English Filipino Aralin Panlipunan: Edukasyon Sa Pagpapakatao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

 BASAHIN AT PAG ARALAN MABUTI

 ISULAT SA PAPEL ANG MGA SUMUSUNOD.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
-Sagutin sa iyong papel ang PAGYAMANIIN Gawain 1 at 2 at ISAISIp
ENGLISH
P3-simple present aspects of vebs -number 1 lang
P4-6
-Sagutin ang INDEPENDENT PRACTICE
FILIPINO
P10
-Gumawa ng iyong sariling Talaarawan gawing basehan ang nasa pahina 7
ARALIN PANLIPUNAN
P6-12
EPP
P1 AT 4 lang

MUSIC

STAFF
Ang staff ay isa sa pinakaunang simbolo na mahalagang matutunan sa musika. Ang staff ay binubuo ng limang pahalang na
guhit. May puwang o space naman sa pagitan ng mga guhit.

Isa sa mga mahahalagang simbolong makikita sa staff ay ang clef. Ang clef ay simbolo sa musika na matatagpuan sa
pinakakaliwang bahagi ng staff. Ito ay nakatutulong upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng bawat tono o pitch sa staff.

May dalawang uri ng clef na madalas ginagamit sa musika. Ito ay ang G-Clef at F-Clef o tinatawag ding Bass Clef. Sa grand
staff, ang G-Clef ay matatagpuan sa taas na bahagi ng grand staff at ang F-Clef naman ay sa ibaba.

GClef
FClef

- -
Grand Staff

F-CLEF
Ang F-Clef ay kilala rin sa tawag na Bass Clef. Mahalaga ang F-Clef dahil ito ay karaniwang ginagamit para sa range ng boses
ng mga lalaki. Ito ay ang mga boses na Bass o Baho para sa mababang tono at Tenor naman para sa mataas na tono ng boses lalaki.

Kaya ito tinawag na F-Clef ay dahil ang pagguhit o pagsulat ng simbolong ito ay nagsisimula sa notang F o sa 4th line.
Samantalang ang C o Do ng F-Clef ay nagsisimula naman sa pangalawang puwang o 2nd space. Tingnan ang ilustrasyon ng F-Clef Staff
sa ibaba.
Ang bawat guhit at puwang o space sa staff ay may akmang pitch names na hango sa unang pitong titik ng alpabeto. Bukod sa
pitch names,ginagamit din ang mga so-fa syllables upang mapadali ang pagbabasa, pagawit at pagtugtog ng musika. Ang bawat pitch
name ay may katumbas na so-fa syllable na makikita sa tsart sa ibaba.

Pitch Name So-Fa Syllable

C Do
D Re

E Mi

F Fa

G So

A La

B Ti

C Do
ARTS
Ang mga Natural at Makasaysayang Lugar sa Pamayanan

1.) Rice Terraces ng Banawe- Ang lugar na ito ay bunga ng dugo at pawis na paggawa ng mga Ifugao. Ito ay nabuo sa
pamamagitan ng paggamit ng mga kamay ng tao. Ang Ifugao Rice Terraces ay sikat dahil sa mala-amphitheater na setting nito.
Sa loob ng 2,000 taon, ang mga contour ng bundok ay sinusundan ng matataas na palayan.
Landscape ng Batanes- Ang Batanes ay isang buhay na tanawin ng kultura. Ang gobyerno ng Pilipinas ay idineklara itong isang
protektadong tanawin noong 1992. Ang landscape nito ay distrito mula sa iba pang mga lalawigan sa ating bansa dahil sa matarik na bangin,
lumiligid na
burol, malalim na canyon at may mga hangganan na may linya.
3.Callao Cave- ay isa sa mga limestone caves na matatagpuan sa munisipalidad ng Penablanca, lalawigan ng Cagayan. Ito ay isang pitong
silid na palabas na kuweba at kilala sa lalawigan bilang isa sa ipinagmamalaking natural na atraksyon sa mga turista.
4.) Old houses ng Vigan, Ilocos Norte- Ang pagkakasama ng Vigan sa UNESCO World
Heritage List ay dahil sa pangangalaga ng paligid ng 187 na istraktura ng paninirahan, panginstitusyon, komersyal at relihiyoso na nagdadala
ng mga bisita sa nakaraan. Ang kamangha-
manghang istrakturang ito ay patuloy na ginagamit ng mga kasalukuyang lokal tulad ng ginamit ng mga dating may-ari na nabuhay noong ika-18
siglo.
5.Torogan ng Marawi- Ang Ancestral House ng Maranao sultan o datu ay may isang salimbay na hugis-salakot na bubong, mga gayak
na poste, at napakalaking poste, lahat ay nagpapahayag ng mataas na katayuan.
6.Paoay Church- Ang Simbahan ng San Agustin, na karaniwang kilala bilang Paoay Church, ay nasa munisipyo ng Paoay sa Ilocos Norte.
Pahina
7.) Miag-ao Church- Ang Iglesia Miagao na kilala rin bilang Santo Tomás de Villanueva Parish Church ay isang simbahang Romano

PE
Ang Physical Activity Pyramid Guide ay nahahati sa apat na antas:
Unang Antas- ito ang pinakamababang antas ng gawaing pisikal. Maaring gawin ito ng madalas o araw-araw dahil ito ay simple lamang. Ito
ay binubuo ng mga gawain katulad ng paglalaro sa loob o labas ng bahay, paglalakad, paggawa ng mga gawaing bahay, pagpapaligo sa alagang
hayop at iba pa.
Ikalawang Antas- ay binubuo ng mga gawain na pang aerobics at recreational, nirerekomendang gawin ito ng 3-5 beses sa isang linggo.
Ang mga gawain tulad ng pagbibisekleta, pagtakbo at iba ay nakakatulong upang maehersisyo ang iyong baga at puso.
Ikatlong Antas- ay mga gawaing maaring gawin ng 2-3 beses nirerekumendang gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing maaring magpalakas
ng iyong katawan, gaya ng push-up, pull-up, pagsasayaw at iba pa. Ang mga nasabing gawain ay makapagpapabilis ng tibok ng puso ngunit
nagbibigay din ng pokus sa pagkundisyon ng iyong mga kalamnan (muscle conditioning).
Ikaapat na Antas- ang mga gawain sa tuktok ng pyramid ay maari lamang gawin ng 1 beses. Ito ay dahil ang mga ito ay itinuturing na
sedentary activities o iyong mga gawaing kung saan namamalagi lamang sa lugar ang isang bata at hindi nangangailangan ng matindi niyang
paggalaw. Ito ay binubuo ng panood ng TV, paglalaro sa computer, pag-upo nang matagal, at iba pa. Hindi nakabubuti para sa iyong kalusugan
ang madalas na paggawa ng mga gawaing nasa tuktok ng pyramid dahil kulang sa subok ang kakayahan ng iyong katawan.

Tandaan
Dapat isaalang-alang ang kalusugan ng isang batang katulad mo sa paggawa ng mga gawaing pisikal. Mahalaga na iyong suriin ang mga gawaing
dapat mong gawin sa araw-araw at iayon ito sa rekomendadung physical activities na nasa pyramid.
Maari mo itong gamiting gabay sa paggawa ng mga pisikal na gawain.
• Nakatutulong ito na malinang ang isports, laro, sayaw at pang-arawaraw na gawain sa loob ng tahanan.

• Kung ikaw ay hindi aktibo, dapat ay magsimula sa ilalim ng pyramid at unti-unting dagdagan ang gawain.

• Kung ikaw naman ay aktibo, makabubuti kung ipagpapatuloy ang mga gawaing iyo ng ginagawa o dagdagan mo pa ito.

• Hindi kailangang biglain ang iyong katawan. Pakiramdaman mo ito upang mas makatulong ang physical activities sa iyo.
Ngayong alam mo na ang Physical Activity Pyramid Guide at mga gawaing pisikal na nakapaloob dito, tayo ng subukin ang iyong
kakayahan.

HEALTH
Puberty
Ang puberty ay isang mahalagang yugto ng pagbabago ng isang nagdadalaga at nagbibinata. Walang saktong gulang
kung kailan ito mararanasan. Karamihan sa mga lalaki, kadalasang gulang ng puberty ay mula 12-14 taon at sa babae naman ay
10-12 taong gulang.

Simula ng Puberty
Ang Pituitaryo ay isang maliit na glandula sa ilalim ng utak na naglalabas ng mga likido o hormones. Ang likido o
hormones na ito ay naglalakbay mula sa lokasyon nito sa utak patungo sa mga glandulang pangkasarian o sex glands. Ang
sex glands ay dalawa: ang testis para sa lalaki at obaryo sa babae.

Ang testosterone ay ang panlalaking hormone na nagbibigay ng mga katangiang panlalaki. Ito rin ang dahilan kung
bakit nagkakaroon ng sperm at semilya na kailangan sa pagpaparami ng lahi.

Ang estrogen naman ay ang pambabaeng hormone na nagbibigay ng mga katangiang pambabae. Ito ang dahilan
kung bakit nagiging hinog ang ang mga itlog sa obaryo.

Mga Pagbabago sa Katawan ng Lalaking Nagbibinata

1. Pagkakaroon ng mga buhok sa mukha, dibdib, tiyan, kilikili, at sa paligid ng ari na minsan ay kumakalat sa hita.
2. Paglaki ng Adam’s apple. Paglaki at paglalim ng boses.
3. Paglapad at paglaki ng balikat.
4. Paglaki ng kaha ng dibdib.
5. Paglaki ng mga kalamnan.
6. Pagbabago sa ari. Ang ari ay unti-unting lumalaki at humahaba kasabay ng paghubog ng scrotum dahil sa lumalaking
testicles o testis. Ang buhok na tumutubo sa paligid ng ari ay tinatawag na pubic hair.
7. Ang karanasan tungkol sa nocturnal emission. Ito ay normal na nararanasan ng mga nagbibinata.

Mga Pagbabago sa Katawan ng Babaeng Nagdadalaga

1. Paglaki ng dibdib o ang unti-unting pagkali ng tisyu sa dibdib. Ang nipple o utong ay lumalaki rin at parang namamaga.
2. Pagbabago sa ari sa panloob at panlabas. Nagiging matambok ang panlabas at nagsisimulang gumawa ng estrogen.
3. Pagkakaroon ng buhok sa ibang bahagi ng katawan gaya ng sa kililiki at paligid ng ari.
4. Pagkakaroon ng regla. Menarche ang tawag sa unang araw ng regla. Isang tanda ng paghahanda ng isang babae sa
pagdadalang tao sa hinaharap.
5. Mga pisikal na pagbabago gaya ng lumiliit ang kalamnan sa braso, katawan, hita, at binti at malapad na balakang. Tumitinis
din at lumiliit ang boses.

Mga Pagbabago na Nararanasan ng Parehong Babae at Lalaki


1. Pagtangkad. Ito ay parehong nararansan ng dalawang kasarian na tinatawag na growth spurt.

2. Pagkakaroon ng tigyawat. Aktibo ang sweat at oil glands na labasan ng langis at pawis sa mukha at katawan na
nanabaharan ng mga naghalong dumi, pawis, at langis.

You might also like