Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Damdamin at Opinion sa Bullying

Kapag ang isa or maraming tao ay nananakot, nang-aabuso, o


dinodominahan ang isa pang tao, ito ay tinatawag na bullying. Ito ay
puwedeng mangyari sa tahanan, opisina, at paaralan. Nakalulungkot mang
isipin, ngunit marami sa atin ang nagiging biktima ng bullying.

Isang halimbawa ng bullying ay ang kadalasan na nangyayari sa


paaralan. Ang isa o marami pang estudyante ay kinukutya ang isa pa nilang
kaklase dahil ito ay mahina o madaling kutyain. Maaaring ang mag-aaral na
ito ay kutyain dahil siya ay may kapansanan, kabilang ng LGBTQ+
community, Person of Color (POC). Maari din na kinukutya siya dahil sa
kaniyang relihiyon. Maaari din maging instrumento ng bullying ang ating
body image kung saan kinukutya ang ating katawan o tinatawag na “body-
shaming.”

Malaki ang epekto nito sa biktima ng bullying. Nakakababa ito ng


self-esteem, kung saan nawawala na ang kanilang pagmamahal sa sarili. Ang
mental-health nila ay nababawasan kung saan puwede nila itong
ikapahamak. Puwede itong humantong sa tinatawag na self-harm.
Nakabibigat sa damdamin na maraming tao na ang tinapos ang kanilang
buhay dahil hindi na nila makaya ang pangungutya o pang-aabuso na
dinaranas nila.

Lahat tayo ay may responsibilidad sa ating mga ginagawa. Maging


mapanuri sa ating mga salitang bibigkasakin dahil baka ito ay maka-sakit ng
damdamin ng iba. Huwag tayong maging sanhi ng pagkasira ng iba.

You might also like