AP 10 Q2 MELC 4 WEEK 78 PDF Learners

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

10

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 2: LINGGO 7 AT 8

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
1
AP10-K2-L7-8

CapSLET
Araling Panlipunan
ASIGNATURA AT AP 7- ______
KUWARTER 2 LINGGO ARAW
BAITANG G10 8 PETSA
NILALAMAN

KASANAYANG Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasy-


PAMPAGKATUTO on

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang in-
yong sagot sa Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pan-
daigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

TUKLASIN:
Paano mo naipahahayag ang iyong saloobin tungkol sa epekto ng globalisasy-
on?

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala


ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip
din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Malaki ang
ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito
man ay sa dimensiyong ekonomikal, political o sosyo-kultural.

Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatu-


paran sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

1. Guarded Globalization. Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na


naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon
ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang
negosyante. Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:

 pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa


ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya
naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong local; at,

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
2
AP10-K2-L7-8

pagbibigay ng subsidiya (subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya


ay tulong pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong
na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang
pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili
ang mga ito. Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng
malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.

2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade). Ayon sa International Fair Trade As-
sociation (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-
ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para na-
man sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit
na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na
mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng
bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay
mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin
ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Binibigyang pansin din nito
ang ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng
karapatan ng mga manggagawa (hal.pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at
ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong lig-
tas sa lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan.

 Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan (fair trade) ay mga magsasaka ng


kape. Humigitkumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad na bansa
(developing nations) kasama ang Brazil ang nakinabang sa patakarang ito dahil
sa mas mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee bean na nagkakahal-
aga ng $1.29 per pound kung ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. Upang maging
kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay makasunod sa mga ali-
tuntunin sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa. Sa
kabilang banda, hindi lahat ng mga bansa ay napakikinabangan ito tulad ng Co-
lumbia, Guatemala at Ethiopia. Malaki ang kinikita ng Starbucks mula sa mataas
na uri ng kape mula sa Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape. Sa
katunayan, isang sentimo lamang mula sa limang dolyar kada tasa ng kape ng
Starbucks ang natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya naman, malayo pa
ang lalakbayin ng programa o proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng
mga umuunlad na bansa.

3. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’. Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung


mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinaha-
harap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
3
AP10-K2-L7-8

sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa
pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal (economic
aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasa-
bing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon
sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala
na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.

MAGAGAWA MO. . .
Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Simulan Natin! Gawain 1. Suring-Basa

 Panuto: Suriin ang dalawang artikulo na halaw sa sa akda nina Lisa Smith tat
Ma. Stella F. Arnaldo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Saguting ang mga pamprosesong tanong at punan ang Decision Dia-
gram.

Globalization: Progress or Profiteering?


(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula
sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa
iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya
ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na
makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng
trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito.
Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at
Thailand. Para sa mga malalaking negosyante at miyembro ng eco-
nomic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng
manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na
nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita.

Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan


nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na han-
dang makipagkompetensya upang makuha ang mga trabaho kapalit
ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang trabaho (hal. auto-
works) mula sa US na dinala ng North American Free Trade Agree-
ment (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
4
AP10-K2-L7-8

ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang


pasahod. Ganun pa man ang mga produktong ito ay ipagbibili sa mga
konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang
pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay
ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa
mga kanluraning bansa. Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala
ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at
kompanya mula sa mayayamang bansa.

Ngunit kabaliktaran naman nito ang nagyayari sa mga mauunlad na


bansa sapagkat batay sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat
ng mayayaman at mahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko rin ang
nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng pe-
nomenong ito. Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang
‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang pag-
usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng
maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang
kultural.

Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang


pambansang soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa malakas na
impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan nagmumula
ang mga nasabing puhunan at trabaho.

Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaaki-


bat ng globalisasyon, mananatili ang edukasyon, flexibility at adapta-
bility sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay dito.

Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines


(Ma.Stella F. Arnaldo)
Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na
pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbib-
igay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018 hangagang 2022.
Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo,
umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
5
AP10-K2-L7-8

taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang
mga programa na may kinalaman sa demokratikong pamamahala,
disaster risk reduction, at de-kalidad na pagtugon sa humanitarian
crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga Pen-
insula.

Ayon din sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Es-


panyol na handang mamuhunan hanggang malinawan sila sa mak-
roekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng Philippine Em-
bassy sa Madrid, ang kabuuangforeign direct investments ng Es-
panya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang
2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Es-
panya nang kumita ang huli ng $136 milyon sa taong 2015. Ngunit
ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa Espanya ay patu-
loy ang paglago na may average na 11.13% kada taon simula ng
2011.

Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership pro-


jects ay mula sa Espanya tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na
bahagi ngAyala Group consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway
(Calax), Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios)para sa
proyektong paliparan,at Abengoa para sa mga proyektong patubig.
Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-
Pacific region ang nakatanggap ng tulong pangkaunlaran
(development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng
Espanya na magaya ang proyekto nitong national disaster risk-
reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na
tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ikaw ba ay sang-ayon sa ideya ng globalisasyon?

2. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot ang globalisasy-
on?

3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasyon sa pa-


mumuhay ng mga Pilipino? Patunayan ang iyong sagot.

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
6
AP10-K2-L7-8

 Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama ba globalisasyon sa pa-


mumuhay ng mga Pilipino?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
7
AP10-K2-L7-8

Kaya Mo ‘To! Gawain 2

Lumahok at Manindigan!

 Panuto: Ang maging bahagi ng paglutas sa mga suliranin ng globalisasyon ay

mahalaga upang makamit ang matatag at nakikipagsabayan sa mga maunlad na

bansa sa panahon ng globalisasyon. Makilahok sa mga online organizations na

nagsusulong ng mga pamamaraan upang masolusyonan ang mga suliranin ng

globalisasyon. Maghanap ng mga website na may mga advocacy campaigns ukol

sa ibat-ibang isyu sa lipunan. Pumili ng isang isyu na nais mong maging bahagi

sa pagsusulong ng adhikaing isinusulong ng isyo. I-print screen ang iyong pakiki-

lahok at i-save ang file at ipadala sa email ng iyong guro.

Pamprosesong tanong:

1. Sa anong isyung palipunan ka lumahok?

2. Bakit ito ang isyung iyong napili?

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School
8
AP10-K2-L7-8

TANDAAN MO!
Tulong-Kaalaman

 Nagkakaroon ng globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi sila ma-

bubuhay nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

 Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nag-

dala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit

kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan.

 Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasa-

katuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

 Guarded Globalization. Ito ay pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas

na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon

ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang

negosyante.

 Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade). Layunin nito na mapanatili ang ta-

mang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na nego-

sasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangala-

gaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang

kalagayang ekolohikal at panlipunan.

 Pagtulong sa ‘Bottom Billion’. Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung may-

roon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap

ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa

Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag

-alalay sa tinaguriang bottom billion.

Inihanda ni
ELBERT L. MANAYON, SST-III
Tulungatung National High School

You might also like