Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 3.1 Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa
at pagsasabuhay ng kanyang karapatan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang tungkulin ng mamamayang Pilipino

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino
Kagamitan: mga larawan, diagram

Sanggunian: Learner’s Material, pp. 346-347


K to 12 – AP4KPB-IVc-2

Pelingo, Lazelle Rose & Sablaon, Ela Rose.


( ). Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 6.
(pp. 49-50). Rex Book Store, Inc.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
● Pagbabalitaan tungkol sa mga kaganapan sa
paligid.
● Pagbibigay ng sariling kuro-kuro.
48
2. Pagbabalik-aral
● Pagbabalik aral tungkol sa mga karapatan ng
mamamayang Pilipino.
3. Pagganyak
● Pagpapanood ng video ng kantang “Ako’y Isang
Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon.
www.youtube.com/watch?v=cTqCtln848g
● Talakayin ang nilalaman ng awitin matapos itong
ipapanood.
● Itanong kung ginawa nila ang ipinakikita sa video
at kung ano ang tawag dito.
● Balikan ang nakaraang pinag aralan (inaasahang
sagot ay “karapatan ng mamamayan”). Sabihin na
ang karapatan ay laging may kaakibat na
tungkulin. Kaya ang susunod nilang pag-aaralan
kay mga tungkulin ng mamamayan.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Gawain 1 Suriin ang Larawan
● Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawang nasa
ibaba at itanong kung anong napapansin nila rito.
● Hingin sa mga mag-aaral ang kanilang pananaw
kapag naririnig nila ang salitang “tungkulin”.

49
Gawain 2 Panatang Makabayan

● Ipabigkas sa mga mag-aaral ang Panatang


Makabayan pagkatapos ay talakayin ang
nilalaman nito at bigyang diin ang:

Dahil mahal ko ang Pilipinas,


Diringgin ko ang payo ng aking mga
magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng aking
paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng
mamamayang makabayan,

Gawain 3 Pagbabasa sa LM
● Pagpapabasa sa LM ng tungkulin ng
mamamayang Pilipino na mahalin ang sariling
bayan sa p. 347.

2. Pagsusuri

● Talakayin ang binasa sa pamamagitan ng mga


katanungan sa ibaba.

➢ Ano-ano ang mga tungkulin ng mga


mamamayang
Pilipino na binanggit sa binasa nyo sa
LM?
➢ Ano ang dapat nating gawin sa mga
tungkuling ito?
➢ Bakit nararapat na ipakita ang
pagpapahalaga o
pagmamahal sa bayan?
➢ May kilala ka ba na hindi naging tapat o
hindi tapat sa kanyang tungkulin bilang
mamamayang Pilipino? Ipaliwanag.
➢ Ano ang maaari mong gawin upang ito
ay malunasan?
➢ Bilang isang mag-aaral, sinusunod mo
ba ang mga alituntunin ng iyong
paaralan? Magbigay ng patunay.

50
3. Paghahalaw
● Sapamamagitan ng paghingi ng mga halimbawa
sa mga mag-aaral. Gamitin ang diagram sa ibaba.

Bilang isang mag-aaral, Paano mo


maipapakita ang pagmamahal mo
sa iyong bansa?

4. Aplikasyon

● Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod na


gawain.

Pangkat I – Mula sa inyong pagmamahal sa


sariling bayan, gumawa ng isang tula na may apat
(4) na taludtod, apat (4) na saknong at may
malayang taludturan.

Pangkat II – Ipakita ang inyong pagmamahal sa


sariling bayan sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang rap.

Pangkat III – Bilang mag-aaral, ipahayag ang


inyong pagmamahal sa inyong sariling bayan sa
pamamagitan ng dalawang islogan.

51
Pangkat IV – Magpakita ng isang frozen picture
na tumatalakay sa kung paano magmahal sa
sariling bayan ang isang mag-aaral na tulad ninyo.
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang tama kung ang sitwasyon sa bawat bilang ay


nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan at mali
naman kung hindi.

_________ 1. Si Sheena ay isang negosyante sa ibang bansa.


Kahit siya ay wala sa Pilipinas, ipinagmamalaki niya
ang kanyang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng
kanyang mga produktong yaring Pinoy.
_________2. Ang pamilya Bellido ay hindi nakakalimot na magsabit
ng makukulay na parol at maghanda ng mga pagkain
tuwing sasapit ang kapaskuhan kahit sila ay
naninirahan na sa Amerika.
_________3. Tuwing uuwi sa Pilipinas sina Kyla at Kevin ay hindi
nila nakakalimutang bumili ng pasalubong galling
Batangas.
_________4. Ayaw na ayaw bibili si Karen ng mga sapatos na yari
sa Marikina. Ang gusto raw niya ay iyong imported.
_________5. Nais ni Neri na manirahan na sa ibang bansa at
kalimutan na ang kanyang kinagisnang bayan.

V. Takdang Aralin

Basahin ang Tungkulin ng mamamayang Pilipinong Ipagtanggol


ang Bansa at Pagmamahal sa Watawat sa p. 347

52

You might also like