Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Linggo / Unang Araw

I. LAYUNIN: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa.

II.
PANIMULA

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

Ano ang Pananaliksik?

Ito ay isang sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari at iba pa.

Hango sa salitang "saliksik" o ang ibig sabihin ay masusing paghahanap. Ito din ay maituturing

na isang maingat, kritikal at disiplinadong INQUIRY sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at

paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o

resolusyon nito. Ito din ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap,

pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa pagtuklas

ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksiyon at pagpapatunay sa imbensiyong nagawa ng tao.

Ayon naman kay Ordonez, et. al. (2007) ang pananaliksik ay isang pahayag na mataas na lebel

ng pagsusulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos, pag-iimbestiga,

pagsusuri, pagbibigay hinuha at sa pagtatapos ay pagbibigay kongklusyon at rekomendasyon.

Sinabi naman nila Sanchez at Sevilla (1998) na ang pagsasaliksik ay ang puspusang pagtuklas

at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman at paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa

teorya o paglutas ng isang suliranin.

Page 1 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay makakatulong sa pag-unlad sa larangan ng:

Agham at Teknolohiya

Kalakalan

Medisina

Sining

Pagkilos at pag-iisip ng tao

Maraming tao ang nagtuturing sa pananaliksik bilang isang mahirap na gawain subalit

mapatutunayan mong mapadadali at mapagagaan ang pagbuo nito kung patuloy kang

magsasanay. Maging ang mga taong mahuhusay at bihasa na sa gawaing ito ay nagsimula rin

sa unti-unting pagkatuto. Kakailanganin mo ng ibayong sipag, pagsasanay, at kagustuhang

matuto mula sa mga naunang pagkakamali at marahil, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang

pagiging matiyaga upang maging matagumpay sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

III. Mga Gawain:

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa isang impormal na sarbey. Bilugan ang iyong sagot.k

1. Kailan ka huling pumunta sa aklatan ng inyong paaralan upang manghiram ng aklat o


magbasa ng anumang aklat na naroroon?

Kahapon Sa kasalukuyang linggo

Noong isang buwan Noong isang taon

2. Ano ang ginawa mo sa aklatan nang magpunta ka roon?

Nagbasa o nanghiram ng aklat, magasin, o diyaryo


Nakipagkita sa kaibigan
Natulog
Gumamit ng Internet

3. Ilang aklat ang nababasa mo sa loob ng isang taon?

1-3 6-9
4-5 10 o higit pa

Page 2 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

4. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabasa mo mula sa inyong aklatan?

5. Tungkol saan ang aklat na ito?

6. Ilang oras ang nauubos mo sa Internet araw-araw para sa mga bagay na walang kaugnayan
sa mga gawain mo sa paaralan?

0-1 4-6
2-3 7 o higit pa

7. Kailan ka huling gumamit ng Internet, hindi upang mag-log-in sa Facebook, Instagram,


Twitter, o maglaro ng video games kundi upang maghanap ng impormasyon o magsaliksik
tungkol sa isang paksa?

8. Para sa aling asignatura ang pananaliksik na ginawa mo?

9. Sa iyong palagay, handa ka na bang manaliksik at bumuo ng isang sulating pananalik?


Maglahad ng mga paliwanag sa iyong sagot.

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat sa linya ang
sa linya ang salitang TAMA at ang MALI kung hindi wasto ang pahayag.

____________1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay ng


direksiyon sa pagsasaayos ng mga ideya at sa pagsulat.

____________2. Borador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro.

____________3. "Hawig" ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga
pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

____________4. IIsa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating


pananaliksik.

____________5. Isa sa mahahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng sulating


pananaliksik ay ang pagpili ng paksang magiging interesado at kakayanin ng susulat.

____________6. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng mga


ginamit na sanggunian sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.

____________7. Kapag gumamit ang manunulat ng "tuwirang sinipi" sa pangangalap ng tala ay


pinaiikli lamang niya ang bersiyon ng isang mas mahabang tekso.

____________8. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang pagsulat.

____________9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay


na introduksiyon at katawan subalit hindi na mahalaga ang kongklusyon.

Page 3 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

____________10. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang


mambabasa ng isusulat.

IV. Paglalahat

TANDAAN

Ngayo’y nasa Grade 11 ka na at malapit nang tumuntong sa kolehiyo. Kaya naman mahalagang
mahasa pang lalo ang kakayahan mo sa pananaliksik at pagsulat ng sulating pananaliksik na
inaasahan sa iyo sa pagtatapos ng yunit na ito. Ito rin ay bilang paghahanda sa higit pang
maraming kaugnay na gawain sa susunod na mga antas ng pag-aaral. Katunayan, sa susunod
na semester ng Grade 11 ay isang pananaliksik tungkol sa napapanahong paksa ang
inaasahang mabubuo mo. Hindi lang habang nag-aaral ka mahalaga ang kakayahang ito
sapagkat maraming trabaho at lahat halos ng negosyo ay nangangailangan ng pananaliksik.

V. Pagtataya
Panuto: Basahin ang abstrak ng pananaliksik at ipaliwanag ang sagot batay sa pagbibigay ng
maikling paliwanag ukol sa pagkakagamit ng nasabing pananaw at posibleng ambag ng
pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.

Abstrak

Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang pagpasok sa


ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce, e-Government,
knowledge-based society, knowledge-based economy, information society, paperless society,
information economy, attention economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Sa panig ng
akademya, nagresulta ang ICT ng pagbabago maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa
wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang
isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University (UPOU). Mula sa personal na danas ng
mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa Open and Distance Learning
(ODL), sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino kaugnay
ng mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing paraan
ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang kabuuang sistema
(ODL) at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-
aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU Kaalinsabay ng inaasahang katangian ng
isang ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang
akademiko sa distance education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang
epektibong pagbubuo ng mga gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino
sa ODL at ang paggamit ng software na Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito ay
mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang sistemang ODL bilang lunan ng
pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.

"E-Filipino: Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Wikang Filipino sa Sistemang Open and
Distancce Learning"
Jayson D. Petras, DALUMATE E-Journal, Vol. 3, (2012)

Page 4 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pananaw ng Pananaliksik:

Paliwanag:

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 5 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Linggo / Ikalawang Araw

I. LAYUNIN: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa.

II.
PANIMULA

KATANGIAN AT LAYUNIN NG PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK

Katangian ng Pananaliksik?
Ang pananaliksik tulad ng nabanggit na ay isang kursong akademiko at nangangailangan ng
ibayong paghahanda upang maisagawa nang maayos, sistematiko at epektibo ang hinaharap
na kalutasan sa isang suliranin o paksa. Upang maisakatuparan ang hangaring ito, ang
pananaliksik ay kinakailangang:

Obhektibo – ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta-bastang pinag-sasama-samang


mga binuod na akda o pinagdugtong-dugtong na pahayag mula sa nakalap na impormasyon.

Mayaman sa mga ginagamit na datos – hindi kailangang makontento sa isa o dalawang


sanggunian. Bigyang kasiyahan ang gawang pananaliksik sa tulong ng mga n agpapan aligang
mga impormasyon.

Angkop na pamamaraan o metodolohiya – ang tagumpay ng isang pananaliksik ay


nakasalalay sa ginagamit na pamamaraan o metodolohiya. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ang
partikular na instrumenting ginamit na makatutulong sa ikahuhusay sa sulating pananaliksik.

Dokumento – ang mga patotoo at ang validiti ng sulating pananaliksik ay nakasalalay sa mga
ihaharap na materyales bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

Sumusunod sa tamang proseso ng pagsulat – ang sistematikong pananaliksik ay dumaraan


sa masalimuot na yugto ng pagsulat.

Page 6 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Masuri o Kritikal – magiging balido lamang ang isang pananaliksik kung ang mga inilahad na
ideya ay mapapanaligan at mapapatotohanan sa tulong ng mga ginamit na mga datos.

Layunin ng Pananaliksik

Sa tulong ng mga gawaing pananaliksik, higit na lumalawak ang kakayahan at kasanayan ng


tao upang magamit ang kanyang mga natutuhan sa isang makabuluhang pag-aaral. Higit sa
anupaman, ang gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa mga mag-aaral na:

1. makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon


2. makapagbigay ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dati nang ideya.
3. makapaglinaw sa isang usapin o isyung pin agtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang
solusyon sa problema.
4. makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang material o
dokumento hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw at
5. makapagbigay ng mga ideya o suhestiyon batay sa historikal na perspektibo para sa isang
pangyayari o senaryo.

Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain. Hindi ito kailangang mahadlangan ng anumang
wikang magpapahina sa hangaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at kamalayan ng
sangkatauhan. Subalit anumang gawain ay laging may kaakibat na tungkulin at responsibilidad.
May mga pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng
mananaliksik. Ito ay ang pagkamatiyaga, pagkamaparaan, pagkamasistema sa gawain,
pagkamaingat, pagkamapanuri o kritikal, pagkamatapat, at maging responsable.

Gayunpaman, nabibigyan ito ng kabuluhan, kulay at buhay kung naiaangkop sa pekulyaridad at


mga kultura, at ng mga sosyal at heograpikal, ekonomiko, ideyolohikal at sikolohikal na
katangian ng bansang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Dito naitatag ang tinatawag ng
oryentasyon sa pananaliksik. Sa kaso ng ating bansa, na dumaan sa maraming kolonisasyon at
mga pagbabago sa kultura, heograpiya, ekonomiya at maging sa sikolohiya, mah ahalaga pa
ring igiit ang pagkakaroon ng isang oryentasyong katutubo-isang oryentasyong Pilipino-lalo na
sa larangan ng pananaliksik.

III. Mga Gawain:


Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Suriin kung buo ang ideya nito:
Isulat ang tsek ( ∕ ) kung Oo at kung Hindi naman buo ang ideya, isulat ang ekis ( x ).

1. Sa pag-aaral na isinagawa at natapos ito.

Page 7 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2. Kultura ang humuhubog sa isang lipunan kaya’t dapat na pahalagahan ito.

3. Isa sa tiyak na layunin ng pag-aaral na patunayan ang implikasyon ng kultura sa isang


lipunan.

4. Bunga ng pag-aaral doon nabuo ang kongklusyon.

5. Isang rekomendasyon ng pag-aaral na gawin pang mas malawak ang nasabing pag-aaral.

6. Ito ang gagawan ng pag-aaral sapagkat marami nang pag-aaral tungkol dito.

7. Mahalagang itala na ang mga sanggunian upang hindi na makaabala sa pag-aaral.

8. Sa suliraning gagawan ng pag-aaral, dapat na lutasin o alamin ang mga dapat gawin upang
malutas ito o mabigyan ng angkop na rekomendasyon.

9. Ginamit ang pamaraang palarawan sa pananaliksik na sisikaping magiging komprehensibo


rin ang kalalabasan.

10. Sa interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, maaaring gumamit ng grap, tsart, at iba pa


na malaking tulong sa pagpapakahulugan ng mga datos.

Gawain 2

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng pangungusap na


maaaring gamitin sa pananaliksik. Tiyaking magkaugnay ang mga ideya. Maaaring gawing
batayan sa paksa ang penomenang kultural at panlipunan ng isang lugar sa bansa.

1. Layon ng aking pananaliksik na

2. Isa sa tiyak na layunin ng aking pananaliksik

3. Nakapaloob sa rasyunal ng aking pag-aaral kung bakit ang penomenang kultural at


panlipunan ng lugar na

4. Gagamit ako ng panayam sa mga eksperto upang

5. Gagamit din ng talatanungan sa pangangalap ko ng aking datos na

Page 8 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

IV. Paglalahat:

TANDAAN

Ano mang pananaliksik ay isang pagtatangkang tumuklas ng isang bagong bagay o kaalaman
sa pamamagitan ng masinop at sistematikong proseso ng pagbuo nito. Hindi lubusang
maisakatuparan ang anomang siyentipiko at emperikal na proseso sa pagsasaliksik nang hindi
nalilinang ang mga preliminaryong kasanayan na inaasahan sa pagsasakatuparan nito.
Sinasabing ang mabisang pananaliksik ay nakabatay sa makabuluhang suliranin n a tin atawag
na gap. Ang pagpapasya sa kritikal na isyu o gap ng pananaliksik ang pangunahing kailangang
isaisip ng mananaliksik sa pormulasyon ng pipiling paksa, pagbuo ng pahayag na tesis, at
gabay sa pagbabalangkas.

Sa larangan ng agham panlipunan, halimbawa, inaasahan ang isang gap ng pananaliksik na


nagpapalawig at humahamon sa pangkasalukuyang kaalaman, teorya, o mga palagay.
Makatutulong din ang gap ng pananaliksik sa paglilinaw ng tiyak na konteksto ng paksa at
makapagsasagawa ng pagtataya ukol sa mahahalagang ambag sa binabalak na pag-aaral at
kaibahan nito sa mga naunang naisagawa na. Sa madaling salita, ang gap at isyung
pampananaliksik ang magsisilbing punong katuwiran at argumento sa kabuuang latag ng
pananaliksik.

V. Pagtataya
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon, tukuyin kung ano ang maaaring nilabag
na tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.

1. Si Don ay anak-mayaman, lahat ng kanyang mga proyekto ay pinagagawa niya sa iba at


binabayaran na lamang niya. May pagkakataon na bumili na lamang siya ng mga yarin g tesis o
term paper sa Recto, Ano ang nilabag ni Don na tungkulin at responsibilidad ng isang
mananaliksik?

2. Matalinong estudyante si Kim, palabasa at laman ng silid-aklatan. Subalit, sa tuwing


magpapasahan nan g sulating pananaliksik ay lagi siyang nahuhuli sa pagsusumite. Ano ang
problema ni Kim bilang isang mananaliksik?

Page 9 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

3. Sa tuwing magreresearch si Nikki umuubos siya ng maraming oras sa silid-akalatan. Halos


ang buong laman ng aklat ay kanyang naisusulat sa kanyang kwaderno. Makailang ulit na rin
siyang bumili ng bolpen at nowtbuk. Ano ang kulang kay Nikki?

4. Nang ipasa ni Pat ang kanyang sulating pananaliksik, maraming mali sa inilahad na mga
datos. Hindi nagtutugma ang ginawang mga tala sa ibinibigay na interpretasyon. Bakit
nagkaganoon ang kanyang gawa?

5. Hindi inakala ni Bb. Santiago na walang maghahabol sa ginawa niyang sulating pananaliksik
nang walang paalam ni dokumentasyon sa kinuhang artikulo. Anong tungkulin o responsibilidad
ang nalimutan ni Bb. Santiago?

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 10 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Linggo / Ikatlong Araw

I. LAYUNIN : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa.

II.
PANIMULA

URI AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensya at aktuwal na


mga datos. Ito’y nailalarawan, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon ng
hipotesis sa panukalang tesis o larawan, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon
ng hipotesis sa panukalang tesis o disertasyon na isang trabahong siyentipiko. Kung kaya ito
ang uri ng pananaliksik na tumutukoy sa sistematikong kalipunan ng mga metodo o
pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang
pananaliksik. Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak at lumalalim ang karanasan n g tao,
hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya, kundi sa lipunang nagsisilbing
konteksto ng kaniyang pananaliksik. Magkakaroon ng pagkakataong makasalamuha ang kapwa
at nakikita ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti. Ang pananaliksik ay lalong mailalatag an g
halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran
nito.

URI NG PANANALIKSIK
Empirikal o Mala-siyentipiko – nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensya
at aktuwal na mga datos. Ito’y nailalarawan, n aihahambing, at natutuos upang Makita ang
relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o disertasyon na isang trabahong siyentipiko.

Applied Research – gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kongklusyon at estadistika.


Karaniwang ito’y bunga ng madaling pagsasagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang
mahusay na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksiyon na
nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng adbertisment. Ang mabisang
resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling sampling.

Page 11 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pure Research – ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isan g
bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng
mananaliksik.

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Palarawan (Descriptive Method)


Ito’y disensyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni
Best (1963) na ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at
nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon
ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong nagaganap, mga
epektibong nararamdaman, o mga kalakarang nalinang.

Uri ng Palarawang Paraan

Pag-aaral ng Kaso (Case Study)


Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na
panahon.

Sarbey
Ang sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari.

Mga Pag-aaral na Debelopmental


Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon
tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Mga Pagsubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)


Ginagamit ito kung ibig na masubaybayan ang isang tiyak na prediksiyon. Ang pasubaybay na
pag-aaral ay kailangan kung ibig tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)


Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
nakasulat na record at mga dokumento upang malutas ang suliranin.

Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)


Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasibility study.
Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlation Studies)


Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo para alamin ang iba’t ibang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

B. Eksperimental na Paraan
Sinabi ni Gay (1976), na ito ang pamaraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa
palagay o hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.
Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na
pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hipotesis.

Page 12 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Mga Hakbang sa Pananaliksik

Pagpili at Paglilimita ng Paksa Pagbuo ng Konseptong Papel


Pagbuo ng Balangkas Paggamit ng Iba’t Ibang Sistema ng
Dokumentasyon
Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Pagsulat ng Burador
Datos
Pagsulat ng Pinal na Sipi

III. Mga Gawain:

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bumuo ka ng payo para sa isang kaibigang marami ring agam-agam sa kakayahan niyang
bumuo ng sulating pananaliksik. Kumbinsihin mo siyang kaya niya itong gawin.

Rubrik sa pagtasa ng sulatin

Paggamit ng angkop na salita - 5 puntos

Pagkakabuo ng sulatin - 5 puntos

Tama ang baybay ng mga salita, mga bantas, at kapitalisasyon - 5 puntos


______________
Kabuuan - 15 puntos

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Bakit mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa pananaliksik at sa pagsulat


ng sulating pananaliksik?

2. Bakit nahihirapan ang ibang mag-aaral sa pagbuo ng isang sulating pananaliksik?

3. Ano ano ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang mas maging madali ang gawaing ito sa
kanila?

Page 13 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

4. Bakit mahalagang maging interesado ka sa paksang iyong susulatin?

5. Ano ano ang mga tanong na nararapat mong itanong sa iyong sarili bago ka magpasiya sa
paksang susulatin?

6. Bakit mahalagang malinaw sa iyo ang layunin ng iyong gagawin at batid mo kung sino ang
iyong magiging mga mambabasa?

7. Bakit mahalagang maiangkop ang susulatin sa uri ng iyong magiging mga mambabasa?

8. Alin-aling sanggunian ang mga gagamitin mo para sa pagsulat?

9. Bakit mahalagang matiyak mo muna kung maayos, tama, kumpleto, at beripikado ang
impormasyong isasama mo sa bubuoing sulating pananaliksik?

10. Ano ano ang maaaring gawin upang higit na maging organisado ang pangangalap ng tala o
note taking?

IV. Paglalahat

TANDAAN

Marami ng patunay na sa tulong nang malawakang pananaliksik, nagkakaroon ng kabuluhan


ang maraming bagay sa mundo. Lumago ang kabuhayan, kalakalan at mga institusyong may
kaugnayan sa pamumuhay ng tao. Bumilis ang takbo ng buhay. Nagkaroon ng malawak at
walang patumanggang paggamit ng makabagong kasan gkapan sa komunikasyon gaya ng
telepono, cellphone, fax machine at computer na nagpabilis at nagpalapit sa ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa.

May mga teoryang hindi angkop sa atin ngunit pinipilit na iangkop sa ating mga kaisipan.
Halimbawa, sa larangan ng teoryang pampanitikan, ang teoryang klasikal ay hindi angkop na
gamitin sa panitikang Pilipino dahil hindi naman tayo dumaan sa panahong medyebal o klasikal.
Mayroon namang angkop na gamitin gaya ng teoryang post-colonial sa panitikan dahil du maan
tayo sa yugto ng kolonyalismo gayunman, may mga hindi sumasang-ayon sa kaangkupan ng
teoryang ito sa atin dahil hindi pa raw tayo nakakaalpas sa kolonyalismo. Dapat mong suriin ang
inaakala mong angkop na paraan ng pagsusuri at interpretasyon para maging makabuluhan ang
iyong pananaliksik.

Page 14 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

V. Pagtataya

Panuto: Isulat ang sintesis ng aralin.

Dapat kong malaman ang tungkol sa mga

Dapat kong maunawaan ang tungkol sa

Dapat kong maisagawa ang

Rubrik sa pagtasa ng sintesis

Paggamit ng angkop na salita - 5 puntos

Lalim ng sintesis - 5 puntos

Tama ang baybay ng mga salita, mga bantas, at kapitalisasyon - 5 puntos


______________
Kabuuan - 15 puntos

Inihandi ni:

G. John Ross E. Ignacio


Master Teacher II
PCEHS

Page 15 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Linggo / Ika-apat na Araw

I. LAYUNIN : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa.

II.
PANIMULA

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

ANO ANG MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


Ito ang mga nagbibigay sa mga prosesong dapat gawin sa iyong mga pananaliksik.
Napakahalaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa iba’t ibang uri ng tao.
Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t
ibang larangan. Ginagamit ang pananaliksik upang:

1. Maging solusyon sa suliranin.


2. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto, at impormasyon.
3. Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay.
4. Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral.
5. Mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


KABANATA I
(Suliranin at Kaligiran)

Rasyunal – dito malalaman ang sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang paksang
inaaralan at bakit ito pinag-aaralan.

Paglalahad ng Suliranin – dito nakalagay ang sanhi o layunin ng paksang inaaralan sa anyong
patanong. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan n g tatlo o h igit
pang mga tiyak na layunin.

Page 16 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kahalagahan ng Talakay – dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na
ginagamit sa pananaliksik.

Batayang Konseptuwal – dito nakalagay ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral – dito nakasaad ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.

KABANATA II
(Metodo ng Pananaliksik)
Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik.

Respondente – dito inilalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang


kwestyoner.

Instrumento ng Pananaliksik – dito nakikita ang mga ginamit na instrument sa pag survey sa
mga respondent katulad ng "question naire".

Tritment ng mga Datos – nakalagay dito ang simpleng statistik ng mga nakuhang datos galin g
sa respondente.

KABANATA III
(Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos)
Pagsusuri – ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanag ng
kinalabasan ng pinag-aralan.

Interpretasyon – sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito


ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik.

Paliwanag / Pagsusuri – dito nakalagay ang paliwanag batay sa interpretasyon ng datos na


nakuha sa pananaliksik.

KABANATA IV
(Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik)
Dito inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging kasagutan sa bawat suliranin o tanong o
layunin na iyong binigay sa simula ng pananaliksik.

Page 17 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Paglalahad ng Suliranin – ito ay isang importanteng bahagi ng pananaliksik. Bukod dito, ang
bahaging ito ang nagbibigay ng sentro o pokus sa isang pag-aaral. Ito ay naglalarawan sa isan g
issue na kasalukuyang nangyayaring isyu na dapat matugunan sa pamamagitan ng
pananaliksik. Inilalahad din sa bahaging ito ang suliraning nais bigyan ng mahalagang poku s sa
suliranin. Dito rin nakikita ang mga suliranin sa pamamagitan ng anyong patanong. Ang
paglalahad ng suliranin ay ang pinakasentro ng pananaliksik. Dito nagsisimula ang lahat ng
mga katanungan na dapat masagot sa kabanata apat ng pananaliksik.

Halimbawa:
PAMAGAT: BAON NG MGA MAG-AARAL AT KANILANG GRADO
1. Ano ang naglalarawan sa grado ng mga mag-aaral?
2. Ano ang naglalarawan sa baon ng mag-aaral?
3. Ano ang koneksyon ng baon at grado sa kanilang pag-aaral?

Paglalahad at Pagpapakahulugan – sa bahaging ito isinusulat ang kinalabasan ng pag-aaral.


Sa kabanatang ito ay inilahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

KABANATA V
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom - sa bahaging ito isinusulat ang lagom ng pag-aaral ng konklusyon mula sa lagom at
rekomendasyon mula sa mabuting konklusyon.

Konklusyon – mga hinuha, interpretasyon o mga paglalahat batay sa mga napatunayan.

Rekomendasyon – maaaring magmungkahi ng pagpapatuloy sa dati nang naisagawang pag-


aaral.

III. Mga Gawain:


Gawain 1
Panuto: Pumili ng isang paksa mula sa anumang rehiyon sa bansa na magpapakita ng
penomenang kultural at panlipunan n gating bansa. Isulat ang mga hakbang sa gagawin sa
panimulang pananaliksik. Itala rin ang mga dapat gawin sa baat hakbang na magiging gabay sa
panimulang pananaliksik. 15 PUNTOS

Page 18 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

1. Paksa
2. Hakbang sa Pananaliksik

Magkaroon ng sariling pagtataya sa ginawang pagpili ng paksa na gagamitin sa panimulang


pananaliksik gayundin ang mga hakbang na gagawin para sa nasabing pananaliksik.

Kraytirya Oo Hindi
Naging tiyak ba ako sa pagpili ng paksang gagamitin sa pananaliksik?
Nagkaroon ba ako ng batayan sa piniling paksa?
Nagplano ba muna ako bago isapinal ang paksang gagamitin sa
pananaliksik?
Gumawa ba ako ng hakbang na gagamitin kong gabay sa
pananaliksik?
Naging maayos ba ang aking mga hakbang na ginawa?

Gawain 2

Panuto: Ang sumusunod ay ilang dapat tandaan sa pagsasagawa ng interbyu. Piliin sa kahon
ang pupuno sa patlang ng mga pahayag. Matapos mapunan ang mga patlang, ayusin ang mga
ito sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng interbyu.

Identipikasyon magbayad digital recorder


tungkulin at karapatan magpakilala petsa at lugar
epektibong pagtatanong paksa maghanda
kaligiran at layunin sulatan tanong
transkripsiyon dumating magpasalamat

1. Magsaliksik tungkol sa _______________ at taong iinterbyuhin.


2. Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng _______________ .
3. Makipag-ugnayan sa kakapanayamin at itakda ang _______________ ng interbyu.
4. Lagyan ng wastong _______________ ang tape o digital file na ginamit sa interbyu.
5. _______________ ng mga gabay na tanong.
6. _______________ sa iinterbyuhin.
7. Gawan ng _______________ ang interbyu, kasama ang anotasyon, line number, at code.
8. _______________ sa ininterbyu para sa kaniyang pagpapaunlak.
9. Talakayin sa iinterbyuhin ang _______________ ng interbyu.
10. _______________ sa itinakdang petsa at lugar ng interbyu.

Page 19 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W7-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

IV. Paglalahat:

Tandaan

Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso ng


pagsasagawa ng pananaliksik. Makatutulong sa kaniya kung sa unang bahagi pa lamang ng
pananaliksik ay makabuo na siya ng plano sa tatakbuhan ng buong pag-aaral tungo sa
pagsagot ng tanong sa pananaliksik.

Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na


pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik.Kinakailangan
din na may lubos na kaalaman sa paksa at may malawak na talasalitaan at wastong gamit ng
wika. Pawang katotohanan lamang ang mga datos ang dapat isinusulat at walang pagkiling,
makaagham ang proseso, mapapabuti ang buhay ng tao sa kaniyang ginagawang pananaliksik,
at napapagaan ang mabibigat na gawain.

IV. Pagtataya
Panuto: Maglahad ng sariling patotoo na ang pananaliksik ay nagbubunga ng mas malawak na
kaalaman at kapakinabangan. 10 PUNTOS

Pananaliksik
Kaalaman Kapakinabangan

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


Master Teacher II
PCEHS

Page 20 of 20

You might also like