Group Activity-Kwentonibelen

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Group Activity

Simula ng kuwento:

Papunta si Belen sa isang malayong probinsiya upang bisitahin ang kanyang lola. Naabutan siya ng
napakalakas ng ulan na sinabayan pa ng kidlat at kulog. Mag isa lang siyang naglalakad at binabagtas ang
makipot na daanan patungo sa kubo ng kanyang lola.

Nang makarating siya sa kubo ng kanyang lola, nagulat siya sa nakita. Nakita niyang malinis at maayos ang kubo
at may maliwanag na ilaw na nagmumula sa loob. Habang pinagmamasdan niya ang kubo, biglang narinig niya ang
boses ng kanyang lola na nagmamay-ari nito. "Belen! Narito na ako para iyong kasama sa paglalakbay mo!" sabi
ng lola niya.

Nang marinig niya ang boses ng kanyang lola, napangiti siya ng malaki. Nagmadaling siya pumasok sa loob ng kubo
at abot-abot ang kanyang braso para abutin ang kamay ng kanyang lola. "Lola, nandito na ako! Magkikita na
tayo sa paglalakbay natin!" sabi niya sa kanyang lola.

Ngumiti ang lola niya ng malaki at sinabi niya, "Kaya pala ang init ng aking puso, alam ko na ikaw ay darating.
Magsimula na tayo ng paglalakbay natin!" Sabay na nilang sinimulan ang paglalakbay nila sa pamamagitan ng
magandang kapaligiran na nasa paligid. Habang naglalakad sila, nakikinig sila sa mga kwento at alamat ng lola niya
tungkol sa mga bagay na nakikita nila.

Matapos Ang kuwentuhan ni lola sa aming paglalakad narating namin ang napaka gandang tanawin, na kung saan
sobrang gandang pag masdan at sariwang hangin, at biglang napa sabi si Belen na Dito muna Tayo Lola mag
pahinga at sabay tanong tungkol sa kwento ni lola, na ang alamat kung ito ba ay totoo Mula sa paniniwala ng
ating mga katutubo. Singagot Naman ito ng kanyang Lola Ang alamat ay kathang isip lamang at ito ay base sa
kwento ng mga matatanda at katutubo.

Manghang mangha si Belen sa mga kwento na narinig niya sa matanda, ang kanyang lola. At sa mga oras na
pagkwekwentuhan ng mag lola, hindi na nila namalayan na papagabi na pala. Muli nang inaya ni Belen ang kanyang
Lola para magpatuloy na lakbayin o tahakin na ang daan pababa sa narating nilang magandang tanawin. At ganun
padin, habang naglalakad ang mag lola, kwentuhan padin sila ng kwentuhan. Masayang masaya si Belen sa kwento
ng kanyang lola, hangang sa hindi inaasahang mangyayare biglang may.
Biglang may Nakasalubong na batang umiiyak si Belen at Ang kanyang Lola, tinanong naman ito ng kanyang Lola
kung ano Ang nangyari ngunit Hindi ito nagsasalita. Kaya't napag desisyunan ng kanyang Lola na isama na Lang ito
sa kanilang pag uwi, habang naglalakad Sila ay patuloy parin Ang pagkwento ng kanyang Lola na naging dahilan din
ng pagka aliw ng bata. Habang nagsasalita Ang kanyang Lola nabigla Siya ng Biglang nagsalita din Ang bata na
ikinabigla din ng kanyang Lola dahilan para matigil ito sa paglalakad at pag kwento. Tinanong ng matanda Ang
bata kung ano Ang pangalan nito at kung anong ginagawa nito sa Lugar na iyon, ngunit tumawa lang Ang bata at
nagpatuloy na sa paglalakad nito.

Biglang umihip ang malakas na hangin, nagkatinginan si Belen at Ang kanyang Lola dahil Hindi nila inaasahan ang
biglang pagkawala ng imahe ng bata. Ito ay nag dulot ng kilabot sa kanilang mag Lola at dali-daling naglakad
pabalik sa kanilang kubo. Habang nasa kanyang higaan si Belen, Hindi mawala sa kaniyang isip Ang naranasan
noong Araw na iyon. Napag isip-isip niya na siguro ay namamalikmata lamang Sila ng kaniyang Lola, ngunit kung
totoo man iyon ay nakakatakot man ngunit napaka mahiwaga ng kanilang naranasan at ito ay isang karanasang
Hindi malilimutan.

You might also like