Professional Documents
Culture Documents
RPH Midterm
RPH Midterm
RPH Midterm
KASAYSAYAN
- ito ay isang maayos na pagtalata gamit ang mga pangyayari o phenomenon maging ito man ay sunod-sunod
o hindi.
Louis Gottchalk
- sumang aton kay Aristotle
- nag tala ng kahulugan ng historia
-may akda ng aklat na “Understanding history”
saysay
- salitang ugat
- maaring mga kahulugan
• Mahalaga
• May kwenta
• Importante
saysay-an
- kung ito naman ay dadagdagan ng hunlaping -an magkakaroon ng kahulugan:
• Talastasan
• Kwentuhan
• Pagbabahagi ng mga ideya o kuro-kuro (nagsasaysayan)
Ka-saysayan
- ang unlaping ka- na kung saan tumutukoy sa relasyon ng pagbubuklod.
- mga halimbawa:
• Kaibigan
• Kasintihan
• Kaanak
-ang ka- ay maaring mapagbukod, maaari ring mag ipon ng mga bagay.
Constantino
- para sa kanya ang kasaysayan ay hindi lamang limitado sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
-hindi rin ito limitado sa mga tala ng kabayanihan ng mga sikat na tao, bagkus ito ay ang mga tala ng
kolektibong pagtutulong-tulong ng mga karanimwang mamayanan na tinatawag na “masa” na may kapasidad
ba kumikha ng kasaysayan.
Leopold Von Ranke
- isang historyador
BATIS
- sources sa pag aaral ng kasaysayan
-mapatunayan ang isang tala ay nangyari o naganap
Primaryang batis
- karaniwang mga tao o maaaring mga bagay na mismong naging saksi habang naganap ang isang mahalagang
pangyayari.
b. Awtobiograpiya
- talambuhay na isinulat ng may akda na pumapatungkol sa kanyang sarili.
-mahahalangang kaganapan
- lugar
- tao at mga pangyayari ang kadalasang paksa ng nasabing akda.
c. Liham
- mga sulat ng may-akda na naglalaman ng mensahe, pananaw o damdamin na nains niyang iparating
sa taong kinauukulan.
- Halimbawa nito at ang Liham ni Rizal sa kadalagahan ng Malolos na may Petsang Pebrero 22, 1889.
d. Diyaryo/Pahayagan
- isang dukumento na inalathala at inilimbag kaalinsabay ng mga isyung panlipunan na tinatalakay sa
mismong pahayagan.
- ukat ukol sa kaganapan political, pang-ekonomiko at panliupunan
-tumatalakay din ito sa opinyon at pananaw ng mga ekspeto
- halimbawa nito ay ang Diariong Tagalog na pinamatbugutan ni Marcelo H. Del Pilar
e. Memior
- naglalarawan ng mga pangyayari habang bumabanggit ng kanyang sariling kuro-kuro ang may akda.
-kaganapan na base sa paniniwala ng may akda
- Halimbawa nito ay ang The Philippine Revolution o ang La Revolucion Filipina na inakda ni Apolinario
mabini
f. Mga ulat
- kadalasang mga opisyal na dokumento na nanggaling sa isang grupo ng tao na naglalayong maghatid
ng impormnasyon ukol sa isang particular na kaganapan.
- ginagamit sa imbestigasyon o sa mga pagdinig upang magamit na basehan ng hakbangin ng
pamahalaan.
- halimbawa nito ay mga dukumento na inilabas ng Agrava Fact-Finding Commission.
g. Mga Talumpati
- pahayag na binibigkas sa mga mahahalagang okasyon, pagtitipon, Gawain panrelihiyon o pulitikal.
i. Mga kasunduan
- nilalagdahan ng mga pinuno o ng mga Samahan
- isang halimbawa ay ang Biak-na-Bato na nilagdaan ng mga kintawan ng pamahalaang rebilusyonaryo
at gobyernong kolonyal ng mga Espanyol
a. Artipakto
- tintatawag ito na liktao na halaw sa aklat ni prop. Zues Salazar na nalathala noong 2004
- mga bagay na nahukay ng mga arkeologo mula pa sa unang panahon.
- mga halimbawa nito:
• Balangay
→ isang uri ng sinaunang sasakyang pandagat na nahukay at natagpuan sa lungsod ng
butuan noong 1978.
→ Isang katunayan na may kakayahjan at kahusayan na ang mga sinaunang Pilipino sa
paggawa ng malalaking sasakyang pandagat.
• Hikaw
→ Natagpuan sa Yungib Duyong ng palawan
→ Tintawag na Lingling-o na sumisimbolo sa karangyaan ng sinaunang pamayanang
Pilipino
b. Relikya
- labi ng mga bag ana amy buhay gaya ng tao, hayop, halaman at iba pa
-maaring mga buto ng hayoop at tao o mga balangkas ng mga halaman sa mga yungib o bato
- hilambawa nito:
• Buto nga daliri sa paa (metatarsal) ng taong Callao na natagpuan sa yungib Callow sa Cagayan.
Itinayang 67,000 taon na.
• Relikya na natagpuang bagang (molar) ng stegodon luzonensis.
→ Uri ng elepante
→ Natagpuan sa hilagang Luzon
c. Kasaysayang Oral
- primarying batis na di-nakasulat
- mga salitang Sali’t saling pahayag, kwento , o salaysay na maaaring tiyak o hindi tiyak ang pinag
Mulan.
- Halimbawa nito:
• Mga alamat
• Epiko -Halimbawa nito ay ang biag ni lam-ang isang epiko na binigyang bikas ni Pedro Bukaneg.
• Sawikain
• Bugtong
• Kwentong bayan
d. Larawan at dibuho
- bunga ng mga likha ng tao sa pamamagitan ng dunong at teknolihiya.
-Halimbawa nito:
• Spolarium ni Juan Luna
Sekundaryang Batis
-mga batis na hindi saksi sa mga pangyayari ngnit naglalahad ng impormasyan kaugnay ng primarying batis
-ayon kay Gottschalk, ito ay mga testiminyo ng mga hindi saksi sa pangyayari subalit nagbabangit ng mga
bagay na may kaugnay dito.
- pinaka magandang halimbawa ay mga teksbuk sa paaralan.
- iba pang halimbawa ay:
• Brochure
• Magazine
• Mga nailathalang artikulo sa internet
KRITISISMO
-Nabanggit sa mga naunang pahina ang hindi pagkakabuo ng ganap na pangyayari sa nakaraan at tanging
sulyap lamng ang ating magagawa.
-Para kay John Tosh, tungkulin ng historyador na magtagpi-tagpi ang mga pangyayari mula sa limitadong mg
abatis.
-kailangan ang kritisismo upang higit na mapalabas ang katotohanan ng mga pangyayari sa nakaraan
-masigurado ang otentisidad
-ito ay nahahati sa dalawa Kiritisismong Panlabas at Kritisismong Panloob
Kritikang Panlabas
- o krititika ng katunayan at kapanalingan ay may kainalaman sa pagkilala kung tunay o d tunay ang batis.
- sumasailalim sa restitusyon o pangwawasto ng batis upang maibalik ito sa orihinal.
Kritikang Panloob
- ang higit na malalim na pagsusuri ng dokumento
- Sinusuri na dito ang mismong nilalaman ng akda upang tuklasin ang tiyak at tunay na kahulugan ng sinusuring
dokumento.
6. Intramuros Administration
- isang ahensya na nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nangangalaga ng
mga dokumento at gamit na gumanap ng malaking papel sa kasaysayan ng Intramuros.
8. Pambansang Dambana
- ang mga dambana ay lugar kung saan nakahimlay ang mga labi ng mga kinikilalang bayani ng bayan.
- Isang halimbawa ng dambana ay ang Dambana ni Gat. Marcelo H. del Pilar na matatagpuan sa Brgy.
San Nicolas, Bulakan, Bulacan.