Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Awtput 6 (Ano MAN)

Ammar, Hasan

Mendoza, Lance Jimwell

1. Panoorin ang video sa talakayan.

2. Isulat sa papel ang ano mang naiisip ninyo.

3. Bumuo ng ano ang awtput (sanaysay, drawing, tula, at iba pa..) mula
sa mga naitalang datos .

4. Sa kabuuan, kailangan ,makita kung ang tindig (stand) sa usaping


SOGIE Bill.

Marami sa atin ay mga bahagi ng LGBT community, at di rin mawawala na meron


tayong mga kilala o mga kaibigan na kabilang dito na ni minsan, may mga pagkakataon na hindi
natin maiiwasan na may diskriminasyon sa gender identity ng isang tao. Kung pagbabasehan
man ang relihiyon at pananampalataya, marahil ay may mga kaparian at mga organisasyon ng
simbahan ay marahil hindi ito ka tanggap-tanggap at maari daw ito na kasalanan sa Diyos. Pero
sa aming pananaw, hindi porket ganun ang paniniwala ng simbahan eh masama ka na agad na
sa mata ng tao, lagi din nating tatandaan na tao pa din tayo, pantay pantay tayo kahit na
magkaiba tayo ng pagkatao, kaya marahil man, ang SOGIE bill ay dapat ipasa sa senado dahil
lahat ay may karapatan mag mahal at lahat ay may karapatan pumili ng kanilang gusto dahil
alam nila sa sarili nila tanggap sila ng mapanghusgang lipunan.

Ayon kay Thoreson (2020) Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang
target ng pangungutya at pati karahasan,” isang fellow sa programang pang karapatan ng
LGBT sa Human Rights Watch. At sa maraming beses, ang mga guro at administrador pa ang
sumasali sa ganitong pagmamaltrato imbes na magsalita laban sa diskriminasyon at gawing
lugar ang klasrum kung saan matuto ang lahat, dahil dito maraming mga estudyante na may
ganitong pagkatao na nakakaranas ng bullying sa mga paaralan na tila isa na ding
diskriminasyon kung ituring. Ang komunidad ng LGBT ay maraming pinagdaanan sa mata ng
lipunan ngunit wala silang ginawa kundi taggapin ang sumbat kung kayat nararapat na silay
galangin at espirito at tratuhin ng tama na ayon sa batas at nararapat bilang isang pag-galang
sa bawat indibidwal at batay sa pagkatao na meron sila at batay sa karapatan ng bawat meron
sa ating bansa. Bawat tao ay binigyan ng karapatan lalo na ang LGBT na kung saan nararapat
para sa kanila upang silay ma proteksyon laban sa mapanglait na lipunan kaya marahil na ang
SOGIE ay isa sa importanteng batas na kailangan na maipasa dahil isa itong malaking tulong
sa mga tao na kabilang sa komunidad na ito.

Ang kabuuang kahulugan ng LGBTQIA+ at kung sino-sino ang mga taong ito. Sila ang mga
taong naging isyu sa ating lipunan. Naging maingay lalo na nang dumating ang araw na
nagkaroon sila ng lakas ng loob upang ipakita sa lahat na sila ay tao at may karapatang
magmahal. Ang saloobin ng lahat, kapag miyembro ka ng LGBTQIA+, limitado ang lahat sa
kanila at puno ng negatibo lalo na sa usaping pag-ibig. Kapag isa ka sa mga LGBTQIA+
hindi ka mamahalin ng totoo o walang totoong pag-ibig para sa kanila, hindi totoo ang mga
nararamdaman nila sa isa’t – isa, at hindi nila masasabi ang kanilang sarili na masaya sila
sa kanilang pagsasama kung wala o hindi sila makakabuo ng totoong pamilya. Puno ng
negatibo ang makikita at maririnig mula sa labas ng kanilang mundo ngunit itong
binawalang bahala lang nila sapagkat, sa kanilang mundo, sila ay masaya at totoo sa
kanilang sarili. Sa mundo ng LGBTQIA+, napupuno sila ng respeto sa kapwa at maging sa
kanilang sarili. Kapag may pinaglalaban, ito ay kanilang paninindigan at di magpapatalo
upang di hamakin ang kanilang karapatan. Ang pag-ibig ay sagrado pero para sa lahat dahil
lahat ay nakaramdam nito at nararamdaman sa taong pinakamamahal mo o mamahalin mo
ng tunay.

Ang pag-ibig ay di nito sinusukat kung gaano mo dapat mahalin at lalong hindi pumupili
kung sino lamang ang dapat mong mahalin. Simple lang, ang mga miyembro ng LGBTQIA+
ay mga tao rin at normal na tao na kung saan may karapatan din sa lahat ng bagay na
gusto nilang makamit para sa kanilang sarili. Kaya naman, ito ay kanyang sinusulong upang
ang kanilang karapatan ay ipaglaban. Ang kanilang kahinaan ay maging lakas upang
harapin ang magiging hamon sa kanilang buhay. Isa na rito ang pagnanais na maipasa ang
SOGIE Bill. Ito ay batas na nagsasabing karapatang pantao rin ang kanilang inaasam at
hindi pagbubuklod ng mga tulad nila. Ito ang batas na maaaring maging paraan upang
muling magkaisa o mabuklod sa isa ang lahat ng tao na naging makasarili minsan dahil sa
pagkakaroon ng panibagong yugto ng uri ng mga taong nagmamahalan, ang LGBTQIA+.
Ano man ang uri mo may karapatan ka. Ano man ang gusto mo, makakamit mo ito gamit
ang sarili mong pamamaraan. Ano man ang pinaglalaban mo, mapagtatagumpayan mo ito
kung ito ay nasa tamang daan o landas at ikabubuti ng lahat.

Mga Sangunnian

Pilipinas: Mga Estudyanteng LGBT nakararanas ng bullying, Abuso. Human Rights Watch.
(2020, October 28). Retrieved March 23, 2023, from
https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/22/304808

You might also like