Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho

sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala

ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Pagkaraan ng ilang taon ay
nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang

hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa

kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak.

Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron

Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man

lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Nakita niya ang mga bisyo at

karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo,

paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang

problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na

siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing

pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang

perang ibabahagi sana niya. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang

inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang

magbalik sa Hongkong. At mula sa pangyayaring

iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak

at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa

muling pag-alis ng ina.

You might also like