Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

.

St. Bosco College of TayabasInc.


Tayabas City
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANGALAN: __________________________________ NAKUHA: ____________

GURO: Mrs.Cozette C. Atendido PETSA_______________

TEST I.

Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
(2 puntos bawat isa)
Ang Mabuting Samaritano
Ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa  aklat ng Lucas kabanata 10 talata
25 hanggang 37 (Lucas 10:25-37).

Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa sa kautusan upang siya ay subukin. Tinanong
niya si Jesus ng, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at lakas. At ibigin ang kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw iyon at magkakamit siya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa sa kautusan ay nagtanong pa ulit ito kay Jesus.
“Guro, sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mabuting samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan. Hinubaran,
binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis siya ng daan at nagpatuloy lamang sa
paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay at nang makita ang lalaki ay agad niya
itong tinulungan. Siya’y naawa dito, binuhusan at nilinis ang sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan at
nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan niyang pera ay
babayaran na lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay
na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”

1. Ano ang ginawa ng samaritano?

2. Bakit pinamagatan ang parabula ng Mabuting Samaritano? Ipaliwanag.

FIL 10 1 | P a g e
3. Dapat bang tumulong sa kapwa kahit di mo kakilala? Bakit? Ipaliwanag.

4. Ano ang aral na makukuha sa parabula na iyong binasa?

5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon tutularan mo din ba ang ginawa ng Samaritano? Bakit? Ipaliwanag.

TEST II.A Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap na nagagamit ang angkop na pandiwa na makikita sa

bawat bilang. Gawing paksa ang ikaw bilang isang responsableng mag-aaral.

1-2 Bilang aksyon-

3-4 Bilang karanasan-

5-6 Bilang pangyayari-

7-8 Bilang Karanasan-

9-10 Bilang Aksyon-

TEST II-B Panuto: Salungguhitan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung ang sumusunod
na pandiwa ay ginamit bilang Aksyon, pangyayari at Karanasan. Isulat ang sagot sa patlang ng bawat bilang.

_____________1. Tumawa si Angelo sa paliwanag ng kanyang kaibigan.

_____________2. Tumalima si Angelo sa lahat ng gusto ng kanyang kasintahan

_____________3. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyari.

_____________4. Nagluto ng hapunan si Nanay

FIL 10 2 | P a g e
_____________5. Nahulog siya sa bangin dahil siya ay lasing.

Test III. Panuto: Basahin ang pangngusap sa ibaba at tukuyin ang pang-uganay na ginamit. Bilugan ang pang-uganay
na ginamit sa pangungusap.

__________1 Ayon sa mga balita, patuloy na nakararanas ng kaguluhan ang bansang Israel.
__________2. Ang labanan sa pagitan ng Israel at Palestine ay nagpapatuloy sa loob nang napakahabang
panahon.
___________3. Pati ang mga mamamayan ng dalawang bansa ay damay rin sa kaguluhan.
___________4. Marami ang sumubok pag-ayusin ang dalawang bansa subalit lahat ay nabigo.
___________5. Palibhasa, may kanya-kanyang ipinaglalabang pananaw ang bawat bansa.
___________6. Tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo ang pangunahing dahilan ng kaguluhan.
___________7. Noong Hulyo 2014, muling sumiklab ang kaguluhan nang mapatay ang tatlong binatilyo mula
Sa Israel
___________8. Nagbigay ng utos ang gobyerno ng Pilipinas na lisanin ng mga Pilipino ang Gaza sapagkat
mapanganib ang kaguluhang patuloy na nangyayari dito.
___________9. Para sa kaligtasan ng mga manggagawa ang utos kaya marami ang tumalima.
___________10. Kung naririto pa si Hesus, ano kaya ang mararam-daman Niya sa ganitong pangyayari sa
Sa kanyang bansa.
___________11. Maging handa sa lahat ng oras sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng ating
Panginoon.
___________12. Lahat tayo ay makasalanan ngunit mayroon pa tayong pagkakataon na magbago.
___________13. Kapag tayo ay nagpatuloy sa maling gagawin tayo ay sisingilin msa ating pagkakasala.
___________14. Kaya naman, tayo ay magpakabuti sa lahat ng oras.

TEST IV. Panuto: Gamitin ang mga angkop na pang-ugnay sa pagbuo ng sariling sanaysay kung paano mo
naipapakita na ikaw ay isang responsableng mag-aaral. Ang iyong sanaysay ay kailangang hindi bababa sa
sampung pangungusap na gagamitan ng hindi bababa sa limang angkop na pang-ugnay.

Mga Pamantayan PUNTOS NAKUHA


May kaugnayan sa paksang
4
nakasaad.
Wasto ang ginamit na mga pang-
ugnay sa pagkakabuo ng sariling 5
sanaysay
Malinis at maayos ang pagkakasulat 2
KABUUAN: 11

FIL 10 3 | P a g e

You might also like