Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang mga dulog at teorya sa pananaliksik ang gabay ng isang mananaliksik kung paano isasagawa o

bibigyang-direksyon ang sinasaliksik.

Ang Teorya ng “Dating”


Sinasabi ni Bienvenido Lumbera na noon pa man, ang Teorya ng “Dating” ay ginagamit na ng mga
mananaliksik, higit sa mga panunuring pampanitikan. Sa pamamagitan ng teoryang ito ay naipababatid ng
isang manunuri o mananaliksik ang naging epekto at apekto ng isang babashin sa isang mambabasa.
Sa ganang awtor, ang pagsukat sa “dating” ay maaaring maipakita lampas sa mga akdang
pampanitikan. May gumagamit ng mga iskala at rubric. Upang maipakita ang dating ng isang pangyayari,
salik o baryabol, gumagamit ng iba’t ibang mga panukatan, gaya ng pagsakay sa iskalang Likert. Mayroon
naman naglalahad ng dating sa pamamagitan ng emosyon at paggamit o pagsasapraktika ng mga nakaimbak
na kaalaman, at mayroon din naming nagpapakita ng dating sa pamamagitan ng pagbibigay ng persepsiyon,
pagwawakas, pagpapakahulugan sa mga pahiwatig at simbulo, gayundin ng paglalahad ng mga implikasyong
batay sa tinatakbo ng kalagayang pangkasalukuyan.

Ang Teorya ng Bakod-Bukod-Buklod

Sa pamamagitan ng teoryang ito ay ihinahain ang isang pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri


kung paanong tinataglay ng magkakaibang baryabol ang hangganan ng isang baryabol o ang pagpapakita ng
“bakod”; Ang pagiging katangi-tangi ng bawat baryabol o ang paglalahad ng “bukod”, gayundnin ang
pagkakatulad ng mga baryabol kahit pa ito’y magkakaiba o ang tinatawag na “buklod.”

Binigyang-detalye ni Dr. David Michael San Juan (2018), ang konvinor ng Tanggol Wika, ang
konseptong ito ni Elizabeth Nuncio. Sa kanyang presentasyong powerpoint ay ganito ang nakasaad:

• Bakod: konsepto ng heyograpiya; sakop at saklaw, dimension at lawak ng nasasakupan; pisikal na


dibisiyon.
• Bukod: pagsasantabi o eksklusyon, konsepto ng marginalization
• Buklod: mga espasyo na bukas para sa lahat gaya ng daanan, food court , public CR atbp.
Ang siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan hanggang
Sm City North Edsa ni Elizabeth Morales-Nuncio
Posibleng Aplikasyon ng Bakod, Bukod at Buklod

• Pag-aaral sa mga espasyo at kung paano tayo pinaghihiwalay o pinaguugnay nito


• Pag-aaral hinggil sa gated villages at “gilidages” (mga maralitang komunidad sa tabi ngmga gated
subdivisions).
• Pag-aaral sa eksklubisidad ng ilang mga lugar/espasyo na bansa.
• Pag-aaral sa kaibahan ng work space ng ordinaryong manggawa at ng mga CEO, at mga lugar ng
kanilang interaksyon (board rooms atbp.).

You might also like