Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

INTRO: Chismosa 2: Basta mare, iwasan mo nalang siya.

Lalo na’t
Background Music and Tone: Intense, Mysterious bagong lipat ka pa naman, baka mapag diskitahan ka niyan.

Narrator: Pamilya, Kaginhawaan, Kasalanan. Hanggang


Baguhan na Chismosa: Ganon ba? Sige, sige, salamat sa
saan ang kaya mong gawin para sakanila? Kaya mo bang
kalabanin ang buong mundo mailigtas lamang sila? Kung babala mga kumare. Oh siya, una na’ko, andami ko pang
mabibigyan ka man ng pagkakataon tulad ni Eba, kaya mo lilinisin.
bang kagatin ang ipinagbabawal na prutas?
Umalis ang mga chismosa at gumawa ng kaniya-kaniyang
Scene 1: Baryo gawain.
Makikitang naglilinis ng paligid ang baguhang residente ng
baryo. Siya naman ay nilapitan ng dalawang babaeng nag- Scene 2: Bahay
aalangan at interesadong makipag-usap sa kaniya. Isang barong-barong ang nakatayo sa likod ng pader ng
Intramuros. May dalawang kahoy na kahon na nakaharang
Chismosa 1: Aba! Mare, ngayon lang ata kita nakita dito ah, sa pintuan. Sa kaliwa, may puno ng Akasya at bangkito sa
baguhan ka lang ba? lilim nito.

Baguhang Chismosa: Oo, kakalipat ko lang noong isang Papasok si Mario. Kupas ang damit at mahaba ang buhok na
araw. Kayo ba mga kumare, dito kayo nakatira? mukhang hindi nakapag-pagupit ng ilang Linggo. Ilalagay
ang bag sa bangkito, uupo, maghuhubad ng sapatos at
Chismosa 2: Oo, diyan yung bahay namin sa kanto oh, ilalagay sa loob ng bag nito.
yung magkatabi dun.
Gloria: (tawag mula sa loob ng bahay) Mario! Ikaw na ba
Chismosa 1: Matanong ko lang mare, ba’t dito mo napiling ‘yan Mario?
lumipat? May mga kapamilya ka ba rito?
Mario: Oo….
Baguhang Chismosa: , anggulo kasi, at mukhang mas
mapayapa dito eh kumpara doon. Gloria: (Lumabas si Gloria na nagpupunas ng kamay sa
kanyang damit. Siya ay maliit na babae, mahaba ang buhok
Chismosa 2: Totoo ‘yan, mare! Tahimik itong baryo na ito, at halos kaedad din ni Mario.) Mabuti naman at maaga kang
wala masyadong ganap. umuwi.

(Dadaan si Mario na may dala-dalang timba na para bang Mario: Kumusta si Tita? (pumasok sa bahay na hindi
nag-iigib. Nagtinginan ang tatlo sa itsura ng lalaki.) naghihintay ng sagot.)

Chismosa 1: Ay! Hindi pala mare, kita mo yung lalaking Gloria: (Tatawid sa bangkito) Huwag mo na siyang
dumaan? Jusko po! Wala na talagang pinagbago! Naaawa na gisingin, Mario. Pagod iyon sa ka iiyak maghapon.
ako kay Gloria at sa anak nilang dalawa. Salot sa baryo
natin. Mario: (bumalik, tumawid at naupo sa kabilang dulo ng
bangkito.) Kumakain ba siya?
Baguhang Chismosa: Bakit naman? Ano ba ginawa niya? Gloria: Hindi eh, ayaw nga kahit isang subo ng lugaw e.
Pero hayaan mo, ibibili ko siya ng biskwit, baka sakaling
Chismosa 2: Ayan si Mario, miyembro ‘yan dati ng isang kumain.
sindikato! Nasangkot na din iyan sa mga ilegal na droga! (Dudukot ng pera mula sa bulsa ng pang-itaas na
damit ni Mario.) Kuha na ako ng pera ha!
Chismosa 1: At ang hilig mambabae! Ang kapal ng mukha!
Mario: (tumayo, galit) Anuba! (sabay tapik sa kamay ni
Chismosa 2: Lasinggero din, jusko! Gloria)

Chismosa 1: At isa pa ha, magnanakaw! Kaya nga nawalan Gloria: (mapapaurong) Anong problema?
‘yan ng trabaho eh, nahuling kumuha ng pera!
Mario: Ba’t ka nambibigla? Hindi ka ba makapag antay?
Baguhan na Chismosa: Totoo? Grabe naman! Kaawaan Kinakausap tungkol sa bata, tapos pera na naman ang nasa
sana ng Diyos ang kaniyang mag-ina. Kung ako sa kanila, isip.
iniwan ko na ang lalaking iyan. Gloria: (gigitna) Diyos ko! Eh para kanino ba sa tingin mo
ang bibilhin ko? Anong gagawin ko sa 20 pesos, ha?
Manood ng sine?
nalang natin, may karapatan akong malaman kung saan
Mario: Wag mo akong pagtaasan ng boses, Hinaan mo baka napunta iyon.
mamaya magising mo pa yung bata.
Mario: Ginastos ko lahat sa babae! Oh ano? Masaya ka na?
Gloria: (Mahina ngunit may diin) Konting halaga lang ang
kailangan ko para pambili ng makakain ng anak mo. Wala Gloria: Babae? Hindi ako naniniwala. Alam kong hindi mo
‘yang kinakain mula pa kaninang umaga. ‘Yon ang dahilan gagawin ‘yon.
kaya “inaabala kita”!
Mario: Kailan ka pa nagkaroon ng tiwala sa’kin?
Mario: (nagsisisi) Patawad Gloria.. (hinawakan siya sa
braso) Gloria: Hindi, Mario, anong klaseng tanong ‘yan? Ang ibig
kong sabihin, alam ko na hindi mo uubusin ang pera mo
Gloria: Oh dali na, ibigay mo na yung pera, para makabili dahil alam mong kailangan ‘yon ng anak mo. Alam kong
na din ako ng iba pang kailangan natin. mahal mo siya, kaya sabihin mo na. Nagmamakaawa ako!

Mario: (titingin sa kanya) Pera? Ah… Wala akong pera… Mario: (Uupo at ilalagay ang dalawang kamay ang
Wala pa. kanyang ulo.)

Gloria: Mario, araw ng sweldo ngayon. (Lalapit si Gloria at ipapatong ang kamay sa balikat ni
Mario.)
Mario: Oo nga… Pero…
Gloria: Anong problema, Mario?
Gloria: Pero ano? Nasaan ang sweldo mo ngayong Linggo?
Mario: (nag-iwas ng tingin) Wala, Gloria, wala.
Mario: Wala… Sa akin.
Gloria: (tumabi sa asawa) Alam kong may problema.
Gloria: Ha? Ano!? Panong wala? Ano ibig mong sabihin?! Mario, nararamdaman ko. Sabihin mo na sa akin.

Mario: (Galit) Na wala akong pera! Wala nga! Anong gusto Mario: (tumingin sa sahig) Gloria, wala na akong trabaho.
mong gawin ko, magnakaw?
Gloria: (Napatayo) Ha? Ano?
Gloria: Hindi ko sinabing gawin mo ‘yon. Gusto ko lang
malaman kung anong ginawa mo sa pera mo! Mario: (tumingin sa asawa) Totoo, Gloria.

Mario: (uupo sa bangkito) Walang natira sa pera ko Gloria: Eh, anong nangyari sa sweldo mo ngayong Linggo?

Gloria: Wala? Panong wala? Mario naman. (nagdabog) Mario: Noong isang Linggo pa ako nawalan ng trabaho.
Anong ginawa mo? Para sa anak mo ‘yon eh!
Gloria: At ni hindi mo man lang naisipang sabihin sa akin?
Mario: (Kamot sa ulo) Nakainom ako ng konti kasama ang
mga kaibigan ko. Ayon, napagastos. Pasensya ka na. Mario: Akala ko kasi makakahanap ako ng bagong trabaho,
Ayaw ko ding mag alala ka, baka dumagdag pa sa mga
Gloria: (Tinitigan si Mario) Mario, akala mo ba maloloko iniisip mo.
mo ako? Kilala kita ‘pag lasing! Gumagapang ka pauwi. Ni
hindi ka nga maka tindig ng maayos eh. Kaya pwede ba? Gloria: Pa’no tayo ngayon Mario? Sa’n ka makakapulot ng
Hindi ka nakainom, ‘wag na tayong naglolokohan dito. trabaho, sa’n tayo kukuha ng pantustos sa pang araw-araw?
Mario naman, inabot ka nga ng 5 buwan doon sa
Mario: Oo na, hindi na ako nakainom. paghahanap mo sa dati mong trabaho.

Gloria: Ano nga Mario, sabihin mo na! Utang na loob. Mario: Hindi naman aabutin nang gano’ng katagal.

Mario: Mas mabuting hindi mo na malaman pa, Gloria Gloria: Paano nangyari ‘yon? Mario! Ano na namang
kalokohan ang ginawa mo?
Gloria: Mario, asawa mo ako. May karapatan naman ata
ako sa pera mo. Kahit hindi na nga sakin, kahit para sa anak Mario: Napagbintangan ako Gloria…
Gloria: Ha? Ano nga ginawa mo? Totoo ba iyong Gloria: Bakit hindi ka na lang nag-uwi ng pandesal, bigas o
ibinintang nila sa iyo? di kaya’y gatas at hindi mansanas na yan. Hindi tayo
mayaman. Mabubuhay tayo nang walang mga mansanas.
Mario: Eh, kung ano ang gusto nilang palabasin,
pagnanakaw daw. Mario: Bakit? Mayaman na lang ba ang may karapatang
kumain ng mansanas? ‘Yon ang dahilan kung bakit gusto
Gloria: Ano pa nga ang ibang tawag doon? Ano? kong dalhan ng mansanas si Tita. Gusto kong maranasan
Nagnakaw ka daw? niyang kumain ng mga masarap at masustansyang pagkain.

Mario: (Mahina ang boses) Wala! Gloria: Kaya, dahil diyan sa inuuod na mansanas, nawalan
ka tuloy ng trabaho? Ano na ngayon ipapakain mo sa anak
Gloria: Ano nga iyon? mo? Sa’n ka kukuha ng pera?

Mario: Isang mansanas! Mario: Wala akong pakialam kahit ilan pang trabaho ang
mawala sa akin. Kung ang kapalit naman ay makitang
Gloria: Mansanas!? Ha? Ang ibig mong sabihin–! masaya ang anak ko, gagawin ko ‘yon para sa mansanas.

Mario: Mansanas, ‘di mo ba alam kung ano ang mansanas? Gloria: Nasaan na ang mansanas? Naiuwi mo ba para kay
Tita? (Tumawid sa bangkito para kunin ang baunan.)
Gloria: Alam ko Mario, tigil tigilan mo ‘ko, Ang ibig kong
sabihin, ano yung ginawa mo sa mansanas? ‘Yon ba yung Mario: Hindi, itinago nila para daw may ebidensiya.
ninakaw mo? (Naupo)

Mario: Oo, at tinanggal nila ako sa trabaho dahil doon, Gloria: Nakita mo na? Nawalan ka ng trabaho dahil sa
dahil sa pagkuha ng isang pirasong mansanas. Hindi isang pangungupit ng mansanas. Ni hindi mo man lang naibalik
dosena, oh isang kahon. yung mansanas para sa anak mo! (Itinabi ni Gloria ang
sapatos at baunan. Umupo sa hagdan, sandaling namayani
Gloria: Bakit mo naman kasi gagawin iyon? Ang tanga ang katahimikan sa dalawa.)
lang….
Gloria: (Napatayo) Pangungupit ng mansanas, napakaliit na
Mario: Alam ko ba na gagawin nila ‘yon dahil lang sa isang dahilan ‘yon para tanggalin ang isang mahirap sa trabaho.
mansanas? Eh, ang dami-dami namang mansanas doon. Makiusap ka nalang, pagbibigyan ka naman nila, Mario.
Hinihila namin ‘yon papunta sa kamalig. May nakita akong
isang mansanas na gumulong mula sa sirang kahon. Pinulot Mario: Hindi nila gagawin iyon.
ko, ayun lang. Ganoon ba kabigat na kasalanan iyon?
Gloria: Bakit hindi?
Gloria: Ayan ang mahirap sa iyo, kapag naisip mo ang tiyan
mo, wala ka nang naiisip na iba! Mario: Hindi mo ba nakikita na matagal na silang
naghihintay na magkamali ako katulad ng nangyari? Gusto
Mario: Hindi ko iniisip ang sarili ko. nilang matanggal ako kahit anuman ang dahilan, para
maipasok nila ang mga tao nila.
Gloria: Sino ang iniisip mo- ako? Nanghingi ba ako ng
mansanas? Gloria: Dapat magreklamo ka…

Mario: Hindi... Naalala mo noong lumabas kami ng anak Mario: Kapag ginawa ko iyon, kakalkalin nila ang rekord
mo para mamasyal? Habang pauwi, may nadaanan kaming ko sa pulisya!
tindahan na nagbebenta ng masasarap na mansanas sa
halagang pitumpong sentimo bawat isa. Nagpabili siya, pero Gloria: Pero Mario, matagal na ‘yon. Bakit naman nila
wala akong ganoong halaga. Ang ginawa ko, binili ko ‘yong kakalkalin ang mga ganoong bagay?
maliliit na berdeng mansanas na ibinebenta diyan sa
bangketa pero ibinato niya lang at sinabing hindi raw Mario: Gagawin nila ang lahat para hindi ako makabalik.
totoong mansanas iyon. Umiyak siya. (tumigil sandali) Kaya Pero, huwag kang mag-alala, makakakita din ako ng
noong nakita ko ang mansanas na gumulong mula sa kahon, trabaho. Hindi naman mahirap maghanap ng trabaho
naisip ko, magugustuhan ni Tita iyon. ngayon. (nag- iwas ng tingin) Alam mo, isang Linggo na
akong naghahanap ng trabaho at sa palagay ko’y nakakita na
ako ng magandang trabaho.
(Tinabihan siya ni Gloria habang nilalaro ang kanyang
Gloria: Nagsisinungaling ka na naman! mga kamay)

Mario: Magtiwala ka sa akin Gloria, kahit ngayon lang. Gloria: Mali talaga ang nanay ko. Alam mo ba, bago tayo
Pangako iyan. ikasal, lagi niyang sinasabi “Gloria isang napakalaking
pagkakamali ang gagawin mong pagpapakasal diyan sa
Gloria: Palagi ka namang nagsisinungaling– Hindi ko alam walang kwentang lalaking iyan.” Sana, buhay pa siya, nakita
kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi! niya sana ang laki ng pagbabago mo ngayon.

Mario: Ang totoo nga, makikipagkita ako mamayang gabi May makikitang tao na nakakubli sa puno si Gloria: si
sa kaibigan kong may kakilala na pwedeng pasukan ng Pablo. Kanina pa sila pinanonood. Mas matanda siya kay
trabaho. May-ari daw ng kumpanya, nangangailangan ng Mario, nakakatakot ang hitsura at bihis na bihis.
panggabing tagabantay.
Pablo: (Sarkastiko) Hmmm. Napaka lambing naman ng
Gloria: (hinawakan sa kamay si Mario) Totoo? asawa mo.

Mario: (iniwasan ang tingin ng asawa) Totoo. Mario: Pablo! (Biglang kinabahan, nagsimulang manginig
si Mario.)
Gloria: Hay, sana naman matanggap ka kaagad diyan.
Kailangan ng anak natin ‘to. Alam kong hindi tayo (Tumayo si Gloria at pumunta sa gitna, hindi inaalis ang
pababayaan ng Panginoon. Ipagdarasal kita. (Napatingin nagbabaga na galit sa mga mata. Uminom mula sa bote ng
kay Mario) alak si Pablo.)

Gloria: Pero, Mario, kung sakali ngang matanggap ka, ang Pablo: Oh ba’t ganiyan itsura mo? Hindi ka ba natutuwang
ibig sabihin ba no’n, buong gabi kang nasa labas? makita ako? (ipinatong ang paa sa bangkito)

Mario: Ayos lang ‘yon. Pwede naman akong matulog sa Gloria: (galit) Ba’t ka andito? Anong kailangan mo?
araw.
Pablo: Hay! ‘Yan ba ang tamang paraan ng pagtanggap ng
Gloria: (Hinimas siya na parang pusa) Ang ibig kong isang kaibigang bumibisita?
sabihin, paano ako? Kami ng anak mo? Wala kaming
kasama (lalayo) Pero, mas mabuti na din ata ‘yan kesa Gloria: Tigilan mo nga kami Pablo, wala kaming pakiaalam
naman sa wala kang trabaho. (pupunta sa gitna at iikot) sa’yo.

Gloria: Bakit ‘di mo pa puntahan ang kaibigan mo ngayon? Pablo: Hindi ka nagbago kahit konti, Gloria… Hindi kahit
Wala ka namang gagawin mamayang gabi. Hindi ba mas konti.
magandang puntahan mo na siya habang maaga pa?
Gloria: Ikaw din, walang pinagbago. Ikaw pa rin ang
Mario: Ah—Oo, siguro nga. demonyong gustong padaanin sa masamang landas ang
asawa ko.
Gloria: (Pupunta sa may hagdan at kukunin ang sapatos,
kasunod si Mario) (ibinigay ang sapatos) Ito, oh, isuot mo Pablo: Hindi ako demonyo. Hindi napagbago ng panahon
iyan at umalis ka na, aakyat na rin ako. (naupo sa hagdan at ang ugali mo sa akin. Galit ka pa rin ba sa akin dahil naging
pinanood ang asawa) kaibigan ako ni Mario bago pa man kayo nagkakilala?
Nagseselos ka ba dahil mas nauna ako sa’yo? (Tumawa si
Mario: (nagsusuot ng sapatos) Huwag mo na akong Pablo)
hintayin Gloria. Baka gabihin na ako pag-uwi.
Gloria: Ako ang asawa niya, may responsibilidad akong
Gloria: Sige.. pero ‘di ko alam kung makakaidlip ako ilayo siya sa masasamang impluwensiya. Kagaya naman ng
hanggang sa pagdating mo. mga demonyong bumubulong sa kaniya na gumawa ng
(Lumapit si Gloria sa kanya nang maisuot niya ang sapatos masama!
at akmang yayakapin siya pero itinulak niya ang asawa)
Pablo: Hindi pa ba ako lumalayo sa’yo?
Mario: (Nalilito, umupo siya sa hagdan.)
Gloria: Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina. Bakit
ka andito?
Pablo: Hindi ba ako pwedeng bumisita sa inyo paminsan- Pablo: Paano ka nakakasiguro? Noong magkaibigan pa
minsan? Gusto ko lang naman alamin kung mabuti ba ang kami, nakakapunta kami sa mga mamahaling sinehan.
buhay sa inyo. Paano kayo nakakaraos? Ipupusta ko ang lahat ng pera ko dito na hindi siya
nakapunta doon simula ng “palayain” mo siya mula sa akin.
Gloria: (Nanlilibak) Mabuti naman kami, hanggang sa At mga apat na taon na ang nagdaan ha…
nakita ko naman ang pagmumukha mo.
Gloria: Hindi umaasa nang malaki ang sinuman sa malinis
Pablo: Ang anak mo– ganito pa lang siya katangkad noong na pera Pablo, tandaan mo ‘yan…
huling makita ko. Kamusta na siya?
Pablo: (Tumayo at naglakad-lakad) Anong pinagkaiba?
Gloria: Mabuti naman siya. Gumanda ba buhay niyo diyan sa katapatan na
pinagyayabang niyo? Mas marami ba kayong nabibili?
Pablo: Oh… Akala ko, hindi maayos ang kalagayan niya? Tapat? Ano ‘yon? Tapos nagdadamit ka ng katulad ng
ganyan? Nakatira kayo sa dito sa kubo na sira-sira? Pati nga
Gloria: (Nagdududa) Paano mo nalaman? ang anak mo, hindi na makagalaw dahil wala na makain.
(Lumingon kay Mario) Sinabi mo sa kanya? Iyan ba ang sinasabi mong “katapatan”?

Mario: Ako? Hindi ah. Matagal ko na ngang hindi nakikita Mario: (Tumayo) Pablo!
‘yan eh!
Pablo: Tingnan mo ang nangyari sa anak mo. Iyan ang
Pablo: Ano? May sakit ba siya? nagagawa ng katapatan sa kanya. At paano siya
matutulungan ng katapatan ngayon? Wala siyang sakit at
Gloria: (Pagalit) Wala kang pakialam, kaya wag mo nang hindi niya kailangan ng gamot. Alam mo ‘yan. Alam na
problemahin ang ‘di mo naman problema! alam mo na ang kailangan niya ay pagkain. Masustansiyang
pagkain.
Pablo: Hindi ba kayo naaawa sa anak niyo? Tingnan niyo
naman oh, nanghihina na, kailangan na siyang dalhin sa Mario: Pablo! Tumigil ka na!
doctor. (ibinaba ang paa at inilabas ang pitaka) Heto,
pahihiramin muna kita ng pera. Dalhin mo sa doktor anak Gloria: Alam kong pumunta ka dito para yayain siyang
mo, para gumaling siya. muli sa madumi mong gawain, pero hindi mo magagawa
iyon. Hindi siya makikinig sa’yo. Kaya naming mamuhay
Gloria: (Pagalit) Salamat na lang, pero ‘di kami nang walang tulong galing sa‘yo.
tumatanggap ng pera na galing sa’yo.
Pablo: (Nang-iinis) Buhay ba tawag mo dito? Ang tawag
Pablo: Bakit ayaw mong kunin? Para naman ‘to sa anak dito, ay dahan-dahang pagkamatay!
niyo, hindi naman sa inyo ah.
Mario: (Lumapit at niyugyog siya) Pablo, tumigil ka na!
Gloria: Ang pagbabayad sa iyo ay nangangahulugang Umalis ka na nga dito, baka kung ano pa magawa ko sa iyo!
makikita ko ulit ang pagmumukha mo.
Pablo: Nakakalimutan mo ba Mario? Ikaw ang lumapit
Pablo: Kung ganyan kalaki ang galit mo sa pagmumukha, sa’kin. Nainip na ako sa paghihintay sa’yo, kaya ako na
eh ‘di, huwag mo na akong bayaran. mismo ang pumunta.

Gloria: Dahil diyan, kaya mas kailangan kong tanggihan Gloria: Ha? Mario…Anong ibig niyang sabihin?
‘yan.
Pablo: Pumunta siya sa bahay kagabi.
Pablo: Sige, kung ‘yan ang gusto mo. (Naupo at itinago
ang pitaka) Mario: Pablo, huwag.

Gloria: Hindi na umaasa sa iyo si Mario simula nang ilayo Pablo: Alam ba ng asawa mo ang hinihingi mong pabor sa
ko siya sa sa’yo. Wala akong pinagsisisihan. akin?

Pablo: Paano si Mario? Wala rin ba siyang pinagsisisihan? Pablo: (hindi pinansin si Mario at tinignan si Gloria) Sabi
niya, babalik siya kaninang tanghali, pero hindi na siya
Gloria: Wala!
nagpakita. Pumunta ako dahil natatakot akong baka Gloria: Mario! Pakiusap! Isipin mo ang anak natin, maawa
makonsyensya na naman siya. ka saamin.

Mario: Pablo, tumigil ka! Mario: Alagaan mo ang sarili mo at ang anak natin. Ako na
ang bahala sa sarili ko. Huwag mo na akong hintayin…
Pablo: Ayos lang ‘yan Mario. Mas mabuting sabihin mo na Gagabihin ako sa pag-uwi.
sa kanya ang lahat. Malalaman din naman niya. Sabihin mo
sa kanya ang sinabi mo sa akin kagabi– na hindi ka na (Umalis si Mario kasama si Pablo. Pinanood sila ni Gloria
naniniwala sa paraan ng pamumuhay na gusto niya. Sabihin na walang magawa kundi sumigaw)
mo.
Gloria: Marioooooooooo!
(Tumalikod si Mario sa kanila.)
(Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang damit at
Gloria: Mario... Ito ba ang sinasabi mong bagong trabaho? umiyak doon. Mula sa loob ng bahay ang kanyang anak ay
kasabay niyang umiiyak hanggang sa pagbaba ng kurtina.)
Mario: Gloria, sana maintindihan mo... Sinubukan ko…
Pero hindi ko maiahon ang pamilya natin sa ganitong uri ng Ending Scene:
buhay. Makikitang umuwi si Mario sa bahay nila. Makikitang iba
na ang damit ni Mario nang siya ay dumating sa eksena.
Gloria: (Sinigawan si Pablo) Ikaw ang dapat sisihin nito! Binuksan niya ang pinto, at madilim ang paligid. Tahimik
Kahit kailan talaga, wala ka nang naidulot na mabuti! ang lahat.

Pablo: Siya ang pumunta sa akin–! Mario: Gloria…? Tita? Nasaan kayo?

Gloria: Kahit alam mong gagawin niya ang lahat… Kahit Namatay bigla ang ilaw, maririnig ang sigaw ni Gloria na
na ang bumalik sa buhay na ayaw niya… Lumayas ka! tinatawag ang pangalan ng kanyang asawa. Maririnig ng
mga manonood ang putok ng baril.
Pablo: Aalis ako- kapag handa na rin si Mario na umalis.
At nagsara ang mga kurtina. Maririnig ang mga hagulgol ni
Gloria: Hindi siya sasama sa’yo. Gloria habang tinatawag ni Tita ang kanyang ama.
Magkakaroon ng katahimikan.
Pablo: Talaga? Bakit hindi mo siya tanungin?
OUTRO:Mula kay Tita, para sa kanyang ama
Gloria: (Kay Mario) Hindi ka sasama sa kanya. Hindi ba
Mario? Sabihin mo sa kanyang iwan niya na tayo at huwag Tita: Tatay, kamusta na po kayo? Noong namatay kayo,
na siyang babalik. Alam kong kinausap ka niya at sinubukan nalungkot nang malubha si Nanay. Tapos tay, kinabukasan
kang manipulahin, pero huwag kang sasama sa kanya, nga nun, may nag-iwan ng pera sa pintuan ng bahay natin.
No’ng una, ayaw pa tanggapin ni Nanay, sabi niya alam daw
Mario!
niya kung kanino galing yun. Mukhang galit na galit pa nga
siya nang makita niya ‘yon eh. Sabi niya na hindi daw
Mario: (hinawakan siya) Gloria... mabibili ng kahit anong halaga ang buhay niyo. Pero
kinalaunan nagbago isip ni Nanay, ginamit niya yung pera
Pablo: Huwag kang mag-alala sa kanya Gloria, ligtas siya para makapag-aral ako. Sabi niya, yun din daw kasi ang
sa akin. gagawin mo kung sakaling buhay ka pa. Noong isang araw
nga po, binilhan niya ako ng mansanas. Naalala ko po kayo.
Tay, gusto ko po sanang humingi ng tawad. Sorry po kung
Gloria: (Hinila siya palayo)
nagalit po ako nung binilhan niyo ako ng berdeng mansanas.
Kung alam ko lang po, sana masaya nating pinagsaluhan
Mario: (habang hinihila) Diyan ka lang Pablo. Pupuntahan yung mansanas. Edi sana, masaya po tayo bago tayo
kita maya-maya. (pinigilan si Gloria) nagkahiwalay. Miss na miss ko na po kayo, Tay. Gustong
gusto ko na po kayo ulit makita. Pero pangako ko po sa
Mario: Gloria, sasama ako sa kanya. inyo, mag-aaral po ako nang mabuti para ako naman ang
poprotekta kay Nanay. ‘Tay, gabayan niyo po kami mula sa
langit, ha? ... Mahal na mahal namin kayo.
Gloria: Mario, huwag mo kaming iwan!
Narrator: Ang mundo ay isang mansanas.
Mario: Hindi mo na ako mapipigilan ngayon. Napag-isipan
ko na ito noong isang Linggo.

You might also like