Ap 7 Post - Test Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

AP-POST TEST FIRST QUARTER

NAME:___________________________7- Nov. 12, 2021

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na aytem.


Piliin ang letra ng pinakatamang sagot

1. Pinakamalaki at pinakamalawak na sukat ng Asya sa daigdig. Bunga nito nahati


ito sa limang magkakaibang rehiyon. Ano ang mahihinuha natin dito?
A. Magkakaiba ang klima at behetasyon ng mga rehiyon at bansa nito.
B. Magkakahawig ang mga tao na nakatira sa mga rehiyon at bansa nito.
C. Magkakapareho ang hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa mga bansa nito.

2. Binubuo ng limang rehiyon ang Asya batay sa paghahambing heograpikal.


Paano isinasagawa ang paghahati ng mga rehiyon?
A. Ayon sa pisikal, kultura, kasaysayan at pulitika
B. Ayon sa klima at behetasyon
C. Ayon sa antas at pag-unlad ng bansa

3. Malawak ang rehiyong ito, ang mga bansa dito ay nakararanas ng iba’t-ibang
panahon sa loob ng isang taon. Monsoon Climate ang tawag sa klima na
nararanasan sa rehiyon na ito. Ang rehiyong ito ay matatagpuan sa:
A. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Hilagang Asya

Suriin ang mapa ng Asya. Sagutin ang tanong bilang 4-5.

4. Batay sa iyong pagsusuri sa mapa, paano mo ilalarawan ang pisikal na anyo ng


Asya?
A. Iregular ang hugis, sukat at laki ng iba’t-ibang bahagi ng Asya.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay may anyong tubig.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Mayroong iisang klima na nararanasan ang lahat ng bansa sa Asya.
B. Makikita sa Asya ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig.
C. Maraming uri ng kapaligiran sa Asya batay sa tumutubong halaman.
6. Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag
sa isang sona na kung saan ay nagtataglay ng maraming hanay ng bulkan. Ang sona
na ito ay tinatawag na:
A. Pacific Ring of Forest
B. Pacific Ring of Fire
C. Pacific Ring of Mountain
D. Pacific Ring of Trenches

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Makikita sa Asya ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig.
B. Mayroong iisang klima na nararanasan ang lahat ng bansa sa Asya.
C. Maraming uri ng kapaligiran sa Asya batay sa tumutubong halaman.
D.Magkakaiba ang uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao sa Asya.

8. Ang bawat bansa sa Asya ay may iba’t-ibang likas na yaman. Mahalaga ang mga ito
sa isang bansa sapagkat:
A. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang maging tanyag ang
kanilang bansa.
B. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang maging maunlad
ang kanilang buhay at bansa.
C. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang magkaroon ng
hanap-buhay.

9. Sa laki at lawak ng Asya ay kakikitaan din ng isang kalikasang puno ng iba’t iba at
katangi-tanging yaman ng kalikasan. Ito ay tinatawag na:
A. Heritage
B. Biodiversity
C. Divergence

10. Ang mga likas na yaman na tulad ng ginto, pilak at bakal ay halimbawa ng mga
anong uri ng likas na yaman?
A. Yamang gubat
B. Yamang mineral
C. Yamang lupa
D. Yamang tubig
11. Malaki ang gampanin ng behetasyon ng mga rehiyon sa Asya sa pamumuhay ng
mga Asyano. Paano nakaaapekto ang behetasyon sa uri ng pamumuhay ng mga
Asyano?
A. Palipat-lipat ng tirahan ang mga Asyano dahil sa paghahanap buhay.
B. Maliit ang populasyon ng mga lugar na may di kanais-nais na behetasyon.
C. Inaakma ng mga Asyano ang kanilang pamumuhay batay sa behetasyon ng
mga lugar.

12. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at


napakahalagang butil pananim ang palay. Ano ang kaugnayan ng topograpiya ng lugar
tungkol dito?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pananim ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong
ito.

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang TOTOO hinggil sa epekto ng
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa kategorya ng agrikultura?
A. Sagana sa yamang mineral, partikular sa petrolyo ng mga bansa sa
Kanlurang Asya.
B. Marami sa mga bansa sa Asya ang kumukuha ng hilaw na materyales sa
kanilang mga likas na yaman.
C. Patuloy ang pagdami ng tao kaya nagkakaroon ng mga land conversion.

14. Malaking bahagi ang ginagampanan ng urbanisasyon sa pag-unlad ng ekonomiya


ng mga bansa sa Asya. Sa kabilang dako, ano ang NEGATIBONG EPEKTO nito sa
kapaligiran?
A. Pagdami ng trabaho para sa mga tao.
B. Pag-unlad ng teknolohiyang pansakahan.
C. Pagtaas ng antas ng polusyon sa tubig, lupa at hangin.
D. Pagtaas ng bahagdan ng marunong bumasa at sumulat.

15. Sa nakalipas na mga dekada ay tumataas ang temperatura ng mundo. Ito ang
nagdudulot sa unti-unting pagkatunaw ng mga polar ice caps sa Artic at Antartic. Ang
phenomena na ito ay tinatawag na:
A. Deforestation
B. Ecological Balance
C. Climate Change
D. Deforestation
16. Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig. Ito ay isa sa mga suliraning
kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Ang lahat ng
nabanggit ay epekto ng pagdami ng populasyon MALIBAN sa:
A. Naghahati-hati ang mga tao sa pinagkukunang yaman.
B. Nagdudulot ng kakapusan sa pagkain, damit at tirahan.
C. Nagdudulot na mabagal na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Nauubos ang mamahaling kagamitan at pangangailangan sa pamilihan.
17. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng
biodiversity sa Asya?
A. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
B. Walang habas na pagkuha ng at paggamit sa mga likas na yaman
C. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
D. Patuloy na pagtaas ng populasyon

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang
kasunod na tanong. (Aytem 18-19)
Bansa Populasyon Antas ng Paglaki ng Antas ng
(As of 2019) Populasyon Kamuwangan
(Population Growth (Literacy Rate)
Rate)
Sri Lanka 21,413,249 0.80 92%
Pilipinas 109,581,078 1.59 96%
Indonesia 273,523,615 0.89 95%
Japan 126,476,461 -0.19 99%
India 1,380,004,385 1.19 71%

18. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon,
ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Sri Lanka, Pilipinas, Indonesia, at Japan
B. Indonesia, India, Japan, Pilipinas at Sri Lanka
C. Sri Lanka, India, Indonesia, Pilipinas, at Japan
D. India, Indonesia, Japan, Pilipinas, at Sri Lanka

19. Ayon sa datos ng 2019, ang literacy rate ng Pilipinas ay 96%. Mataas ito kumpara
sa ibang bansa sa Asya. Ngunit ayon sa mga eksperto ay tumutukoy lamang sa basic
literacy rate o ang kakayahang bumasa at sumulat. Ano ang mas mainam na batayan?
A. Ang bilang ng tao na nakababasa at nakasusulat ng Ingles.
B. Ang bilang ng tao na naghahanapbuhay kahit hindi nakababasa o
nakasusulat.
C. Ang bilang ng taong nakapagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
D. Ang bilang ng tao na nauunawan ang kanilang sinulat at binasa.
20. Isa sa mga salik na tinitignan sa pag-aaral ng populasyon ay kung ang bansa ay may
batang populasyon o matandang populasyon. Nakabubuti ang batang populasyon dahil
darami ang taong makapagbibigay ng lakas-paggawa sa darating na panahon. Sa
kabilang dako, hindi ito mainam dahil:
A. Magiging mabagal ang pagdami ng tao sa bansa.
B. Magiging puno ang mga paaralan sa sobrang dami ng mga bata.
C. Magiging maingay at magulo ang bansa kung mas maraming bata kaysa
matanda.
D. Magiging pasanin pa sila ng pamahalaan hanggat hindi pa sila nakakapag
hanapbuhay.

You might also like