Mga Ring Nagbunsod NG Impeachment Case Laban Kay Pangulong Estrada

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Pangyayaring Nagbunsod ng Impeachment Case Laban kay Pangulong Estrada - Noong Oktubre 8, 2001, nagpalabas ng tape sa isang

press conference na ginanap sa Club Filipino si GObernador Luis Chavit Singson ng Ilocos Sur, isang matalik na kaibigan ng Pangulo. Naglalaman ang tape ng pag-uusap nina Pangulong Estrada at Yolanda Ricaforte, tungkol sap era ng jueteng. Si Ricaforte ang auditor diumano ng Pangulo sa mga koleksyon ng jueteng. Ayon sa Gobernador, limang milyong piso ang natatanggap ng Pangulo tuwing ika-a5 ng buwan o sampung milyong piso bawat buwan. Mahigit 400 milyong piso ang diumanoy natanggap ng Pangulo sa jueteng mula 1998 hanggang Agosto 2000. - Bunga nito, nanawagan sina Arsobispo Jaime Cardinal Sin ng Maynila at dating pangulong Corazon Aquino na bumaba na sa panunungkulan si Pangulong Estrada dahil sa jueteng scandal na kinasangkutan nito. - Kasabay nito, nagbitiw sa tungkulin si Pangalawang Pangulong Arroyo bilang kasapi ng gabinete ni Pangulong Estrada, at pagiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development. - Bumaba ang halaga ng piso dahil sa krisis sa liderato na kinaharap ng bansa. Nawalan ng tiwala ang mga mamumuhunan sa katatagan ng ekonomiya ng bansa dahil sa hinaharap nitong problema sa panguluhan. - Nailantad ang mga mansion at mga kumpanya na diumano ay pag-aari ng mga babaeng may kaugnayan sa Pangulo. - Ang sunud-sunod na isyung ito laban sa Pangulong Estrada ang nagtulak sa tatlong kinatawan sa Mababang Kapulungan na sina Heherson T. Alvarez, Ernesto F. Herrera, at Michael T. Defensor kabilang ang 24 na ibat ibang samahan na maghain ng kasong impeachment laban sa pangulo ng bansa. - Ilan sa mga kumalas at nagbitiw sa tungkulin dahil sa kawalan ng tiwala sa Pangulo ay sina Kalihim Manuel A. Roxas III ng Department of Trade and Industry; Senate President Franklin Drilon, at House Speaker Manuel Villar. Ang Impeachment Trial ng 2000-2001 - Si Pangulong Joseph Estrada ang kauna-unahang Pangulong kinasuhan ng impeachment sa bansa at maging sa buong Asia. - Sa pamumuno ni Speaker Manuel Villar, nailipat sa Senado ang pagdinig ng Impeachment case laban kay Pangulong Estrada. - Pinamunuan ni HIlario Davide, Jr., punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, ang Impeachment Trial.

- Ilan sa mga naging abogado ni Pangulong Estrada ay sina Andres R. Narvasa, Estelito P. Mendosa, Raul A. Daza, at ang magkapatid na Sigfried at Raymond Fortun. - Napaloob sa Articles of Impeachment ang mga sumusunod: I. Pagtanggap ng suhol (Bribery) II. Katiwalian (Graft and Corruption) III. Pagkakanulo sa Tiwala ng mamamayan (Betrayal of Public Trust) IV. Tahasang Paglabag sa Saligang Batas (Culpable Violation of the Constitution)

Mga Mahahalagang Pangyayari sa IMPEACHMENT TRIAL Nobyembre 13, 2000 Idineklara ng Mababang Kapulungan (kongreso) sa pangunguna ni Speaker Manuel Villa rang kaso ng impeachment laban sa Pangulo. Sa pamamagitan ng 13 na boto ng pagsang-ayon, anim na boto ng di pagsang-ayon at dalawang di bumoto, pinalitan si Senador Franklin Drilon ni Senator Aquilino Nene Pimentel bilang Senate President. Nobyembre 20, 2000 Ang simula ng Impeachment Trial. Nobyembre 21, 2000 Nanawagan si Pangulong Estrada sa mga kasama sa partido ng Laban ng Masang Pilipino (LAMP) na magsumite ng leave of absence habang isinasagawa ang impeachment trial.

You might also like