Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

`

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM


OUTCOME-BASED EDUCATION

EDUKASYON SA Grade
PAGPAPAKATAO 10

LEARNING QUARTER 3

MODULE WEEK 7

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 0


MODYUL SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

KUWARTER 3
LINGGO 7

YUNIT 3
Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kalikasan
DEVELOPMENT TEAM

Writer : Anthony S. Barruga

Nickson O. Agagon

Debralee Arquillo

Editor : Baby Rodel Sabino R. Daquioag

Reviewers : Baby Rodel Sabino R. Daquioag

Jo Eulie Mei T. Domingo

Illustrator : Eyriche Jan A. Dela Cruz

Lay-Out Artist : Eyriche Jan A. Dela Cruz

Management Team :

Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao

Jo Eulie Mei T. Domingo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 1


YUNIT 3
Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kalikasan

ARALIN

12-1
Ang Pangangalaga sa Kalikasan
Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa


kalikasan.

Pamantayan sa Pagganap

Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang


pangangalaga sa kalikasan.

Mga Kasanayan sa Pampagkatuto

1. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan
2. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 2


ALAMIN

Pagmasdan mo ang kapaligiran. Ano ang iyong mapapansin? Ito ba ay


nakawiwiling tingnan o nakakalungkot kapag iyong minamasdan?

Ang kalikasan ay isang napakalaking biyaya mula sa ating Panginoon.


Dito nagmumula ang lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Ito ay
napakaganda at lubos nating napakikinabangan mula sa pinagkukunan ng
pagkain, tirahan, gamot at iba pa.

Subalit unti-unti ng nasisira ang ating kapaligiran. Kung iyong


napapansin, nakararanas na tayo ng matinding init, mga pag-ulang nauuwi
sa malulubhang pagbaha, malalakas na bagyo at iba pang mga sakuna. Dahil
dito, marami sa mga ari-arian at ikinabubuhay ng marami ay nasisira, at pati
mga mahal sa buhay ay pumapanaw sanhi ng mga nararanasang mga
sakuna.

Samakatuwid, dahil sa mga pangyayaring ito, naitanong mo na ba sa


iyong sarili kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito? Paano ba natin
pinangangalagaan ang ating kalikasan nang hindi ito tuluyang masira?

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang mga pagkatutong


ito:

1. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan
2. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3


SUBUKIN

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na
pangalagaan ang kalikasan?
A. Ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa tao ay galing sa
kalikasan.
B. Isa itong responsibilidad na ipinagkatiwala na dapat gampanin.
C. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang
bumubuhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong
alagaan at pahalagahan.
D. Nakadepende ang buhay ng tao sa kalikasan dahil sa biyayang
taglay nito.
2. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa
mga bagay na kaniyang ginagawa?
A. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangalaga sa
kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya.
B. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang
tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng
pag-unlad at panahon.
C. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang
kaniyang kapuwa na maiwasan ang pagkawasak ng kalikasan sa
pagtamo ng kaunlaran.
D. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng
industriyalisasyon gaya ng pagmimina.
3. Ano ang epekto ng global warming?
A. Unti-unting nababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at
mga trahedyang mangyayari.
B. Natutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng
malawakang pagbaha.
C. Unti-unting nararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na
maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian.
D. Nagiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng
panahon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 4


4. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga
ng kalikasan?
A. Ipatutupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa
bawat paglabag.
B. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa
isang gawaing makakalikasan.
C. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng
kalikasan.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-
aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.
5. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan
bilang tagapamahala at tagapangalaga ng kalikasan?
A. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
B. Suportahan ang mga batas tungkol sa kapaligiran.
C. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
D. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa
bayan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 5


ARALIN

12-1 Ang Pangalagaan Sa Kalikasan

BALIKAN
Pag-aralan at unawaing mabuti ang mga larawan, pansinin kung
ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t-isa. Itala sa iyong sagutang papel ang
mga napansing pagkakaiba ng mga ito.

1.

DepEd-IMCS, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag-aaral).

2.

DepEd-IMCS, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag-aaral).

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 6


3.

DepEd-IMCS, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag-aaral).

4.

DepEd-IMCS, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag-aaral).

TUKLASIN

PANUTO: Mula sa mga larawan na iyong sinuri ay sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Naging madali ba para sa iyo na tukuyin ang pagkakaiba ng mga


larawan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Nakikita mo ba sa totoong buhay ang mga larawan na iyong
sinusuri?
3. Ano ang iyong naramdaman sa naging resulta ng iyong ginawang
pagsusuri? Ipaliwanag.
4. Apektado ba ang isang tulad mo sa naging resulta ng iyong
pagsisiyasat? Ipaliwanag ang sagot.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 7


SURIIN

Mga Isyu Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan


at Pangangalaga sa Kalikasan

Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na


tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito
at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka sa mga
kabataan na gumagawa rin ng mga ito.

1. Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at


konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging
patapon o hindi na maaaring magamit. Resulta? Walang habas ang
ginawang pagtatapon ng basura kung saan-saang lugar na lamang.
Ang bawat bagay na maituturing na wala nang gamit ay
ikinokonsiderang wala nang halaga kung kaya’t kadalasan itinatapon
na lamang ito. Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura,
nagbabara ang mga daanan ng tubig, kung kaya’t kapag dumating ang
malakas na ulan, di maiiwasan ang pagbaha. Dagdag pa rito ay
laganap ang mga sakit. Ito ay sa dahilang naging ugali na rin ng tao
ang hindi tamang pagtapon ng mga maruruming basura o kalat na
pinamumugaran ng mga insekto at mga mikrobyong nagdadala ng
sakit.
2. Iligal na pagputol ng mga puno. Sa mga puno nagmumula ang hangin
na kailangan natin sa paghinga, kaya naman napakahalaga nito sa tao
at sa mga hayop na nangangailangan ng hangin para mabuhay. Bukod
pa rito, ang ugat ng mga halaman o mga puno ang mga tagapagdala at
tagapag-ipon ng underground water na siyang pinagmumulan ng
malinis na inuming tubig na atin ding kailangan upang mabuhay.
Kapag ang mga punong ito na may mahalagang papel na
ginagampanan sa siklo ng materyal (cycle of materials) sa ating
kapaligiran ay nawala o kaya’y maubos, tiyak ang pagkakaroon nito
ng malawakang epekto sa mundo.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit
sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap,
ang tubig na iniinom, ang lupang sumusuporta sa mga halaman ay
unti-unting dumudumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao. Ito ay
ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng
hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng
respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 8


pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring maging
sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging
nilalanghap.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa
kagubatan. Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang
napakagandang kagubatang tropikal. Dito makikita ang iba’t-ibang uri
ng mga halaman at mga hayop na ang iba ay dito lang talaga makikita.
Mapalad tayong mabigyan ng ganitong kaloob ngunit sa panahon
ngayon, ang diversity na ito ay unti-unting nauubos. Maraming uri ng
mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at namamatay dahil
sa malawakang pag-abuso ng tao rito. Maraming uri ng hayop at
halaman ang nagiging threatened, endangered, at ang pinakamalala sa
lahat ay ang kanilang extinction.
5. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang Pilipinas ay nabiyayaan din
ng mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng
isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin
ang umaasa sa pangingisda na kanilang ikinabubuhay. Subalit ang
yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi
matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na
pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang
natural habitat o tirahan.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina at
quarrying. Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas,
asukal, at iba pang produktong mula sa mga magsasaka? Dahil sa
hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan,
ginawa na ang mga ito na subdivision, golf courses, mga hotel,
expressways, at iba pa. Ito rin ay dahil sa maling sistema na patagong
ginagawa ng mga malalaking kompanya.
7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng
mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot ng matinding
pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na
climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga
ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon
dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming. Ang global
warming ay nagdudulot ng climate change. Ito ay ang patuloy na pag-
iinit ng panahon na nakaaapekto sa kondisyon, hindi lamang ng
atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg na lumulutang sa
mga dagat dito sa mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting
nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng
tubig sa dagat, pagbaha at matinding pag-ulan.
8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy
sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 9


materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang
urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na
maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at
condominium units. Ang dalawang ito ay maaaring iugnay sa
konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang
gumasta nang gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo.

Dahil sa mga paniniwalang ito, nawala sa isipan ng tao ang


pangalagaan ang kanilang kapaligiran. Sa pagdami ng mga ninanais ng tao
lalo na tungkol sa mga materyal na bagay, nakalimutan na niyang
naapektuhan ang kaniyang kapaligiran at kalikasan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 10


PAGYAMANIN

Basahin at unawain ang liriko ng awit na “Masdan Mo ang


Kapaligiran” ng sikat na bandang Asin. Kung kakayanin, subuking
pakinggan ang kanta sa YouTube o kung saan pwedeng mapakinggan.

Masdan mo ang Kapaligiran


Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayo-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman
Mayroon lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 11


Sinubukan mo bang pakinggan ang awit? Nasiyahan ka ba sa himig
nito? Sa puntong ito, sagutin naman ang mga sumusunod na tanong. Isulat
na lamang ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
2. Sa iyong palagay, napapanahon ba ang mensahe ng awiting ito?
Pangatuwiranan.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
Pangatwiranan.
4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng
pangangalaga sa kalikasan? Pangatuwiranan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 12


ISAISIP

Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng kalikasan at ang


kadakilaan ng Diyos mula sa mga naging gawain. Dahil dito, magtala
ng mga paraan kung paano mo pangangalagaan ang inyong kapaligiran
sa tahanan at barangay. Gawing gabay ang talaan sa ibaba.

Kapaligiran Ko, Sagot Ko!

Tahanan
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Barangay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 13


ISAGAWA

CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE TEST ITEM

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na batayan para sa gawain sa


Modyul na ito.

Sitwasyon: Sa kasalukuyan ay isa kang manunulat o writer ng isang


programa sa telebisyon. Ang programang kinabibilangan mo ay nagpapalabas
ng mga totoong pangyayari sa buhay ng isang tao. Nais mong ibahagi ang
iyong kuwento tungkol sa isang matinding kalamidad na iyong pinagdaanan
na dulot ng masamang panahon. Ang ilan sa mga pagsubok na dulot ng
kalamidad na naalala mo ay ang mga sumusunod:

1. Malakas na bagyo
2. Matinding baha
3. Tambak na basura
4. Na-stranded sa daan dulot ng landslide

Kung pinagdaanan mo rin ito, ay pumili ng isa mula sa mga pagsubok na


nabanggit at magsulat ng sanaysay tungkol dito. Isalaysay ang mga
pangyayari at ipaliwanag kung paano mo ito napagtagumpayan kasama ang
mga mahal mo sa buhay. Gamitin ang rubrik sa ibaba para sa pagsulat mo
ng sanaysay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 14


Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay

RATING DESCRIPTION
Komprehensibo, malinaw at maayos ang paglalahad ng mga
4 detalye, reaksiyon at opinyon tungkol sa pagbibigay ng mga
pahayag
Malinaw at maayos ang paglalahad ng mga detalye, reaksiyon at
3
opinyon tungkol sa pagbibigay ng pahayag
Maayos na nailahad ang mga reaksiyon at opinyon ngunit
2
magulo ang detalye sa ginawang pahayag
Nakapaglalahad ng iilang datos, reaksyon at opinyon pero hindi
1
akma ang pahayag

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 15


TAYAHIN

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang kalikasan ay tumutukoy sa ________.
A. Lahat ng nakapaligid sa atin.
B. Lahat ng nilalang na may buhay.
C. Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao.
D. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga
nilalang na may buhay.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na
makakaya mo para sa kalikasan, alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
A. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng
pondo para sa ilog
B. Gagawa ng mga programang susundan ng barangay upang
makatulong ng malaki
C. Maging mapanuri at magkukusang makikibahagi sa mga gawain
D. Magdasal para sa bayan
3. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang
_______.
A. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
B. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
C. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
D. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
4. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa:
A. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
B. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
C. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
D. Pagsusunog ng basura.
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang
isang kasangkapan?
A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na
layunin nito.
C. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng
maraming ani.
D. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa
kapaligiran.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 16


SUSI NG PAGWAWASTO

5. C 5. C
4. B 4. D
3. B 3. C
2. C 2. C
1. D 1. C
TAYAHIN SUBUKIN

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 17


REPERENSIYA

1. DepEd-IMCS, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung


Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). 5th Floor Mabini
Building, Meralco Avenue, Pasig City.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 18


For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City


Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 19

You might also like