Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 8
Ika-2 ng Mayo, 2023

Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura sa napakinggang mga pahiwatig sa
akda. (F8PN-IVa-b-33)
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-Pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
-Pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
-Pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat. (F8PB-IVa-b-33)

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga pahiwatig sa akda at
ang mga detalye tungkol sa may-akda.
2. Naihahambing ang kalagayang panlipunan sa panahong naisulat ang Florante at Laura at
kalagayang panlipunan ngayon.
3. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
B. Kagamitan: telebisyon, laptop, powerpoint presentation at video clip
K. Sanggunian: Filipino 8 Ikaapat na Markahan-Modyul 1

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
a.2 Panalangin
- Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin sa klase.
a.3 Pagtala ng lumiban sa klase
- Sino-sino ang mga lumiban sa ating klase ngayon?
(Itatala ng guro ang mga lumiban sa tseklist)
a.4 Balik-Aral
- Sa pagsisimula ng bagong aralin, tayo muna ay magbalik-aral hinggil sa ating huling tinalakay.
Ano ang inyong huling tinalakay noong nakaraang markahan?

B. Paglinang na Gawain
b.1 Pagganyak
Musikonsepto
- Mayroon akong ipaparinig sa inyo na ilang sikat na bahagi ng awit. Pamilyar ba kayo sa
awiting “Tatsulok” at “Nang Dahil sa Pag-ibig”?
- Pakinggan ninyo itong mabuti at pagkatapos ay sagutan natin ang ilang mga katanungan.
A. Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban,
Ang kulay at tatay ay ‘di s’yang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman.

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,


‘Di matatapos itong gulo.
(Bahagi ng awit na “Tatsulok”)
B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis,
Nang dahil sap ag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Nang ‘di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko,
Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig, umiiyak ngayon ang puso ko…
(Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)

Tanong:
1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok?
2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at sila ang nasa tuktok”?
3. Paano sumasalamin ang unang awitin sa kasalukuyang panahon?
4. Sa awit ikalawang awitin, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig??

- Sa inyong palagay, ano ang koneksyon ng awiting pinakinggan sa ating talakayan?


- Tama! Ang ating tatalakayin sa ikaapat na markahan ay tungkol sa pag-ibig. Ito ay ang
pag-iibigan nina Florante at Laura. Dito iikot ang ating talakayan sa buong markahan.

b.2 Paglalahad
- Ang ating tatalakayin ngayong araw ay ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
- Alamin muna natin ang ating mga layunin sa pagtatapos ng talakayan.
(Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na magbabasa ng layunin.)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga pahiwatig sa akda
at ang mga detalye tungkol sa may-akda.
2. Naihahambing ang kalagayang panlipunan sa panahong naisulat ang Florante at Laura at
kalagayang panlipunan ngayon.
3. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.

b.3 Pagtalakay
- Pagkatapos nating malaman ang mga layunin sa ating talakayan ay magsisimula na tayo sa ating
talakayan.
- Panonoorin ninyo ang video clip kaugnay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.
Pagkatapos ay sasagutan ninyo ang ilang mga katanungan na may kaugnayan sa talakayan.

Gabay na Tanong
1. Sino ang sumulat ng Florante at Laura?
2. Kanino niya inialay ang Florante at Laura at saan niya ito isinulat?
3. Ano-ano ang layunin ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura? Ano ang mga naging epekto nito
matapos maisulat?
4. Ilahad ang kalagayahan ng bansa sa panahong isinulat ang Florante at Laura?
5. Batay sa talakayan, magbigay ng inyong hinuha kung bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at
Laura?

C. Pangwakas na Gawain
c.1 Paglalapat
- Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ilalahad ninyo ang kalagayang panlipunan sa
panahong naisulat ang Florante at Laura at ihambing ito sa kalagayang panlipunan ngayon gamit ang
Venn Diagram. Ito ay inyong iuulat pagkatapos ng sampung minuto.
Pilipinas noong Pilipinas
Panahon ng Kastila ngayon

Pagkakatulad

Pamantayan sa Paggawa
Nilalaman - 15 puntos
Presentasyon - 10 puntos
Kooperasyon - 5 puntos
Kabuoan 30 puntos

c.2 Pagpapahalaga
- Tatawag ng limang mag-aaral upang ilahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.

c.3 Paglalahat
- Bilang pagtatapos sa ating natalakay. Maaari nyo bang ilahad sa klase ang ating mga tinalakay
ngayong araw na ito?
(Magtatawag ng mag-aaral na siyang mabubuod sa mga tinalakay)

IV. PAGTATAYA-
Panuto: Tukuyin ang tamang layon ni Francisco Baltazar sa pagsulat ng Florante at Laura sa bawat
bilang.
1. Laganap na kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas.
a. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. Himagsik laban sa maling kaugalian
c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
2. Pagtakwil ng Moro bilang relihiyon ang Kristiyano sa panahon ng Kastila.
a. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. Himagsik laban sa maling kaugalian
c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
3. Ang maling pagpapalaki ng mga magulang sa kaniyang anak na karaniwang laki sa layaw.
a. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. Himagsik laban sa maling kaugalian
c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
4. Sa panahon ng Kastila, walang layang makasulat at mapaihayag ang mga kaisipan ng mga
mahuhusay na manunulat na Pilipino.
a. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. Himagsik laban sa maling kaugalian
c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya

5. Laganap ang hidwaan sa pagitan ng Kristiyano at mga Moro.


a. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. Himagsik laban sa maling kaugalian
c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik kaugnay sa talambuhay ni Francisco Baltazar.

Inihanda ni:

RONAN R. AÑONUEVO
Student Teacher

Iniwasto ni:

MARJORIE F. ECALDRE
Cooperating Teacher/ Teacher I

You might also like