May isang pamilya na walang kapayapaan sa kanilang tahanan.
Ang mag-asawang si Aling Meriam at Mang Isme, sila ay mayroong isang anak na nagngangalang Mikay. Walang araw na hindi nag-aaway ang mag-asawang ito. Hindi nila tanggap ang estado nila sapagkat nagkaroon sila ng anak sa murang edad at hindi na patuloy kanilang mga pangarap. Si Mikay ang laging pinagbubuntangan ng galit ng mag-asawa at siya’y binubugbog. Kaya puro pasa na lamang ang katawan ni Mikay. Sa kabila ng hindi kanais nais na buhay ni Mikay, nagawa niya paring maging mabait sa lahat ng nabubuhay.
Isang araw, inutusan si Mikay ng kaniyang ama na bumili ng
inumin. Nang siya ay pauwi na’t nakabili na, may nakita siyang isang lalaki na napakarumi at mayroong masangsang na amoy. Nilapitan niya ito at inalok niya itong uminom. Hindi nagdalawang isip ang lalaki na inumin iyon at kaniyang naubos sa sobrang kauhawan, nagpasalamat ito kay Mikay at umalis na si Mikay. Nagalit ang kaniyang ama sapagkat wala itong dala. Siya ay binugbog at nagkaroon nanaman ng panibagong pasa.
Kinabukasan, habang nagmumuni si Mikay sa kanilang bintana,
nakita niya ang lalaki. Siya ay lumabas ng bahay at pumunta kung saan ang lalaki. Hindi niya alam na ang lalaki ay isang engkantado, tinignan niya si Mikay na puro pasa na tila ba’y malapit nang mawala sa mundo. Pinakain niya ito ng isang kakaibang prutas at si Mikay ay parang bulang naglaho. Nagtaka ng mga tao sapagkat hindi na nila masilayan si Mikay. Nakita na lamang nila ang mahiwagang puno na nasa bakuran g mag-asawang Meriam at Isme. Ang bunga nito ay kulay Lila kapag naging hinog at kulay puti naman ang loob. Tinawa ito na Kaymito dahil nagsismbulo ito kay Mikay na halos maging lila na ang kulay sa kadahilanang puno ito ng pasa ngunit napakabuting bata pa rin.