Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

Tekstong

Naratibo
Kahulugan
Naratibo o pasalaysay na
teksto, pasalaysay na
inilalahad ng may-akda sa
mambabasa ang mga
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
Kahulugan Samakatwid, maituturing na
isang naratibo ang
pagkukuwento kung
isinasalaysay ng may-akda
ang mga pangyayaring
nakapaloob dito.
Kahulugan
Nagpapakita ng mga
impormasyon tungkol sa
mga tiyak na tagpo,
panahon at mga tao.
Kahulugan

Sumasagot sa tanong na
"paano" at "kailan"
Ang pagsulat nito ay maaring batay sa
obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang
karanasan.
Ang mga akdang pampanitikan ay
isang magandang halimbawa ng
pasalaysay na teksto.
piksyon

likha ng imahinasyon o kuwentong


hindi talaga naganap.
di-piksyon

batay sa tunay na pangyayri.


sangkap ng
naratibong teksto
tauhan
Protagonista (bida)
Antagonista (kontrabida)
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan.
Banghay

Naglalarawan sa maayos at konkretong


pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan ng sa
isang paksa o sa isang kwento. Sa Ingles, ito
ay tinatawag na “outline”.
Banghay

Tatlong Bahagi ng Banghay


Simula – dito nababanggit ang kilos, pagpapakilala


sa tao, mga hadlang o suliranin.
Gitna – naglalaman ng sunud-sunod at
magkakaugnay na mga pangyayari.
Wakas – nagkakaroon ng kalutasan ang problema o
suliranin.
tunggalian
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing
tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan,
Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
Pagitan ng dalawang puwersang nagtatagisan.
tagpuan

Kinapalooban ng panahon at lugar kung saan


naganap ang kuwento.
kATANGIAN NG
NARATIBONG TEKSTO
katangian
1. NAKAPUPUKAW-PANSIN ANG
5. AYOS NG PAGSASALAYSAY
PAMAGAT

2. GINAGAMITAN NG SANHI AT BUNGA 6. KAISAHAN

3. TEMPO 7. KAKINTALAN

4. PUNTO NG PAGSASALAYSAY 8. KASUKDULAN

9. WAKAS
Nakapupukaw-pansin
ang pamagat

Taglay nito ng pagiging maikli, kawili-


wili, kapanabik-panabik: may
misteryo, orihinal, hindi katawa-tawa.
Kadalasan ang pamagat ng
pagsasalaysay ay nakabatay sa
pangalan ng pangunahing tauhan,
pook na pinangyarihan,
mahahalagang pangyayari sa
salaysay at iba pang bahagi ng
pagsasalaysay.
Ginagamitan ng sanhi
at bunga

Angkop gamitin dito ang sanhi at


bunga dahil sa pamamagitan nito ay
mapagdugtong-dugtong ang mga
pangayayari. Mahihinuha ang mga
sumusunod mangyayari.
tempo

Mainam na makita ang tempo (bagal


at bilis) ng takbo ng mga pangyayari.
Pare-pareho ba ang haba ng mga
talata? May isang talata bang mas
higit na binigyan-pansin?
Punto ng
pagsasalaysay
Mainam kung mababalangkas ang
mga punto ng pagsasalaysay.
Kapag mahaba ang
pagsasalaysay, ang
pagkakasunod-sunod ng mga
puntong ilalahad ay makatutulong
para maayos ng marating ang
pangunahing punto ng salaysay.
AYOS NG
PAGSASALAYSAY
Nagiging malikhain at mapaglaro
sa mga panahon ng paksang
isinasalaysay sa pamamagitan
ng pagsisimula sa gitna o hulihan
o anumang estratehiya
makatutulong upang ganap na
maunawaan ang pagsasalaysay.
Kaisahan

Taglay rin ang pagsasalaysay


ang kaisahan ng mga katangian
ng tauhan, pook at
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
kakintalan

Nagtataglay rin ng kakintalan


ng tauhan ang pagsasalaysay.
Mga kapanipaniwala silang
tauhan na may motibasyon at
kasaysayan upang maging
buhay sa isip ng mga
mambabasa at tagapakinig.
kasukdulan

Pinakamataas ang kaigtingan


ng pagsasalaysay ang
kasukdulan. Binibitin ang
pananabik ng mga mambabasa
at mga tagapakinig bago
tuluyang wakasan ang
pagsasalaysay. Matapos nito
ay sunod-sunod na ang wakas.
wakas

Marapat ding maihanda an


mga mambabasa o mga
tagapakinig sa magiging wakas
ng salaysay. Nakasalalay rito
kung magiging kapani-paniwala
ba ang isang salaysay.
wakas

Para hindi maramdaman ng


mga mambabasa o mga
tagapakinig na basta na
lamang tinapos ang salaysay,
mahalaga ang pagbibigay ng
angkop at sapat na mga
detalye.
gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

1. Pumili ng isang akdang isasalaysay gamit ang


maliwanag na pag-aayos ng mga kaganapan at mga
salitang magbibigay ng karagdagang paliwanag o
detalye.

gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

2. Piliin kung nasa una, pangalawa o ikatlong


panauhan ang pananaw na gagamitin sa
pagsasalaysay.
gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

3. Pagpasiyahan ang iba pang layunin ng


pagsasalaysay. Nais mo bang magturo,
manghikayat o manlibang sa mga mambabasa.

gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

4. Sikaping ang paksang pangungusap ay


nagpapahayag ng isang pangkalahatang ideya o
nagbibigay-tanda ng pagsisiswalat ng isang
salaysay.
gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

5. Isa-isahin ang mga pangayayri at palaging


isa-isip ang tono o pananaw sa pagsasalaysay
kung ito ba ay nasa una o ikatlong panauhan.

gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

6. Bigyang pansin ang mga detalye at


mga salitang makakabuo ng
makatotohanang pagsasalaysay.
gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

7. Isaaayos ang mga pangyayari batay sa nais na maging


daloy ng pagsasalaysay. Maaring gawing kronolohikal o
magsimula at bumalik sa simulahanggang sa mailatag
ang mga detalye sa gitna ng pagsasalaysay.

gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

8. Tiyaking “consistent” sa mga ginamit


na pananaw at nakakaantig sa
damdamin ng mga mambabasa ang mga
salitang ginamit sa naratibo.
gabay sa pagsulat ng naratibong teksto

9. Isulat ang pinal na naratibong


pagsasalaysay.
Cohesive Devices
Para sa pagpapahayag ng dahilan p
resulta ng isang pangyayari o kaganapan.
1. Kaya 7. Kina
2. Kaya naman 8. Pagkat
3. Dahil 9. Sapagkat
4. Dahil sa 10. Dahil dito
5. Sa mga 11. Bunga nito
6. Kay
Cohesive Devices
Pagpapahayag ng Kondisyon/ Bunga/
Kinalabasan.

1. Sana
2. Kung
3. Kapag
4. Sa Sandaling
5. Basta’t
Cohesive Devices
Pagpapahayag ng Pagbabago ng Paksa o
Tagpuan.
1. Gayunman
2. Ganoon pa man
3. Gayunpaman
4. Samantala
5. Sa kabilang dako
6. Banda
7. Sa isang banda
Cohesive Devices
Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o
pangyayari

1. Kasabay
2. Nito
3. Niyan
4. Kaalinsabay
Cohesive Devices
Pagpapahayag ng pagbibigya linaw,
pagbubuod at paglalahat.
1. Sa madaling salita
2. Bilang paglilinaw
3. Bilang pagwawakas
4. Kung gayon
5. Samakatuwid
6. Bilang kongklusyon
7. Kaya
raming Salam
Ma at

You might also like