Health 4 Worksheet 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Q2_WEEK

1_HEALTH
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Palawan
Bataraza, District I
Bataraza, Palawan

BULALACAO ELEMENTARY SCHOOL

Quarter 2 WeeK 1
GRADE IV HEALTH

Name: ________________________________________ Score:_________


Grade & Section: _______________________

MGA NAKAHAHAWANG SAKIT, ALAMIN KUNG BAKIT


“Ang kalusugan ay kayamanan”
Sa iyong palagay, kayamanan nga ba ang kalusugan? Bakit? Ang kasabihang ito ay
nangangahulugang ang taong malusog ay may masiglang buhay. Ang malusog na pangangatawan ay
nakatutulong din na makaiwas sa iba’t ibang sakit.
Sa yunit na ito ay nailalarawan ang mga nakahahawang sakit. Inaasahan din na makatutulong
ang yunit na ito upang higit na pahalagahan at isagawa ang mga gawaing pangkalusugan laban sa mga
sakit.
Ano ang sakit?
Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng isang tao. Ito ay maaaring sanhi ng
hindi maayos na kondisyon ng mga selyula o bahagi ng katawan at ng mga mikrobyong nagdudulot
ng sakit.
Ano ang dalawang uri ng sakit?
1. Hindi nakahahawang sakit ay hindi naisasalin mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ito ay
maaaring nakuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay (lifestyle).
Halimbawa: asthma, alzheimer’s, appendicitis, cancer, cystic fibrosis, ear infection, epilepsy,
diabetis, ulcer, stroke, sakit sa puso, at daluyan ng dugo.
2. Nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa ibang tao kung kaya’t kilala rin
ito bilang “Lifestyle” disease. Nagmumula sa mga mikrobyo na pumapasok at sumisira sa mga selyula
(cells) ng katawan. Nangangailangan ito ng dagliang pagsugpo at masusing pag-iingat upang
maiwasan ang paglaganap nito.

Halimbawa:

 Ang cough o ubo ay isang reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang
bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin.
 Ang sipon (common cold) ay isang uri ng viral infection na nakaaapekto sa respiratory
system, partikular na sa ilong at lalamunan. Nangangailangang uminom ng maraming tubig
o juice, magpahinga, at uminom ng mga gamot.
 Ang tuberkulosis ay isang sakit sa baga na dulot ng mga mikrobyong nakukuha sa hangin.
Ang mikrobyong ito ay naiuubo o naibabahing sa hangin ng isang taong may sakit na TB.
 Dengue Fever ay isang talamak na impeksyon na dala ng lamok na sanhi ng mga virus ng
dengue.
 Leptospirosis –isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng
mga hayop sa kanilang pag-ihi. Kadalasang nakukuha ito sa tubig-baha na kontaminado ng
ihi ng daga.

Kung minsan naman, ang tao ang may makapaminsalang mikrobyo sa kaniyang katawan. Ito
ay maaaring isalin sa iba kapag siya ay umuubo, dumudura, o ang kaniyang ginagamit na
kasangkapan na nagagamit ng iba. Halimbawa ang sakit na COVID-19 kung saan ngayon ay
nararanasan ng buong mundo. Iba’t ibang katangian ng nakahahawang sakit:

1. Nagdudulot ng impeksiyong sanhi ng pathogens o mikrobyo (infectious).


2. Naipapasa/Nakahahawa (contagious).
3. Maaaring makamatay o makabalda (disable).
4. Maaaring maging sanhi ng pandemic.
5. Maaaring maging sanhi ng epidemic.
6. Maaaring masugpo sa pamamagitan ng intervention (bakuna, balanseng pagkain, regular na
ehersisyo, pahinga, at sapat na tulog, at iba pa).

GAWAIN 1.

Panuto: Basahin ang mga salita sa kahon. Pagsama-samahin ang mga sumusunod na sakit ayon sa uri
nito.

Sakit sa puso covid-19 alzheimer’s Sipon

Asthma ubo appendicitis Sore eyes


Nakahahawang Sakit Hindi Nakahahawang Sakit

Panuto: Piliin at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.


________ 1. Alin ang sanhi ng dengue?
A. Virus na dala ng lamok
B. Ihi ng dagang sumama sa tubig
C. Kontaminadong pagkain
D. Bacteria na nagmumula sa bulate
________ 2. Anong sakit ang may impeksiyon sa atay?
A. Alipunga B. Hepatitis
C. Pulmonya D. Tuberculosis
________ 3. Anong sakit ang maaaring makuha sa ihi ng daga na sumasama sa
tubig?
A. Amoebiasis B. Hepatitis
C. Leptospirosis D. Tuberculosis
________ 4. Alin ang tagapagdala ng sakit na Leptospirosis?
A. Daga B. Dugo
C. Tuwalya D. Heringgilya (Injection)
________ 5. Lumusong si Ana sa tubig-baha noong nakaraang bagyo. Anong sakit
sa balat ang nakuha ni Ana dahil sa pagkababad sa baha?
A. Alipunga B. An-an
C. Buni D. Eksema

Q2_WEEK
Lagda at Pangalan ng magulang

2_HEALTH
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Palawan
Bataraza, District I
Bataraza, Palawan

BULALACAO ELEMENTARY SCHOOL

Quarter 2 WeeK 2
GRADE IV HEALTH

Name: ________________________________________ Score:_________


Grade & Section: _______________________

Suriin ang mga larawan.


May tatlong mahalagang elemento ang pagkalat ng nakahahawang sakit at
karamdaman. Ito ay ang susceptible host o tao, sanhi ng mga mikrobyo (pathogens), at ang
kapaligiran.

1. Ang susceptible host o sinomang tao ay maaaring kapitan ng pathogen o mikrobyo. Kung
malusog ang isang tao, hindi siya madaling dapuan ng sakit. Samantala, madaling kapitan ng
nakakahawang sakit ang isang taong mahina ang resistensya.

2. Ang mikrobyo (Pathogens) ay mga mikrobyong nagdudulot ng sakit tulad ng virus,


bakterya, fungi at parasite. Sa sobrang liit, ang mga ito ay makikita lamang sa pamamagitan
ng mikroskopyo. May iba’t ibang hugis, sukat, at anyo ang mikrobyo. Ito ay sanhi ng
pagkakasakit ng isang tao.

Mga uri ng Mikrobyo (Pathogens):

a. Virus – pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa pamamagitan ng


mikroskopyo. Nagiging sanhi nito ang ubo, trangkaso, tigdas, beke, at bulutong-
tubig.

b. Bacteria – mas malaki ito kaysa sa virus at nabubuhay kasama ng hangin, tubig,
at lupa. Nagiging sanhi nito ang tuberculosis, ubong may tunog, at diphtheria.

c. Fungi – tila halamang mikrobyo na nabubuhay at mabilis dumami sa madidilim at


mamasa-masang lugar. Nagiging sanhi nito ang alipunga at iba pang sakit sa balat.

d. Bulate (Parasitic Worms) – pinakamalaking pathogen na nabubuhay sa intestinal


walls at nakikipag agawan sa sustansya para sa katawan. Ang Ascaris, Tapeworm at
Roundworm ay mga halimbawa nito.

3. Ang Kapaligiran ay isang elemento sa pagkalat ng mikrobyo na maaaring sumasama sa


himpapawid at hangin (airborne), at tubig (waterborne).

PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang

sagot.

________1. Ito ay tila halamang mikrobyo na nabubuhay at mabilis dumami sa


madidilim at mamasa - masang lugar.

a. Fungi b. Bacteria c. Bulate d. Virus

________2. Ano ang tawag sa mas malaki sa virus na nabubuhay kasama ng

hangin, tubig at lupa?

a. Bulate b. Fungi c. Virus d. Bacteria

_________3. Ito naman ay sanhi ng ubo, sibon, trangkaso, tigdas, beke at

bulutong tubig

a. Bulate b. Virus c. Bacteria d. Fungi

_________4. Ito naman ang pinakamalaki pathogen na nabubuhay sa intestinal

walls at nakikipag agawan sa sustansiya para sa katawan

a. Virus b. Bulate c. Fungi d. Bacteria

_________5. Paano tayo makakaiwas sa sakit?

a. Maligo sa tubig baha

b. Maghapon maglaro gamit ang cellphone

c. Ugaliing magkain ng masustansiyang pagkain at maghugas ng

kamay

d. Laging kumain ng junkfoods at uminum ng softdrinks

Lagda at Pangalan ng magulang

Q2_WEEK
3_HEALTH
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Palawan
Bataraza, District I
Bataraza, Palawan
BULALACAO ELEMENTARY SCHOOL

Quarter 2 WeeK 3
GRADE IV HEALTH

Name: ________________________________________ Score:_________


Grade & Section: _______________________

PARAAN NG PAGKALAT NG SAKIT


Ano-ano ang sangkap ng pagkalat ng impeksiyon?

A. Causative/Infectious Agents (Pathogens) – ito ay mga mikrobyo


o mikroorganismo na nagdudulot ng nakakahawang sakit.

B. Reservoir or Source (Host) – lugar kung saan nananahan at


nagpaparami ang mga causative agents. Ito ay maaaring tao, hayop,
tubig, lupa, pagkain, tuwalya, pinggan, kutsara, tinidor, at iba pa.

C. Mode of Exit– mga labasan ng mikrobyo. Halimbawa nito ay sa bibig


ng isang tao kung saan tumatalsik ang laway habang nagsasalita,
humahatsing o bumabahing, o umuubo. Ang sipon, dumi, at dugo ay
halimbawa rin.

D. Mode of Transmission – paraan ng pagsasalin o paglilipat ng


mikrobyo (causative agent) sa ibang tao sa pamamagitan ng
droplets, airborne, foodborne, vectorborne, at bloodborne. Ang
nakahahawang sakit ay maaaring masalin sa ibang tao sa
pamamagitan ng sumusunod: pagkagat sa pagkain ng may sakit o
pagsalo sa kanilang pagkain, hangin, tubig, at lupa, dugo, laway, tae
o dumi, at ihi, paghawak o paghipo sa infected na tao o bagay oo dumi, at ihi, paghawak o
paghipo sa infected na tao o bagay o
kasangkapan.

E. Mode of Entry – daanan ng mikrobyo sa katawan ng ibang tao.


Maaaring ito ay sa pamamagitan ng bibig, ilong o balat. Ang bukas
na sugat ay madaling pasukan ng mikrobyo kaya kinakailangan ang
higit na pag-iingat upang makaiwas sa impeksyon o sakit.

F. Bagong Tirahan (Susceptible Host) – ang sinomang indibidwal


na may mahinang resistensya ay madaling kapitan ng sakit.

Pagtataya

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga sagot at isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang

A. Causative/Infectious Agents
B. Mode of Transmission
C. Mode of Exit
D. Reservoir or Source (Host)
E. Mode of Entry
F. Bagong Tirahan

______1. Ito ay ang mga mikrobyo o mikroorganismo na nagdudulot ng nakakahawang sakit

______2. Ang lugar kung saan nananahan at nagpaparami ang mga causative agents. Ito ay
maaaring tao, hayop, tubig, lupa, pagkain, tuwalya, pinggan, kutsara, tinidor, at iba pa.

______3. Ito ay ang mga labasan ng mikrobyo. Halimbawa nito ay sa bibig ng isang tao kung
saan tumatalsik ang laway habang nagsasalita, humahatsing o bumabahing, o umuubo. Ang
sipon, dumi, at dugo ay halimbawa rin.

______4. Ito ay Ang paraan ng pagsasalin o paglilipat ng mikrobyo (causative agent) sa


ibang tao.

______5. Ito ay Ang daanan ng mikrobyo sa katawan ng ibang tao. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng bibig, ilong o balat. Ang bukas na sugat ay madaling pasukan ng mikrobyo
kaya kinakailangan ang higit na pag-iingat upang makaiwas sa impeksyon o sakit.

Lagda at Pangalan ng magulang

Q2_WEEK
5_HEALTH
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Palawan
Bataraza, District I
Bataraza, Palawan

BULALACAO ELEMENTARY SCHOOL

Quarter 2 WeeK 5
GRADE IV HEALTH

Name: ________________________________________ Score:_________


Grade & Section: _______________________
PAG-IWAS SA SAKIT

May pamamaraan na dapat isagawa upang masugpo ang pagkalat ng impeksiyon

1. Ugaliin ang wastong pag-ubo at pagbahing. Kapag ikaw ay uubo o magbabahing


dapat takpan ang bibig at ilong.
2. Ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay. Maghugas ng kamay bago at
pagkatapos kumain.
3. Ugaliin ang paggamit ng guwantes kapag hahawak ng body fluid gaya ng dugo, ihi,
laway, sipon. Kung ikaw ay may inaalagaang maysakit dapat gagamit ng guwantes
kung hahawak ng kanyang body fluid.
4. Ugaliing linisan ang mga kontaminadong lugar at kagamitan. Itapon agad ang mga
stagnant water. Iwasan ang pag-iimbak ng tubig ng matagal na walang takip.
5. Ugaliin ang pagpapabakuna sa tamang panahon. Magpabakuna panlaban sa mga sakit.
6. Ugaliin ang pagkain ng balanse, regular na pag-eehersisyo, at pagkakaroon ng sapat
na tulog at pahinga. Kumain ng tatlong bises sa isang araw ng mga masustansiyang
pagkain. Huwag matulog nang lampas sa oras.
7. Ugaliin ang pagkonsulta sa doktor kung kinakailangan. Magbisita agad sa doctor kung
may nararamdamang hindi mabuti.

PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagsugpo ng
kadena ng impeksiyon at MALI kung hindi. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________1. Nakihalubilo si Maria sa mga taong may sakit at may karamdaman.

__________2. Magpakonsulta agad sa doctor kung may nararamdamang sintomas, agapan


upang maiwasan ang komplikasyon.

__________3. Ugaliin ang pagkain ng junk food, soft drinks, noodles at chocolate.

__________4. Ugaliin ang paggamit ng guwantes kapag hahawak ng body fluid ng may
sakit gaya ng dugo, ihi, laway, sipon.

__________5. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig bago at
pagkatapos kumain

You might also like