Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
School Division of Zamboanga Del
Sur Tigbao District

Learning Activity Sheets (LAS)


Asignatura at Lebel: Filipino Baitang
5 Blg. Ng Markahan. 2 Blg. Ng Linggo
7

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)

Pangalan Iskor:
Seksiyon: Petsa:

Pamagat:
Naibigay na muli ang mga Pangyayari sa nabasang Talaarawan at
Talambuhay

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang
talaarawan at talambuhay. (F5PB-IIg-11)

Sanggunian:
Department of Education, Most Essential Learning competencies,
(2020, p.
Mula sa Aklat:
Lalunnio, Lydia P. Dr. et. al. Hiyas sa Pagbasa, Batayang Aklat
Filipino Ikalimang Baitang, p.
Aragon, Angelita L. et. al. Bagong Filipino Batayang Aklat sa Wika
Ikalimang Baitang, p.

I. Susing Konsepto at Mga Halimbawa


Nasubukan mo na ba ang gumawa ng sarili mong
Talaarawan o Diary? Kung hindi pa,maaari mong tanungin ang
iyong mga magulang tungkol dito. Maaaring bigla kang
napaisip. Ano nga ba ang salitang “Talaarawan”?
Ang Talaarawan ay isang pang araw-araw na tala, lalo na
ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at
pananaw. Ito ay isinusulat na parang nakikipag-usap sa
isang tao. Maaaring tawaging “Mahal kong Diary o
Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang
isang tunay na tao ang sinusulatan.
Sa ibang asignatura, maaaring ikaw ay may nabasa nang
kuwento tungkol sa buhay ng isang bayani. Talambuhay
ang tawag dito. Ito ay mula sa pinagsamang mga salitang
“tala” at ‘buhay” na may diwang “tala ng buhay” o
biyograpiya na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at
impormasyon.
gawaing ito, masusukat mo ang iyong kakayahan na
maibigay ang mahahalagang pangyayari sa iyong mababasang
talaarawan at talambuhay.
II. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga
gawain sa ibaba ay sadyanginihanda para sa iyo. Sagutin ito nang
maayos.

Sabado

Oktubre 29,

2022

Mahal kong Diary,

Nagsimula ang masayang Girls’ Scout Encampment sa aming


paaralan. Unang laro palang namin sa Girls’ Scout Went to Town ay
nanalo na kami. Sa message relay, kahit nahirapan ang pangkat namin ay
nanalo rin.
Natapos ang araw ng sa tatlong pangunahing laro na kami ang

Linggo

Oktubre 30,

2022 Mahal kong

Diary,

Kina-umagahan nanalo na naman kami sa mga aktibidad. At sa huli kami


1. Ano ang unang isinusulat sa talaarawan?

2. Paano sinimulan ang pangungusap?

3. Sa anong petsa sinasabing makukuha ng Unang Gantimpala?


4. Sa anong araw nanalo ang pangkat sa larong GSP went to town?

5. Ilang araw naitala ang talaarawang binasa?

Gawain 2

Panuto: Basahin ng mabuti ang inihandang talambuhay.


Heneral Nay Isa
(Mula sa Hiyas Pagbasa)
Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay
kinakitaan na ng kakayahang mamuno, lakas ng loob at
katapangan. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang
paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa
paninirador ng ibon at sa pangangabayo.
Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng
pagkaguro. Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan,
Iloilo. Nagpakasal siya sa sa isang nakaririwasang magsasakana si
Alejandro Baldera. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.
Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at
magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid
nang sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ngmga Pilipino laban sa Kastila.
Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay
humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang
batalyong rebolusyunaryo. Mula noon, sunod-sunod nanabawi ng
mga naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t
ibang bayan sapulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga
bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang Heneral Nay Isa. Isa
siyang dakilang Pilipina na humawak ng sandata alang-alang sa
bayan.Panuto: Pumili ng salita sa kahon na

1. Paano naipakita ni Heneral Nay ang pagmamahal sa bayan?

2. Kung ikaw si Heneral Nay, gagawin mo rin ba ang kanyang


ginawa? Bakit?

3. Ano ang magagawa mo bilang munting mamamayan para sa


ating bayan?
Reflection/Pagninilay
1. Ano-ano ang iyong mga natutunan sa aralin ?

IV. Susi ng Pagwaswasto

Activity 1

1. Ara<
Unang isulat ang araw at petsa sa itaas. Maaari ring lagyan
ng oras kung gusto mongeksakto ang iyong isinulat.
2. Unahing itala ang mga bagay na magaganda at mahahalaga sa
ating buhay.
3. Miyerkules, Enero 21, 2020
4. Lunes, Enero 19, 2020
5. Sa loob ng tatlong araw

Activity 2

1. Walang takot siyang nakipaglaban sa mga kalaban


upang ipagtanggol ang ating bansa.
2. Oo, dahil mahal ko ang aking bayan.
3. Maging makabansa, mahalin ang kapwa at masunurin sa batas.

Reflection/Pagninilay:
Natutunan ko sa araling ito kung paano maisulat ang
mahahalagang pangyayari sa araw-araw na gawain.

-------------------------------------------------- - - - - - - - - - - - - - - -
--
--

Prepared by: SHARI MAE S. SAPALO


Name of Teacher
LACUPAYAN ELEMENTARY SCHOOL

You might also like