Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasanayan

Ang kabanatang ito ay lahad ang isang pangkalahatang-ideya sa mga istraktura


at mga pangunahing punto ng aming pag-aaral; pagpapasok ng pahayag ng mga
problema at pag-uudyok para sa pananaliksik, kasama ang mga benepisyo at
kahalagahan ng pag-aaral. Dito rin ay ipinapakita ng mga mananaliksik ang
isang maikling account ng mga natamo at napag-alaman sa pamamagitan ng
pananaliksik.

Introduksyon

Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng iba’t


ibang klase ng teknolohiya lalong lalo na ang pinakahuhumalingan nating
“Internet.” Malaki ang ginagampanan nito sa ating buhay lalo na at ito ay
nakatutulong sa ating pag-aaral at mga gampanin sa lipunan gaya ng
komunikasyon, balita, trabaho o negosyo, at paglaganap ng impormasyon,
maging sa ating libangan. Sa mataas at maunlad na lipunan ngayon na ating
ginagalawan, tayo ay natuto nang dumepende sa kung ano ang maibibigay sa
atin ng internet upang gawing posible ang halos anumang bagay,
kapakinabangan man o kapinsalaan.

Nang sa pag-unlad ng ating teknolohoya, naging kilala ang tinatawag


natin ngayon na social media. Ang mga tao, walang alintana sa kanilang edad,
hilig o kasarian; ay gumagamit na nito upang tapusin ang mga gawain ng mabilis
at mas epektibo. Ito ay nagbigay daan sa mabilis na lumalagong lipunan ng ika-
21 siglo. Ang Social Media ay naging kapaki-pakinabang sa pandaigdigang
paggawa ng pagbabago, at ang mga tao—lalo na ang mga kabataan—ay naging
lubos na umaasa sa dito. Ginawa nito ang lahat ng bagay na possible—mula sa
personal na mga computer, sa mga smart phone at wireless na komunikasyon.

Gayunpaman, ang malaking pagtaas ng demand ng internet ng mga tao


ay may kaakibat rin na negatibong epekto. Ito ay kilala at ginagamit na ng halos
lahat ng tao sa lipunan, lalo na ng mga kabataan. Sila ang halos nahuhumaling
sa paggamit nito. Kinakain na halos ang buong oras nila ng social media, na
halos umabot na sa kanilang hindi pagtulog magamit lamang ng mga ito.
Maaring mayroon pa ngang nabubuhay na sa internet o social media dahil dito
na sila nakikisalamuha. Ang mga negatibong epekto nito ay maaaring maka-
apekto sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao katulad na lamang sa pag-aaral ng
mga kabataan. Higit sa lahat, ito ay maaaring umabot sa pagka-adik ng mga
bata sa paggamit nito.

Ang paggamit ng social media ay may kaakibat na positibo at negatibong


epekto sa atin. May mga bagay ang social media ay nagiging mabuti para sa
mga kabataan depende sa kanilang paggamit. Ito ay higit na mas epektibo kung
gagamitin ng may kontrol at limitasyon. Sa kabilang banda, ang negatibong
epekto nito ay dapat bigyang pansin at limitahan sa mga taong gumagamit nito.

Sa paggamit ng social media, makadudulot ito ng pagbabago sa isang


ugali o personalidad ng manggagamit. Ang mga pagbabago na ito na maaring
maging positibo at negatibo rin. Ang mga pagbabago na ito ay
makakaimpluwensiya sa pag-iisip ng isang tao o sa paggawa ng desisyon na
maaring maging permanente. Dito pa lamang ay makikita na agad ang malaking
epekto ng social media sa buhay ng mga gumagamit nito. Halimbawa na lang
nito ay ang pangangampanya ng mga supporter ng isang partikular na kandidato
sa eleksyon. Sa pamamagitan ng mga comments o posts sa Facebook ay maari
nilang maimpluwensiyahan ang pagdedesisyon ng mga botante sa eleksyon.

Ang nabanggit ay isa lamang sa maraming epekto ng social media.


Marami pang ibang epekto ang social media sa mga tao, parehong positibo at
negatibo. Dahil ito ang isa sa mga pinakagamit sa internet, nakabubuti sa mga
kabataan na maging mulat sila sa maaring maidulot sa kanila ng social media.
Ang kawalan ng kamalayan ng kabataan sa epekto ng social media sa kanila ay
maaring mas mabilis silang maapektuhan nito na magkakaroon ng pagbabago
sa kanilang buhay.
Pahayag ng Problema

1. Ano-ano ang mga sanhi at bunga ng impluwensiya ng social media sa


kabataan?

2. Mayroon bang epekto ang social media sa pag-aaral ng mga kabataan


ngayon

3. Sa anong paraan, naapektuhan ang mga kabataan ng social media?

4. Ang pagkakaiba ba ng kabataan noon at ngayon ay may relasyon sa


paggamit ng social media?
Sa mga katanungang ito, ang mga mananaliksik ay makatutulong ito
upang maka-focus sa kung anumang data at impormasyon ang matitipon. Base
sa mga katanungan, ang mga mananaliksik ay maaaring makabuo ng mga
bagong kaalaman na magbigay ng mas malinaw na pag-unawa tungkol sa mga
impluwensiya ng social media sa mga kabataan. Ito ang magsisilbing gabay sa
kung saan ang mararaating ng pag-aaral na ito.

Rasyunal

Sadyang hindi na talaga mapipigilan ang patuloy na pagtangkilik ng


mamayan sa social media lalo na ang makabagong henerasyon. Dahil sa lawak
at dami ng sakop nito ay lalo pang dumadagsa ang mga gumagamit nito. Kabila
kabila ang mga kabataang gumagawa ng mga accounts sa mga naturang Social
Networking Sites (ilan sa mga halimbawa nito ay ang Facebook, Twitter,
Instagram, Tumblr, atbp.). Ang lubusang pagtangkilik ng masa sa “social media”
ang nagsilbing isa sa mga dahilan ng aming pananaliksik tungkol sa mga epekto
at impluwensya ng Social media sa mga kabataan sa henerasyon ngayon.

Ang obhektibo ng pananaliksik na ito ay maihayag sa lipunan ang mga


naidudulot ng kanilang paggamit ng iba’t ibang social media sites, maging
positibo man ang mga ito o negatibo. Isa rin sa mga obhektibo ng pananaliksik
na ito ang matuklasan ang iba pang naidudulot ng paggamit ng SNS lingid sa
kaalaman ng karamihan sa atin, naglalayon ang pananaliksik na ito na
maipahayag ng may katuturan ang mga nasabing epekto upang lubusang
maintindihan ng mababasa ang mga nakasaad sa pananaliksik na ito. Ang
pananaliksik na ito din ay isinakatuparan sa kadahilanang ito ay naayon din sa
ating panahon ngayon, nais naming ipabatid sa masa ang mga impluwensya nito
hindi lamang sa indibidwal nilang buhay kundi sa isang buong lipunan. Ninanais
din naming magkaroon pa ng mas malawak pang kaalaman ang mga SNS users
tungkol sa mga ginagamit nilang Social Media sites pagkat hindi na din natin
mapagkakaila ang tagal ng oras ng paggamit nito, halos hindi na nga
makukumpleto ang araw ng ilan sa atin kung hindi sila bibisita ang kani-kanilang
mga newsfeed o kung hindi sila makapag-status na sadyang isa sa mga sikat na
ginagawa nila sa kani-kanilang accounts.

Kahalagahan

Mahalagang masaliksik at maipabatid ng mga mananaliksik sa mga


mambabasa lalong lalo na sa mga kabataan ang mga impluwensya ng paggamit
ng social media dahil sa paraang ito, magkakaroon sila ng kaalaman ukol sa
usaping ito. Makatulong ito upang magamit nila sa pinakamaayos at
pinakamabisang paraan at maiwasan ang mga masamang maidudulot at epekto
ng social media sa mga mag-aaral, mananalkisik at sa paaralan.

Ang Social Media din ay isa sa mga paraan upang patuloy pa din na
magkaroon ng komunikasyon ang mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa isang pm o private message sa kanilang mga SNS accounts ay maari na
nilang makamusta ang kanilang mga mahal sa buhay kahit saan pang lugar sila
naroon. Dahil din sa SNS ay mabilis natin nalalaman ang mga balita at
pangyayari sa ating paligid. Mas nagging madali na din ang pagpapahayag ng
ating saloobin at ideya sa publiko gamit lamang ang ating mga social media
accounts. Kung atin ngang iisipin, napakalaki talaga ng ambag ng social media
sa ating panahon. Kaya nararapat natin malaman ang mga naidudulot ng social
media, positibo man ang hatid nito o negatibo pagkat mas magagamit natin ang
mga ito sa mga produktibong paraan tulad na lamang ng pagbibigay ng
kaalaman o babala sa ilang mahahalagang bagay, halimbawa nga nito ay ang
pag-share ng ilang kapakipakinabang na mga artikulo sa iyong newsfeed. Hindi
lamang ito indibidwal na makakatulong ngunit pangkalahatan din ang magiging
epekto nito isang halimbawa nga nito ay ang kapangyarihan natin mga kabataan
impluwensyahan ang pagboto ng susunod na mga opisyal ng pamahalaan.Sa
pamamagitan ng paggamit ng SNS ay magagawa natin makibahagi tungo sa
pagbabago ng ating bansa. Ang social media ay talagang mahalaga na sa
panahin natin ngayon. Isang click lamang ay maari na tayong makaimpluwensya
o maimpluwensyahan kaya’t mahalagang malaman ng mga SNS users ang mga
naidudulot ng Social media sa ating indibidwal na buhay, kapwa at sa ating
lipunang ginagalawan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naglalayong magbigay ng mga layunin upang


maglagay ng isang marka kung hanggang saan ang itatakbo ng pananaliksik.
Ang mga layunin ay ang mga sumusunod:

1. Mailahad ang pros at cons ng social media sa kabataan


2. Mapakita ang pagkakaiba ng dalawang aspeto
3. Malaman ang epekto nito sa kabataan, parehong positibo at negatibo
4. Malaman ang hangarin ng mga kabataan sa paggamit ng social
networking sites.
Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa


impluwensya o epekto ng social media sites sa mga kabataan na nag-aaral sa De La
Salle College of Saint Benilde sa kursong Multimedia Arts, unang taon at ikalawang
termino taong 2015-2016. Bilang mga estudyanteng mananaliksik, bilang lamang ang
aming mapagkukuhanan ng kaalaman at datos kung kaya’t may limitasyon ang mga
nakasaad sa papel na ito
Balangkas Theoritikal

Internet

Social
Media

Kabataan sa College of
Saint Benilde, unang
taon, pangalawang
termino

Dahilan kung bakit ito Epekto


madalas na
ginagamit
Positibo Negatibo

RESULTA
Balangkas Konseptwal

INPUT
RESULTA
PROSESO
Survey Method
ang aming Maihahayag
gagamitin para Kami ay naming ang
sa mga mag- makakakuha ng resulta ng aming
aaral ng College resulta galing survey na
of Saint Benilde sa sampung “Epekto ng
sa unang taon, estudyante Social Media sa
pangalawang (Walang tiyak Kabataan” sa
termino sa na kasarian), mga sagot na
kursong na umiikot sa ibibigay ng mga
Multimedia Arts. 15-20 na taong respondante.
gulang.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Teknolohiya – mga makabagong tuklas na kagamitan na nakakapagpadali ng


buhay ng mga tao.
 Internet - malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa
buong mundo.
 Social media – mga aplikasyon, software o gamit na nagagamit pang-
komunikasyon, particular sa pakikisalamuha sa mga tao
 Smart phone – isang uri ng makabagong gadyet na maraming nagagawa tulad
ng pagkuha ng litrato at bidyo o pag
 Pagka-adik – sobrang pagkahumaling
 Supporter – mga tao na sinusuportahan ang isang partikular na kandidato sa
eleksyon
 Comments – katawagan sa pahayag ng isang user sa isang post.
 Posts – isang feature ng Facebook na naglilimbag ng electronic na teksto na
sinulat ng mga may-ari ng accounts
 Social networking sites/sns – mga websites na ginagamit partikular sa
pakikisalamuha sa mga tao sa internet.
 Newsfeed – isang parte ng Facebook na nagpapakita ng mga posts ng mga tao
na may account sa nasabing website.
 Status – ang tawag sa teksto na post sa Facebook.
 Accounts – ang tawag sa membership ng isang tao sa isang website.
 PM (Private message) – isang feature ng ilang piling na social media sites na
ang layunin ay ipadala ang isang mensahe na mababasa ng isang tao lamang.
 User – katawagan sa mga gumagamit ng social media sites.
 Click – isang ekspresyon na sinasabi ang pagkabilis ng impluwensya ng social
media sa mga user.
 Pag-share - isang feature sa Facebook na kumakatawan sa pagbabahagi ng
isang post.

You might also like