Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NASYONALISMO SA ASYA

   Ang pananakop,pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng


mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay- daan sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa Asya.

    Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding


pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan,ayon sa aklat na SEDP
Kabihasnang Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad
ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita
ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na
minsang ginawa ng bansang Hapon.

    Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa makikita


ito sa pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin.
Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal,
pagtangkilik sa sariling mga produkto,ideya at kultura ng sariling bayan.

    Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at


makatarungan. Ang kahandaang magtanggol at mamatay  ng isang tao  para sa
bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon  ng nasyonalismo.

    Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga


Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang
kalayaan, maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya.Ang mga
samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral.Tunghayan
natin ang nasyonalismong ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya. 

You might also like