Quarter Test Science 3 - Jhoan M. Delana

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA SCIENCE 3

Pangalan: ______________________________________ Marka: ________________

I. Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. ________ ang tawag sa lahat ng bagay na makikita sa ating paligid?


a. Matter b. solid c. liquid d. gas
2. Ang Matter ay maaring maging ____?
a. Solid b. Liquid c. Gas d. Lahat ng nabanggit
3. Ito ay uri ng matter na may timbang ngunit walang tiyak na hugis?
a. Solid b. Liquid c. Gas d. Matter
4. Ito ay uri ng matter na hindi nakikita at nahahawakan dahil sobrang layo-layo ang kaniyang
molecules?
a. Solid b. Liquid c. Gas d. Matter
5. Ito ay uri ng matter na nahahawakan, may hugis at tekstur?
a. Solid b. Liquid c. Gas d. Matter
6. Ano ang tawag sa mga bagay na may iba’t ibang katangian na binubuo ng maliliit na particles
na tinatawag na molecules?
a. matter b. solid c. liquid d. gas
7. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
a. a. asukal b. baso c. kutsara d. mantika
8. Anong uri ng matter ang sumusunod ang hugis sa lalagyan at may iba’t ibang paraang ng
pagdaloy?
a. a. gas b. solid c. liquid d. plasma
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng solid MALIBAN sa isa, alin ito?
a. dumadaloy c. nahahawakan
b. may sariling hugis d. may tekstura
10. Ang buhangin, papel de liha, at langka ay mga bagay na inuri sa pamamagitan ng_____.
a. hugis b. kulay c. sukat d. tekstura
11. Alin ang bagay na nakalalason?
a. a. muriatic acid b. bleach c. kerosene d. wala sa nabanggit
12. Ang ____ ay isang flammable na bagay.
a. a. bleach b. LPG c. muriatic acid d. wala sa nabanggit
13. Ano ang dapat gawin sa mga kemikal na ginagamit natin sa bahay?
a. Ilagay kung saan mo gusto.
b. Pabayaan na pakalat-kalat sa bahay.
c. Hayaan na maabot ito ng bata at mapaglaruan.
d. Lagyan ng pangalan ang iba’t- ibang kemikal at ilagay ang mga ito sa lugar na hindi
maabot ng mga bata.
14. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain upang ligtas sa paggamit ng mga
mapaminsalang bagay?
a. Maglaro ng posporo.
b. Ilagay ang mga bagay na maaaring lumiyab malapit sa kalan.
c. Mag- spray ng pamatay kulisap ng wala man lang guwantes at gas mask.
d. Palagiang tingnan ang tangke na ginagamit sa pagluluto.
15. Ano ang kailangan gawin kung ikaw ay nakawahak ng kemikal na nakakalason?
a. Ipaalam kaagad sa iyong nakakasama sa bahay upang matulungan kang tanggalin ito.
b. Ipupunas na lamang sa basahan.
c. Pababayaan na lamang ito.
d. Maghugas ng kamay ng hindi nagsasabon.
16. Ang paggamit ng matutulim na bagay ay hindi dapat ginagawa ng mga bata?
a. Oo, sapagkat delikado ito.
b. Oo, dahil nakapagdudulot ito ng aksidente.
c. Oo, dahil pagagalitan ako ng aking nanay.
d. Lahat ng nabanggit.
17. Ang mga sumusunod ay mga bagay ay kaaya-aya sa katawan MALIBAN sa?
a. Suklay
b. Pabango
c. Pulbo
d. Lastiko na ginagawang polseras.
18. Ang mga bagay na sumusunod ay hindi dapat dalahin sa Paaralan
a. Libro
b. Papel
c. Kutsilyo
d. Krayola
19. Aling bagay ang ginagamit upang mapanatiling malinis ang mga kamay kung ikaw ay nasa labas
ng inyong tahanan?
a. Alcohol
b. Cologne
c. Panyo
d. Sabon
20. Ang pagsusuot ng _______ ay kailangan upang maiwasan ang di kaaya-ayang amoy.
a. Facemask
b. Face shield
c. Gloves
d. Sombrero

II. Panuto: Kilalanin ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat kung ito ay
solid, liquid o gas.

________21 Ang tubig ay walang tiyak na hugis.


________22. Ang aklat ay bagay na nahahawakan.
________ 23. Ang simoy ng hangin ay malamig.
________ 24. Ang kendi ay matamis.
________ 25. Ang ulan ay pumapatak.
________ 26. Ang gatas ay pampalakas ng katawan.
________ 27. Ang pader ay matigas.
________ 28. Ang mantika ay mainit.
________ 29. Ang usok ng sasakyan ay mabaho.
________ 30. Ang bulak ay malambot.

III. Panuto: Lagyan ng tsek / ang hanay kung mainit o malamig.Uriin ito kung solid, liquid o
gas.

Bagay Mainit na Bagay Malamig na Bagay


Solid Liquid Gas Solid Liquid Gas
31. sorbetes
32. Maliit na yelo
33. Singaw ng kumukulong tubig
34. Kandila
35. Krayola
36. Napthalene Ball
37. Bato
38. Kape
39. Mesa
40. Perfume

“May magandang kinabuksan ang taong may Pinag-aralan”


Congrats Grade-3!
– Ms. Delana

You might also like