Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 2.5 Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino kapag


Nasasakdal

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang m ga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa
at pagsasabuhay ng kanyang karapatan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino
kapag nasasakdal.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino kapag
Nasasakdal
Kagamitan: mga larawan, chalk, tsart, activity cards

Sanggunian: Learner’s Material, pp. 340-341


K to 12 – AP4KPB-IVc-2
Antonio, Eleanor D., Banlaygas & Emilia L. (n.d.).
Kayamanan 6. Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan
(p.179-182). Rex Book Store
Abella, Lilia Cas L. (n.d.). Ang Pilipinas sa Makabagong
Henerasyon Grade 6. (pp. 160-163). Vicarish

36
Publication and Trading, Inc.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
● Pagbabalitaan tungkol sa mga kaganapan sa
paligid.
● Pagbibigay ng sariling kuro-kuro.

2. Balik-aral
● Pagbabalik-aral tungkol sa mga karapatang
panlipunan at pangkabuhayan ng mamamayang
Pilipino.

3. Pagganyak
● Pagpapaskil ng mga larawan sa pisara.

37
● Pagtatalakayan sa mga kuro-kuro ng mga mag-
aaral sa mga larawan.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Gawain 1 Pagbasa sa teksto, pp. 340-341 ng LM

Gawain 2 Semantic Web

Ilahad ang mga karapatan ng nasasakdal sa


pamamagitan ng Semantic Web.

Nasasakdal

2. Pagsusuri

● Ano ang tawag sa mga taong nagkasala sa batas?

● Ano-ano ang mga karapatan ng nasasakdal?

● Masasabi mo bang ang karapatan kapag


nasasakdal ay matuturing mo ring karapatang
sibil? Ipaliwanag ang iyong sagot.
● Kung ikaw ay maituturing na isang nasasakdal,
bakit kinakailangang marinig ang iyong saloobin
ukol sa kasong isinasakdal sa iyo?

● Magbigay ng dalawang karapatan kapag


nasasakdal at ipaliwanag kung bakit nararapat na

38
magkaroon ng ganitong karapatan ang bawat
mamamayang Pilipino.

● Nararapat ba na matamo ng isang mamamayang


Pilipino ang ganitong karapatan kapag
nasasakdal? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Paghahalaw

● Ano ang kahulugan ng Karapatan Kapag


Nasasakdal?

Ang karapatan kapag nasasakdal ay


isang karapatang sibil. Pinangangalagaan ng
39
karapatang sibil na ito ang nasasakdal laban sa
anumang kasalanan sa pamamagitan ng
makatarungang paglilitis. Kasama sa mga
karapatang ito ang mga sumusunod:
✓ Karapatang marinig sa hukuman
✓ Karapatang malaman ang kaso laban sa
kaniya
✓ Karapatang pumili ng magaling na
abogado
✓ Karapatan sa madalian at walang
kinikilingang paglilitis
✓ Karapatang magkaroon ng testigo
✓ Karapatang tumanggap ng sapat na
tulong
✓ Karapatang magbayad ng piyansa
upang pansamantalang makalaya
✓ Karapatan laban sa malupit at di-
makataong pagpaparusa
✓ Karapatang maituring na walang
kasalanan o inosente hanggang hindi
napapatunayan ng korte
✓ Karapatan laban sa dalawang ulit na
kaparusahan sa iisang kasalanan
✓ Karapatang makaharap ang umaakusa
at mga saksi

4. Aplikasyon

Pangkatang Gawain

Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat.

Pangkat I – Ipaliwanag ang dalawang karapatang nasa


ibaba at sabihin kung bakit nararapat na matamo ng
mamamayang Pilipino ang ganitong karapatan.

-Karapatang marinig sa hukuman


-Karapatang maituring na walang kasalanan o
inosente hanggang hindi
napapatunayan ng korte

Pangkat II - Ipaliwanag ang dalawang karapatang nasa


40
ibaba at sabihin kung bakit nararapat na matamo ng
mamamayang Pilipino ang ganitong karapatan.

-Karapatang malaman ang kaso laban sa kanila


-Karapatan laban sa malupit at di-makatarungang
pagpaparusa.

Pangkat III - Ipaliwanag ang dalawang karapatang nasa


ibaba at sabihin kung bakit nararapat na matamo ng
mamamayang Pilipino ang ganitong karapatan.

-Karapatang pumili ng magaling na abogado.


-Karapatang magbayad ng piyansa upang
pansamantalang makalaya.

Pangkat IV - Ipaliwanag ang dalawang karapatang nasa


ibaba at sabihin kung bakit nararapat na matamo ng
mamamayang Pilipino ang ganitong karapatan.

-Karapatan sa madalian at walang kinikilingang


paglilitis.
-Karapatang tumanggap ng sapat na tulong.

IV. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sinasabi ay sumusunod
sa karapatan ng nasasakdal at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot
sa
sagutang papel.

_____1. Si Rudy ay kinasuhan ng kanyang kapitbahay na


nagnakaw ng kanilang telebisyon kaya siya ay binansagan ng
magnanakaw ng buong subdibisyon kahit hindi pa ito
napatutunayan.
____2. Walang pambayad ng abogado si Alex kaya binigyan siya
ng korte ng isang abogado mula sa Public Attorney’s Office.
____3. Si jack ay pinaghahanap ng mga pulis dahil sa kasong
pagnanakaw kaya nang matagpuan siya ng mga pulis ay
pinagbubugbog siya.
____4. Si Dodong ay napagbintangang naglustay ng pera ng
opisina. Naging mabilis ang paglilitis kaya siya ay agad na
41
napawalangsala.
____5. Hindi pinayagan si Dan na magpiyansa nang siya ay ikulong
sa kasong pananakit.

V. Takdang Aralin

Basahin ang Karapatan ng mga bata sa LM p 341-342.

42

You might also like