Teoryang Pampanitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Humanismo
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
Pananaw Humanismo:
a. Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
b. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino –
kakayahan at kalikasan ng tao.
c. Para sa humanista ang literature ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo
3. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal,
moral, sikolohikal)

2. Teoryang Formalistiko
Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
Pananaw Formalistiko
a. Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
b. Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan.
c. May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba
pang elemento; magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang
akda.

3. Teoryang Imahismo
Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga
imaheng nakapaloob sa akda.
Pananaw Imahismo
a. Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang
akda/tula.
b. Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
c. Malinaw ang mga epekto nito.
d. Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.

4. Teoryang Realismo
Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang
pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at
ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.
Pananaw Realismo
a. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
b. Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
c. Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
d. Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
e. Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
f. Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.

5. Teoryang Feminismo
Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa
kababaihan.
Pananaw Feminismo
a. Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.
b. Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat
na pamamaraan.
c. Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
d. Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
e. Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.

6. Teoryang Sosyolohikal
Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.
Pananaw Sosyolohikal
a. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa
ugnayang namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral
na suliraning panlipunan.
b. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa
rito.
c. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga
natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.

7. Teoryang Eksistensyalismo
Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan
ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng
paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na
Makita ang pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
Pananaw Eksistensyalismo
a. Malaya ang tao – siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin
ang panahon niya habang siya ay buhay.
b. Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang
desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
c. Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip,
damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
d. Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa
pinag-usapan.
e. Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa
mundo.
f. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa
naging bunga ng pagpapasya.

8. Teoryang Romantisismo
Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang
sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang
siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal.
Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-
araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang
mabubuti ang inilalalrawan.
Pananaw Romantisismo
a. Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
b. Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang
kabutihan at ang kagandahan.
c. Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng
mga romantiko.
d. Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon

9. Teoryang Naturalismo
Tinangka nito ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad
Pananaw Naturalismo
a. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.
b. Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
c. Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
d. Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
e. Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
f. Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa
katangiang moral.
g. Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

10. Teoryang Dekonstruksyon


Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang
binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa
kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa
teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa
kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng
teksto ay nasa mambabasa na.

**Teoryang Modernismo - Tumutukoy sa isang paghihimagsik sa tradisyon, relihiyon, kaugalian at


paniniwala. Nagsasaad o nagpapadama upang magkaroon ng puwang ang pagbabago.

You might also like