Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

epartment of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga del Sur

Pang-araw-araw Guro: Baitang: 9


na Banghay Petsa: May 10,2023 Asignatura: Filipino
Aralin Ikaapat na Markahan,
Oras: 1:00-2:00 Markahan at Linggo: Linggo 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
B. Pamanatayan sa Nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng
Pagganap mga akdang pampanitikan ngTimog-Silangang Asya.

C. Kasanayan sa F9PN-IVa-b-56 Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang


Pampagkatuto pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa layunin ng may-
akda sa pagsulat nito at pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong
isinulat ito pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa
kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino
F9PS-IVa-b-58 Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda
sa sarili at sa nakararami
D. Mga Layunin Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere at


naisa-isa ang mga kondisyon ng lipunan noon at ngayon batay sa kaligirang
pangkasaysayan ng akda;
b. napahahalagahan ang naipamalas ni Rizal tungkol sa pagmamahal sa
bayan; at
c. nailalahad ang sariling pananaw, konklusyon at bisa ng Noli Me Tangere sa
sarili at sa nakararami
II. PAKSANG-ARALIN ?
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Pahina ng Pluma 9 Ikalawang Edisyon 449-453
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
2. Karagdagang
Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=shUlXv9-r0A
portal ng Learning https://www.youtube.com/watch?v=Oxk5tICl2oA
Resources
B. Iba pang Kagamitang Graphic Organizer, fact sheets, tarpapel, illustration board
Panturo
C. Pagpapahalaga Pagmamahal sa bayan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
i. Panalangin Multimedia https://www.youtube.com/watch?v=Oxk5tICl2oA

ii. Pagbati Magandang araw mga bata!


iii.
iv. Pagtala ng May lumiban ba ngayong araw?
Liban
(Itanong kung saan nila madalas nakikita ang larawan, at ipaliwanag ang
v. Classroom kahulugan nito)
Rules

-Stop/ tumigil o tumahimik sa pag-iingay


-Wait/maghintay kung oras ng tawagin
-Go/magsimula na sa pagpresenta ng gawain
Isagawa ang “Hulaan mo!” Sabihing may katangiang ibibigay sa mga mag-
vi. Balik-Aral aaral upang mahulaan kung sino ang tinutukoy.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga


vii. Pagganyak sumusunod:
1. Sinong bayani ang nakikita ninyong
nakaukit sa piso? Isa ba siyang
manunulat?
2. Kung ikaw ay bibili ng dalawang t-
shirt sa Gaisano Pagadian, ang pera
mo ay P500. Nakakita ka ng 250.50
bawat isa, magkano ang dalawang t-
shirt at ilan ang mabibili mo?
3. Batay sa tanong 2, gaano kahalaga ang isang piso?
4. Bilang mag-aaral o mamamayang Pilipino, ano sa tingin ninyo
ang dahilan kung bakit nasa sa piso si Rizal at hindi sa isandaan,
limandaan o isanlibo? (REASONING) (Numeracy)

Itatanong sa mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang paksang


tatalakayin na
napapatungkol
kay Rizal bilang
isang manunulat.

Paglalahad ng layunin: (Ipabasa sa lahat)


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me


Tangere at naisa-isa ang mga kondisyon ng lipunan noon at ngayon
batay sa kaligirang pangkasaysayan ng akda;
b. napahahalagahan ang naipamalas ni Rizal tungkol sa pagmamahal
sa bayan; at
c. nailalahad ang sariling pananaw, konklusyon at bisa ng Noli Me
Tangere sa sarili at sa nakararami

B. Mga Gawaing Pampa-


unlad
Bago simulan ang pagbasa ay pagtuunan muna ng pansin ang mga
1. AKTIBITI salita at kahulugan ng bawat isa nito. Ang mga salitang ito ay ginamit sa
babasahin kaya't makatutulong na alam mo na ang kasingkahulugan ng
bawat isa para sa mas malalim o mabisang pag-unawa.
1.a Paghahawan
ng Sagabal
Maglalaro ng kahon-hula sa pagtukoy ng mga salitang magkasing-
kahulugan.
- Magkakaroon ng dalawang pangkat
- Hahanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng
salitang ibinigay.
- Pipili ang nakasagot ng “Akuin ang puntos o ibigay sa kabilang
pangkat. (Maaring plus puntos o bawas puntos ang kaakibat ng
kahon.
Babasahin ng mga mag-aaral bawat tanong.

Naglakas-loob 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga


maling Sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
Kasamaan 2. Ang mga kabuktutan ng mga Espanyol ang
nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
Isiniwalat 3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong
itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Paghihirap 4. Bunga ng pang-aabuso ng mga dayuhan sa
bansa ang pagdaralita ng mga Pilipino.
Mailantad 5. Sinulat niya ang Noli Me Tangere sa paglalayong
maisiwalat ang pagmamalupit ng mga Espanyol.
1.b Pagbuo ng (Ipagamit sa pangungusap ang mga salitang binigyan ng
pangungusap kasingkahulugan) (Literacy)
gamit ang 1. Naglakas-loob
Salita 2. Kasamaan
3. Isiniwalat
4. Paghihirap
5. Mailantad

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE


2. ANALISIS Sa araling ito ay magkakaroon ka ng malalim na
kaalaman kung paano nabuo o nasulat ang nobelang Noli Me Tangere.
Malalaman mo rin mula sa araling ito ang tunay na mga dahilan kung
bakit naisatitik ang nag-aapoy na damdamin ni Rizal na gisingin ang
damdamin ng mga mamamayang Pilipino sa matagal na pagkakahimlay
nito sa mga pang-aaping ginagawa ng mga Espanyol sa bansa.
Matutunghayan din sa araling ito ang mga pinagdaanan ni Rizal, maging
ng kanyang pamilya bago niya ganap na naipalimbag ang nobela.
Tatalakayin din dito ang mga hakbang na ginawa ng pamahalaang
Espanyol upang hadlangan ang pagpapakalat at paglilimbag ng akdang
ito nang sa gayon ay hindi ito mabasa ng mga Pilipino. Makikilala mo rin
ang mga tauhan ng Noli Me Tangere at maging ang mahahalagang
papel na ginagampanan ng bawat isa.

(Ipakuha sa mga mag-aaral ang kani-kanilang kopya para sa


talakayan)
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsulat niya
ng ng nobelang Noli Me Tangere? Masasabi mo bang
nagtagumpay siya sa mga layuning ito batay sa kalagayan ng
bansa at mga Pilipino ngayon?
2. Paano naipamalas ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa bayan?
(ESP10 EsP10PB-IIIf-11.4 )
3. Batay sa iyong sariling pananaw, ano-ano kayang mga
pagpapahalaga o gintong-aral ang matutuhan mo sa Noli Me
Tangere?
Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat at ipabasa ang factsheet)
3. ABSTRAKSYON Gawain 1 : Ipapaskil sa tindahan ang mga layunin at dahilan ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere . Mayroong nakasabit sa tindahan (Hanay A) na
mga impormasyon at hahanapin sa baba ang mga dahilan at ipapaskil ito sa
tindahan (Hanay b). (Filipino10 F10PB-IVa-b-
86)
Tindahan ng Kaalaman
HANAY A
1. Ang kanyang layunin kung bakit
pinangahasan niyang gawin ang di
napangahasang gawin ng sinuman.
2. Dahilan kung bakit itinambad niya ang
pagpapaimbabaw ng balatkayong
relihiyon.
3. Dahilan ng pag-aangat ng tabing na
kumakanlong sa maling Sistema ng
pamamalakad ng mga Espanyol.
4. Dahilan kung bakit nais ni Rizal na
ipaunawa sa kanyang mga kababayan
ang kanilang mga kahinaan at
kapintasan.
5. Dahilan kung bakit ipinakilala ni Rizal
ang kaibahan ng tunay at di tunay na
relihiyon.
HANAY B
a. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.
b. Upang sagutin ang mga pninirang loob na matagal nang panahong
ikinulapol sa mga Pilipino.
c. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madayaat
nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
d. Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga
Pilipino.
e. Upang matigil ang paggamit ng banal na kasulatan bilang instrument ng
paghahasik ng kasinungalingan upang malinlang ang mga Pilipino.

(Pagkatapos maipaskil ang lahat sa tindahan, ipabasa sa mga mag-aaral ang


nabuo sa tindahan)

Gawain 2: Lagyan ng tsek at ekis ang mga kahong naglalahad ng mga


kondisyong nagamap sa panahong isinulat ni Rizal ang akdang Noli Me
Tangere. Sabihin ang patunay na umiiral o nagaganap pa ang mga kondisyong
ito sa kasaluluyang panahon sa lipunang Pilipino. (Filipino10 F10PB-IVa-b-86)

(Ipabasa lahat bago maglagay ng


tsek ang ekis sa bawat bilang,
KOLABORATIBONG GAWAIN: Ilahad ang inyong sariling pananaw,
4. PAGLALAPAT kongklusyon at maaaring maging bias ng akdang Noli Me Tangere sa iyong
sarili at maging sa buhay ng iba pang kabataan tulad mo sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gawain.
Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at pagkatapos ay pipili sila ng
pinto na nagtataglay ng kanilang nakatakadang gawain.
UNANG PANGKAT:
(pinto1) Kantahin mo!

IKALAWANG PANGKAT : (pinto2)


Isadula mo!

IKATLONG PANGKAT :
(pinto 3) Itula mo!

IKAAPAT NA PANGKAT:
(pinto 4) Buuhin mo!

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4

Nilalaman
Kaayusan
Kooperasyon
Kaagkupan
Kabuuan
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-gaanong mahusay

Paligsahan ng Natutuhan
viii. Pagpapahalaga 1. Gaano kahalaga na maipamalas ang pagmamahal sa bayan?
2. Sa inyong barangay, sino ang maituturing niyong nagpakita ng pagmamahal sa
bayan? pati sa inyong tahanan, sino sa inyong pamilya ang sa tingin ninyo ay
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
3. Batay sa inyong naobserbahan sa kanila, paano mo ito mapahalagahan bilang
isang kabataan dito sa Guipos?

ix. Paglalahat Pahayag Ko, Kumpletuhin Mo!


1. Nahinuha ko na ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng_______________.
2. Nalaman ko ang mensahe ng akda ay ______________.
3. Mapahahalagahan ko ang mensahe ng akda sa pamamagitan
ng_________________.

V. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin sng layunin o dahilan ng may-akda kung bakit niya isinulat ang Noli Me
Tangere batay sa pahayag na kanyang winika. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon
at isulat sa patlang bago ang bawat bilang. (bilang 1-5)

a. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.


b. Upang sagutin ang mga pninirang loob na matagal nang panahong ikinulapol
sa mga Pilipino.
c. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madayaat nakasisilaw na
pangako ng pamahalaan.
d. Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga
Pilipino.
e. Upang matigil ang paggamit ng banal na kasulatan bilang instrument ng
paghahsik ng kasinungalingan upang malinlang ang mga Pilipino.

__________1. Ang kanyang layunin kung bakit pinangahasan niyang gawin ang di napangahasang
gawin ng sinuman.
__________2. Dahilan kung bakit itinamabad niya ang ga pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon.
__________3. Dahilan ng pag-aangat ng tabing na kumakanlong sa maling Sistema ng pamamalakad
ng mga Espanyol.
__________4. Dahilan kung bakit nais ni Rizal na ipaunawa sa kanyang mga kababayan ang
kanilang mga kahinaan at kapintasan.
__________5. Dahilan kung bakit ipinakilala ni Rizal ang kaibahan ng tunay at di tunay na relihiyon.
___________6. Bakit nararapat na paghalagahan ang naipamalas na pagmamahal sa bayan ni Rizal?
a. Dahil ito ang dahilan kung bakit namulat ang mga Pilipino at nag-alsa sa pang-aabuso
ng mga Espanyol
b. Dahil siya ang Pambansang bayani
c. Dahil nasa aklat
d. Dahil ito ang nasa kurikulum

VI. TAKDANG-ARALIN
Pagsulat sa Journal;
Isulat sa inyong Journal ang sagot sa tanong na ito:
Sa iyong palagay, bakita kaya isinama sa kurikulum ng hayskul ang pag-aaral sa
nobelang Noli Me Tangere? Ano ang inaasahan mong matutuhan mo sa akdang ito?

MGA TALA

REPLEKSYON

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga estratihiya ng
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraning aking
nararanasan na solusyonan
sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking naidibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Ihinanda ni

You might also like