Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 8.2 Pagpapunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan


(Tamang Saloobin sa Paggawa)

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa
at pagsasabuhay ng kanyang karapatan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng
bansa ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan at kasanayan.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagpapunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan
(Tamang Saloobin sa Paggawa)
Kagamitan: mga larawan,

Sanggunian: Yunit 4 Aralin 8


Learner’s Material, pp. 379
K to 12 – AP4KPB-IVd-f-5
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
● Pagbabalitaan tungkol sa mga kaganapan sa
paligid.
● Pagbibigay ng sariling kuro-kuro.

121
2. Pagbabalik-aral
● Pagbabalik-aral tungkol sa Pangangalaga sa
kalusugan upang makatulong sa pagpapaunlad ng
bansa.
3. Pagganyak
● Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan sa ibaba

Source: https://www.google.com.ph/search?
q=masaya+habnag+nagtrtrabaho&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj
XgtXws5vQAhUKlJQKHRQBASsQ_AUIBigB#tbm=isch&q=a+lady+is+baking&imgrc=rE0j0wva9dJwlM
%3A

Source: https://www.google.com.ph/search?
q=masaya+habnag+nagtrtrabaho&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj
XgtXws5vQAhUKlJQKHRQBASsQ_AUIBigB#tbm=isch&q=a+boy+is+washing+dishes+&imgrc=ueyxzm
Ev0nu6dM%3A

122
Source: https://www.google.com.ph/search?
q=masaya+habnag+nagtrtrabaho&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj
XgtXws5vQAhUKlJQKHRQBASsQ_AUIBigB#tbm=isch&q=a+girl+is+washing+clothes&imgrc=ZFAgfRc
uDjxcPM%3A

● Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon ba


silang ideya sa bawat larawan.
● Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
● Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing
tanong sa ibaba.

Bakit ang pagkakaroon ng tamang saloobin sa paggawa ay nakatutulong sa pag-


unald ng bansa?

123
Gawain 1 Brainstorming

● Magsagawa ng brainstorming. Tanggapin ang


lahat ng sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2 Pagbasa sa LM

● Ipabasa ang Tamang Saloobin sa Paggawa sa LM


pahina 379.

2. Pagsusuri
● Suriin ang mga nalalaman ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga tanong sa ibaba.

*Ipaliwanag ang pagkakaroon ng tamang saloobin


sa paggawa

-Kailangang gamitin ang kakayahan ng


kusang loob at huwag ipagkait para sa
kapakanan ng nakararami. Kinakailangang
pagbutihin ang gawain.

*Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng bansa?

-Makatutulong ito sa pag-unlad ng bansa


dahil magiging produktibo ka at
magagampanan mo ng maayos ang iyong
tungkulin o trabaho.

3. Paghahalaw
● Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
kaisipang natutuhan ng mga mag-aaral.
* Bakit ang pagkakaroon ng tamang saloobin sa
paggawa ay nakatutulong sa pag-unald ng bansa?
124
-Nakatutulong sa pag-unlad ng bansa
ang pagkakaroon ng tamang saloobin sa
paggawa dahil magiging produktibo ka at
magagampanan mo ng maayos ang iyong
tungkulin o trabaho. Lahat ng bagay na iyong
gagawin nang taos sa iyong puso ay
makapagbibigay sa iyo ng kaligayahan
gayundin ng kaunlaran sa lipunan.

4. Pagtataya

Pangkatang-gawain
● Sa tulong ng iyong mga kagrupo, sumulat ng isang
tula na may apat (4) na saknong, may apat (4) na
taludtod, at may tugmang ABAB. Gamiting paksa
sa tula ang “Pagkakaroon ng Tamang Saloobin sa
Aking Gawain”.

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ( √) ang bilang kapag nagpapahayag ng
pagkakaroon ng tamang saloobin sa paggawa. Lagyan naman ng ekis (×)
kapag hindi.

1. Masayang nagwawalis si Ester sa harap ng kanilang bakuran.


2. Nakitasi si Myrna ng kanyang kaibigang si Jennifer na
nakasimangot habang nagpupunas ng mga pigyurin.
3. Nakakunot ang noo ni Ador habang nagkukumpuni ng sirang
bintilador.
4. Nananahi si Eva ng kanyang mga panindang damit habang
kumakanta.
5. Sumasayaw si Nonoy habang naghuhugas ng mga pinggan.

V. Takdang-Aralin
1. Basahin ang Maging Matalinong Mamimili sa LM pahina 379.
2. Magdala ng 5 bond paper, lapis, at mga pangkulay.

125
126

You might also like