuha

_______ 10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.

REFERENCES

Crizel Sicat-De Laza (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
pananaliksik. [Unang edisyon.]. Quezon City: REX Book Store.
Servillano T. Marquez. (2017). PINTIG Senior High School - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Batayang Aklat). SIBS Publishing House Inc. 927
Quezon Avenue, Quezon City.
https://web.facebook.com/TriviaAndFactsPhilippines Trivia and Facts Philippines | Facebook
pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik module 2 - YouTube
https://youtu.be/z1qwEeYx3D4
teorya ng pagbasa - YouTube https://youtu.be/uTvuBs2x2po
Teoryang Bottom Up at Teoryang Top Down - YouTube https://youtu.be/mINdwcLxJ5o
Pahina | 13 Pahina | 14

You might also like