Grade 1 Maiikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 62

1

ANG MGA BATA

Ang mga bata ay nasa sapa. May dalang banga at


tasa ang mga bata. Kasama pa ng mga bata ang mga
alaga. Masasaya ang mga bata at ang mga alaga nila na
nagtampisaw sa sapa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nasa sapa?
2. Ano ang dala ng mga bata?
3. Ano ang ginawa ng mga bata sa sapa?
Sagutang papel

1
2

ANG SAWA

May sawa sa kawa. Mula sa lawa ang sawa. Dalawa


ang sawa sa kawa. Aba, oo nga dalawa ang sawa sa
kawa. Nawala ang isang sawa. Nasa mama pala ang
sawa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang nasa kawa?
2. Ilan ang sawa sa kawa?
3. Nasaan ang sawa?
4. Kanino ang sawa?

2
3

ANG MAYA

Ang maya ay kay Aya. Masaya si Aya. Si Aya ay


may yaya. Masaya ang yaya ni Aya. Kay saya ni Aya na
makita ang maya na malaya.
Sagutin ang mga tanong.
1. Kanino ang maya?
2. Ano ang mayroon si Aya?
3. Bakit masaya si Aya?

3
4

ANG KUBO

Nakatira si Lito sa kubo. Ang kubo ay nasa tabi ng


puno. Maraming sanga ang puno. Maraming bunga ang
sanga. Ang ama ni Lito ay si Mang Bino. Ang ina ni Lito
ay si Aling Dina. Sila ay nasa kubo. Masaya sila sa
kubo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Saan nakatira si Lito?
2. Ano ang katabi ng kubo?
3. Sino ang kasama ni Lito sa kubo?

4
5

SI LINA

Si Lina ay kalaro ni Lita. Kasama nila si Bantay. Si


Bantay ay isang aso. Ang asong mabait. Si Lina ay may
manika. Nawala ang manika. Nakita ito ni Bantay.
Masayang naglaro sila Lina at Lita.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kalaro ni Lina?
2. Ano ang alaga ni Lina?
3. Ano ang nangyari sa manika?
4. Sino ang nakakita sa manika?

5
6

UMALIS ANG NANAY

Sabado noon. Nagbihis ang nanay. Kinuha niya ang


basket. Bumaba siya ng bahay. Sumakay siya ng dyip
papunta sa palengke. Bumili si nanay ng mga prutas at
gulay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang umalis?
2. Ano ang kinuha ni nanay?
3. Ano ang sinakyan ni nanay?
4. Saan nagpunta si nanay?

6
7

Sagutang papel.

7
8

BAG NA ABAKA

May regalo si Nita. Ang regalo ay nasa kahon.


Binuksan ni Nita ang kahon. May laman itong bag. Yari
ito sa abaka at yantok.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may regalo?
2. Saan nakalagay ang regalo?
3. Ano ang laman ng kahon?
4. Saan yari ang bag?

8
9

Sagutang papel.

9
10

NAGMAMADALI

Nagmamadali si Nilo. Bumaba siya ng hagdan. May


balat ng saging dito sa hagdan. Hindi ito nakita ni Nilo.
Bigla siyang sumigaw at umiyak.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nagmamadali?
2. Saan siya bumaba?
3. Ano ang nasa hagdan?
4. Ano ang nangyari kay Nilo?

10
11

ANG MAG-AARAL

Binuksan ni Arding ang kanyang bag.


Kumuha siya ng kuwaderno.
Kumuha siya ng lapis.
Binuklat niya ang isang aklat.
Ginawa ni Arding ang kanyang
takdang-aralin.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang kinuha ni Arding?
2. Ano ang binuklat ni Arding?
3. Sino ang gumagawa ng takdang-aralin

11
12

4. NAPULOT ANG AKLAT

Rises noon. Naglalaro ang mga bata. Nakapulot ng


aklat si Raul. Wala itong pangalan. Dinala niya ito sa
guro.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata?
2. Sino ang nakapulot ng aklat?
3. Ano ang ginawa niya sa aklat?

12
13

SI ALING ANA

Pinili ni Aling Ana ang mga damit. Kinuha niya ang


sabon. Kinuha niya ang batya. Kinuha din niya ang
palanggana. Nagpunta siya sa ilog. Kasama ng ibang
mga ale, si Aling Ana ay naglaba sa ilog.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang namili ng mga damit?
2. Ano-ano ang kinuha ni Alin Ana?
3. Saan siya nagpunta?
4. Ano ang ginawa niya sa ilog?

13
14

NAPAGOD SILA

Takbo nang takbo ang mga bata. Naghahabulan sila.


Mayamaya, tumigil sila. Pumunta sila sa lilim ng puno.
Namahinga sila at nahiga sa damuhan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang takbo ng takbo?
2. Ano ang kanilang ginawa?
3. Saan sila pumunta?
4. Ano ang ginawa nia sa damuhan?

14
15

ANG BANDILA

Nagmamadali si Celso. Baka mahuli siya sa


paaralan. Magagalit ang guro niya. Itinataas na ang
bandila nang dumating siya. Huminto si Celso bilang
paggalang sa pagtataas ng bandila.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nagmamadali?
2. Ano ang itinataas nang siya ay dumating?
3. Ano ang ginawa ni Celso?
4. Tama ba ang kanyang ginawa?

15
16

DUMATING ANG TATAY

Naghahabulan ang mga bata. Dumating ang tatay


galing sa trabaho. Pagod na pagod siya. Sinalubong siya
ng mga bata. Napangiti ang tatay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata?
2. Sino ang dumating?
3. Saan galing ang tatay?
4. Ano ang ginawa ng mga bata?

16
17

ANG BUTO

Kumakain ng santol si Mila. Matamis ang santol.


Tinipon niya ang mga buto. Ibinaon niya ito. Dinilig ng
ulan ang lupa. Makalipas ang ilang araw, may tumubong
maliit na halaman mula sa binaon na buto ni Mila.
Tuwang-tuwa si Mila nang makita niya ang mga ito.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kumakain?
2. Ano ang kinakain ni Mila?
3. Ano ang ginawa niya sa mga buto?
4. Tumubo ba ang mga buto?
5. Ano ang naramdaman ni Mila?

17
18

UMAGA NA!

Madilim-dilim pa. “Tiktalaok!” ang sabi ng manok.


Nagising si Aling Anita. Tumayo sa higaan. Pumunta
siya sa kusina. Nagluto ng almusal si Aling Anita.
Ginising na rin niya ang kanyang mga anak na sina Ada
at Alan. Bumangon na rin si Mang Kardo. Sabay-sabay
silang kumain ng agahan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang naunang nagising?
2. Saan siya nagpunta?
3. Ano ang kaniyang ginawa?
4. Sino-sino ang kanyang mga ginising?
5. Ano ang kanilang ginawa?

18
19

SI MELO AT ANG INAHIN

Sumilip si Melo sa pugad. May inahin sa pugad.


Nakaupo ito. “Putak-putak,”ang sigaw ng inahin.
Tumayo ito at lumipad. May nakitang maputi si Melo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang sumilip sa pugad?
2. Ano ang mayroon sa pugad?
3. Ano ang sinisigaw ng inahin?
4. Ano ang nakita ni Melo?

19
20

NAGLINIS SI RENE

Naglilinis si Rene. Natabig niya ang plorera.


Bumagsak ito sa sahig. Narinig ng kanyang nanay ang
ingay. Pinuntahan siya nito at nakita ang nabasag na
plorera.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang naglilinis?
2. Ano ang kanyang natabig?
3. Sino ang nakarinig ng ingay?
4. Ano ang nangyari sa plorera?

20
21

SA HALAMANAN

Nasa halamanan si Marina. Nasa halamanan rin si


Ligaya. Namimitas sila ng rosas. Maya-maya
nagtakbuhan sila. Buzz..Buzz..Buzz..Buzz. Pumasok sila
sa bahay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino-sino ang nasa halamanan?
2. Ano ang kanilang pinipitas?
3. Ano ang kanilang nakita?
4. Saan sila pumasok?
Sagutang papel.

21
22

NASAAN SI MELBA

Nakahiga si Melba at dumaraing. May tapal ang


kanyang noo. May pumasok na babae sa silid. Nakasuot
ito ng puti. May dala-dala itong bote at baso ng tubig.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nakahiga?
2. Ano ang nasa noo ni Melba?
3. Ano ang suot ng babaeng pumasok sa silid?
4. Ano ang dala ng babae?
5. Nasaan si Melba?
ANO KAYA ANG NANGYARI

22
23

Natutulog ang Nanay isang tanghali. Naglalaro ang


mga bata. Maya maya may bumagsak. Krass! Biglang
tumahimik ang mga bata. Lumabas ang nanay na may
hawak na tsinelas.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang natutulog?
2. Ano ang ginagawa ng mga bata?
3. Ano ang hawak ng nanay?
4. Sa palagay mo, ano ang nangyari?

23
24

ANO KAYA ITO

Nasa halamanan si Naty. May nakita siyang


lumilipad. Kay ganda-ganda nito. Iba’t-iba ang kulay ng
kanyang pakpak. Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nasa halamanan?
2. Ano ang kaniyang nakita?
3. Saan ito nagpalipat-lipat?

24
25

ANO ANG MASAKIT

Umiiyak si Linda. Namamaga ang pisngi niya. Hindi


siya makakain. Masakit pagnguya niya. Dinala siya ng
kanyang nanay sa dentista. Pag-uwi niya, wala na siyang
nararamdamang sakit.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang umiiyak?
2. Ano ang namamaga sa kaniya?
3. Saan siya dinala ng kaniyang nanay?
4. Ano ang masakit kay Linda?

25
26

SI MANG JUAN

Madilim pa ay bumaba na si Mang Juan. Nagsuot


siya ng malapad na sambalilo. Sumakay siya sa kalabaw.
Magkasama sila sa paggawa maghapon sa bukid.
Sagutin ang mga tanong?
1. Sino ang bumaba?
2. Ano ang kaniyang sinoot?
3. Ano ang kaniyang sinakyan?
4. Saan sila gumawa ng kalabaw?

26
27

LAPIS AT PAPEL

Ako ay may lapis. Ang lapis ko ay bago. Ang lapis ko ay


dilaw.
Ako ay may papel. Ang papel ko ay bago. Ang papel ko
ay puti.
Hawak ko ang lapis. Hawak ko ang papel. Kaya kong
gumuhit. Gamit ko ang lapis. Gamit ko ang papel.
Ano kaya ang aking iguguhit? Gumuhit ako ng lapis at
papel!

27
28

Bilugan ang tamang sagot sa tanong.


1. Ano ang pamagat ng binasa mo?
a. Ang Lapis Ko
b. Ang Guhit Ko
c. Lapis at Papel
2. Ano ang kulay ng lapis?
a. puti b. dilaw c. pula
3. Ano ang kulay ng papel?
a. puti b. dilaw c. pula
4. Alin ang tama?
a. Ang lapis ay bago at ang papel ay luma.
b. Ang papel ay luma.
c. Ang lapis at papel ay bago.
5. Nasaan ang lapis at papel?
a. Hawak niya.
b. Itinago niya.
c. Ibinigay niya.
6. Ano raw ang kayang gawin ng bata?
a. magsulat b. magbasa c. gumuhit
7. Ano ang gagamitin niya gawin ito?
a. Lapis at papel
b. Lapis lang
28
29

c. Papel lang
8. Ano ang makikita sa papel.
a. Guhit ng laruan niya.
b. Guhit ng mag-anak niya.
c. Guhit ng lapis at papel.

29
30

SI ELO
Ako’y pitong taon na
Handa ng pumasok.
Ang baon kong pera
Ay palaging lima.
Heto tingnan ninyo
Nasa aking bulsa.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ilang taon na si Elo?
2. Sino ang handa ng pumasok?
3. Ilan ang lagi niyang baong pera?
4. Saan niya inilalagay ang kanyang baon?

30
31

ANG MANIKA NI NENE

Si Nene ito. Si Nene ay may bagong manika. Ito ay


bigay ng Ninang niya. Ang manika ay binili sa Maynila.
Pumipikit at dumidilat ang manika ni Nene. Katabi ni
Nene ang manika niya sa pagtulog.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may bagong manika?
2. Sino ang may bigay ng manika?
3. Saan binili ang manika?
4. Sino ang katabi ni Nene sa pagtulog?
5. Ano ang nagagawa ng manika ni Nene?
SI LOLO IPE

31
32

Ito ay si Lolo Ipe. Siya ay nakatira sa kubo. Ang


kubo ay nasa tabi ng sapa. Kasama ni Lolo Ipe si Pepe.
Si Pepe ay apo ni Lolo Ipe. Si Lolo Ipe ay isang
mangingisda.
Sagutin ang mga tanong.
1. Saan nakatira si Lolo Ipe?
2. Ano ang katabi ng kubo?
3. Sino ang kasama ni Lolo Ipe?
4. Ano ni Lolo Ipe si Pepe?
5. Ano si Lolo Ipe?

ANG PUSA KO
32
33

Ako ay may alagang pusa.


Ang buntot niya ay mahaba.
Ang kulay niya ay puti at itim.
Masipag ang aking alagang pusa.
Siya ay laging nanghuhuli ng daga.
Malalaki ang nahuhuli niyang daga. Inaalagaan ko
ang aking pusa.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang aking alaga?
a.pusa b. aso c. pato
2. Ano ang kulay ng pusa ko?
a.Itim b.puti at itim c. puti at pula
3. Ano ang lagi niyang hinuhuli?
a. ipis b. daga c. tutubi
KUNG LINGGO

33
34

Tuwing araw ng Linggo lahat kaming mag-


anak ay nagsisimba. Malayo ang simbahan sa aming bahay,
kung kaya’t sumasakay pa kami sa traysikel. Tahimik kaming
nagdarasal sa loob ng simbahan. Pagkatapos ng misa kaming
mag-anak ay nagmamano sa aming Lolo at Lola. Ang
pagmamano ay isang ugaling Pilipino na dapat gawin.

Punan ng tamang sagot ang puwang.


Ang mag-anak ay nagsisimba tuwing ______
Sila ay sumasakay sa ________________.
Sila ay nagmamano sa kanilang _______________ at
_______________.
Ang pagmamano ay isang ugaling ______.

34
35

ANG MAGKAIBIGAN

Si Lino at si Lito ay magkaibigan. Sila ay kapwa


nasa Unang Baitang. Si Lino ay taga-Alua at si Lito ay
taga-bayan. Sila ay pumapasok sa paaralang sentral ng
San Isidro. Sinunsundo ni Lino si Lito sa pagpasok. Lagi
silang sabay pumasok. Ang kanilang guro ay si Ginang
Alba.
Punan ng si at sila ang mga pangungusap:
1. Si Lino at ________ Lito ay magkaibigan.
2. _______ Lino ay taga-Alua.
3. _______ ay pumapasok sa paaralang sentral ng San
Isidro.
4. _______ Lito ay taga-bayan.
35
36

5. _______ ay laging sabay pumasok.

36
37

KAMING MAG-ANAK
Kaysipag ni Tatay.
Kaybait ni Nanay.
Si Ate’t si Kuya’y,
Matulunging tunay.
Kaming mag-anak,
Laging nagsisikap.
Na maging magalang,
Maging matapat.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Anong salita ang naglalarawan kay Tatay?
a. Kaysipag b. Kaybait c. Matulungin
2. Anong salita ang naglalarawan kay Nanay?
a. Nagsisikap b. Kaybait c. Kaysipag
3. Anong salita ang naglalarawan kay Ate at Kuya?
a. Matulungin b. Magalang c. Tamad

37
38

SA TAHANAN

Araw ng Sabado. Walang pasok ang mga bata. Nasa


tahanan sina Nilo at Nila. Tumutulong si Nilo at si Nila
sa mga gawain sa bahay. Marami silang gawain sa
bahay. Si Nilo ay nang-iigib at nagdidilig ng halaman. Si
Nila naman ay naglalaba, naglalampaso at nagwawalis
ng bakuran.
Bilugan ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa
kuwento.
1. tahanan, naglalaba, gawain
2. naglalampaso, bahay, halaman
3. araw, nagwawalis, marami
4. nagdidilig, walis, bata
5. bakuran, nag-iigib, bahay
PO AT OPO

38
39

Ang bilin sa akin ng Ama at Ina ko


Maging magalangin, mamumupo ako
Kapag kinakausap ng matandang tao.
Sa lahat ng lugar, sa lahat ng dako
Pag ang kausap ko’y, matanda sa akin
Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin.
Ang Po at Opo ng buong paggiliw.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang bilin ng kanyang ama at ina?
2. Paano sasagot kapag kinakausap ng matatandang tao?
3. Paano maipakikita ang paggalang sa matatanda?
4. Ano ang natutuwa niyang bigkas-bigkasin?
5. Sino-sino ang dapat igalang at pupuin?

MAY PASOK NA

39
40

Araw ng Lunes. May pasok na naman ang mga bata. Ang


magkapatid na Lito at Lina at tulog na tulog pa.
“Mga anak gising na. Mahuhuli kay sa klase. Nakaluto na
ako. Kain na kayo”, ang sabi ng kanilang ina. “Kayo po pala
Inay,” ang wika ni Lito. “Magandang umaga po”, ang sabi
naman ni Lina. “Magandang umaga naman”, tugon ng
kanilang ina. Matapos kumain ng magkapatid, humanda na
sila sa pagpasok. “Nay, papasok na po kami. Paalam na po.”
“Oo mga anak magpapakabait kayo. Mag-iingat sana kayo sa
daan.”
Isulat sa bawat patlang ang magagalang na pananalita na
ginagamit sa:
Pagbati sa umaga________________
Pagpapaalam_________________
Pagbati sa gabi
Pagbati sa tanghali________________
Pagsagot sa matatanda______________
ANG MGA GAWAIN KO
Bumabasa kung Lunes.
Sumusulat kung Martes.
40
41

Kumakanta kung Miyerkules.


Sumasayaw kung Huwebes.
Naglilinis kung Biyernes.
Nagpapahinga kung Sabado.
Nagsisimba kung Linggo.
Iyan ang gawain ko.
Sa buong isang linggo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ilang araw mayroon sa isang linggo?
2. Ilang araw ang walang pasok?
3. Ano ang unang araw ng linggo?
4. Alin ang ika-apat na araw?
5. Anong araw ang kasunod ng Martes?

ANG LASO NI ENA

41
42

Si Ena ay nag-aaral sa paaralang sentral ng Pulo.


Siya ay nasa Unang Baitang. Maganda at maputi si Ena.
Lagi siyang malinis at makinis kung pumasok. Tahimik
din siya sa klase. Isang araw nagkaroon ng pagbibisita
ang nars sa kanilang paaralan tungkol sa kalinisan. Si
Ena ang napiling pinakamalinis sa kanilang klase. Bilang
gantimpala, si Ena ay binigyang ng isang lasong pula.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nag-aaral sa Pulo?
2. Anong baiting na si Ena?
3. Sino ang bumisita sa paaralan nina Ena?
4. Sino ang napiling pinakamalinis sa klase?
5. Ano ang kanyang gantimpala?
MURANG ISIPAN

42
43

Kaming murang isip nang pumunta


Sa paaralan ninyo’y
Himig mga bobo.
Ngayo’y natuto ng bumasa ng libro
Sumulat ng letranf – A – E – I – O – U
Dahil sa tiyaga nitong aming guro
Kami’y marunong ng sumagot ng opo.
Sa lahat ng tao lalo na’t kay Lolo.
Salamat sa inyo mahal naming guro.
Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat
pangungusap.
1. Si Ito ay (bobo, tao, bata).
2. Ako ay (bumasa, natuto, nagbasa) sa aking guro.
3. Ang (tiyaga, mahal, kapal) ng Tatay ko.
4. (Bobo, Marunong, Masaya) akong sumagot ng opo.
5. (Matiyaga, Maglakad, Malakas) magturo an gaming
guro.
ANG PANAGINIP NI ETA

43
44

Isang gabi, si Eta ay nakatulog ng maruming


marumi. Nag-usap-sap sina sipilto, suklay, sabon, bimpo
at kolgeyt. Naku! Si Eta kawawa naman. Nakatulog na
maruming-marumi. Linisin natin siya. At ang
magkakaibigan ay nagtulung-tulong na linisin si Eta.
Pamaya-maya dumating si Roel na kapatid ni Eta.
Kasamang dumating ni Roel ang kaniyang asong si
Buldog. Kung ako sa inyo ihagis na lang sa ilog iyan ang
sigaw ni Roel. Aba! Huwag! Malulunod ako. Sa
kahihiyaw ni Eta, siya ay nagising. Ay--- Salamat
panaginip lang pala. Mula ngayon hindi na ako
matutulog na marumi ang katawan ang pangako ni Eta.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang ngalan ng tao?
a. Eta b. suklay c. kolgeyt
2. Alin ang ngalan ng hayop?
44
45

a. Roel b. Buldog c. sabon


3. Alin ang ngalan ng bagay?
a. suklay b. buldog c. Eta
4. Alin ang ngalan ng pook?
a. Roel b. bimpo c. ilog
5. Ano ang ipinangako ni Eta sa sarili?
a. Hindi na siya matutulog ng marumi.
b. Hindi na siya maliligo bago matulog.
c. Kakain muna siya bago matulog.

45
46

ANG BATANG MABAIT

Ang batang mabait dangal ng magulang


Dangal ng kapatid, gurong minamahal
Ang batang mabait pag-asa ng bayan
Kanyang katangian ay isang tagumpay
Ang batang mabait may sariling isip
Ito’y ginagamit sa tamang matuwid
Ang batang mabait ay walang kagalit
Siya ay tahimik at hindi mapilit
Bilugan ang mga salitang kasing-tunog ng salitang
mabait.
1. bata, napilit, isip
2. kagalit, kapatid, matuwid
3. dangal, mapilit, bayan
4. ginagamit, mapilit, bayan
5. tagumpay, galit, magulang

46
47

MAGBABAKASYON

Ang mag-anak nina Mang Bino ay magbabakasyon. Sila


ay magbabakasyon sa nayon ng San Mateo. Sila ay tutuloy
kina Mang Ben na kaibigan ng mag-anak. Malamig at sariwa
ang hangin sa nayon. Marami silang dalang pasalubong kay
Mang Ben. Ang mag-anak ni Mang Bino ay magbabakasyon
ng isang Linggo.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang magbabakasyon?
2. Saan magbabakasyon ang mag-anak?
3. Saan nakatayo ang bahy ni Mang Ben?
4. Ano ang dala ng mag-anak ni Mang Bin okay Mang Ben?
5. Ilang araw magbabakasyon ang mag-anak?

47
48

SA YUNGIB

Masukal ang yungib. Malalago ang mga talahib. Sa


gilid nito ay may bukal ng tubig. Dito si Pablo umiigib.
Sinilaban niya ang mga talahib. Hindi na ngayon
nakakatakot ang umigib sa yungib. Nasilaban na ang
mga talahib.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang nasa loob ng yungib?
2. Saan umiigib si Pablo?
3. Ano ang ginawa ni Pablo sa talahib?
4. Nakakatakot pa bang umigib sa yungib?

48
49

ANG PANAGINIP NI NAP

Napaidlip si Nap. Nanaginip siyang kasama si Pip sa


aplaya. Nangunguha daw sila ng sapsap. Hirap na hirap
daw sila nang biglang may dumating na kapre. Sumigaw
si Nap. Ginising siya ng kaniyang ina. Muling umidlip si
Nap.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nanaginip?
2. Sino ang kasama sa aplaya?
3. Ano ang kanilang kinukuha?
4. Ano ang dumating sa kanyang panaginip?
5. Sino ang gumising sa kanya?

49
50

ANG MAGKAKABARKADA

Barkada ni Marlo si Karlo. Si Marlo ay


isang sorbetero at kartero naman si Karlo.
Pareho silang may motor. Berde ang kulay
ng motor ni Karlo at asul naman ang kulay
ng motor ni Marlo. Sila ang magkaibigan na nagmula sa
Sorsogon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang magbarkada?
a.Leo at Marlo b. Marlo at Karlo c.Karlo at Leo
2. Ano ang trabaho ni Marlo?
a. sorbetero b. kartero c. tindero
3. Ano si Karlo?
a. sorbetero b. kartero c. tindero
4. Ano ang kulay ng motor ni Karlo?
a. asul b. berde c. dilaw
5. Ano ang kulay ng motor ni Karlo?
a. dilaw b. berde c. asul
6. Saan nakatira sina Marlo at Karlo?
a. Maynila b.Gapan c. Sorsogon
50
51

ANG MGA INAKAY

Maiigay ang mga inakay. Mataas ang pugad nila.


Nasa sanga sila ng punong-kahoy. Umuugoy ang mga
dahong malalabay. Gutom na siguro ang mga inakay.
Naghahanap pa ng uod ang nanay.

Punan ng tamang sago tang patlang.


1. Ang mga inakay ay __________________.
2. _________________ ang pugad nila.
3. Ang mga dahong ____________________ ay
umuugoy.
4. Ang mga inakay ay _________________ na.
5. Ang kanilang ina ay naghahanap pa ng
______________.

51
52

SINA ROD, TED, AT ISID

Patungo sa bukid ang magkakapatid na Ted, Rod at


Isid. Ihahatid nila ang tungkod ni Lolo Amed. Malayo
ang kanilang nilakad. Pagod ang tatlo sa paglakad.
Bumuhos ang malakas na ulan. Napaluhod sila at
nagasgas ang kanilang mga tuhod.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang patungo sa bukid?
2. Ano ang ihinatid nila kay Lolo Amed?
3. Ano ang nagyari habang sila ay naglalakad?
4. Ano ang nangyari sa kanilang tuhod?

52
53

SINA AGNES AT DIGNA

Kambal sina Agnes at Digna. Sila ay taga-Balagtas.


Masisipag ang mga kambal. Si Agnes ang naglilinis ng
sahig. Si Digna naman ang nagwawalis sa bakuran.
Iniipon at sinusunog niya ang mga tuyong dahon sa
kanilang bakuran.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kambal?
2. Saan nakatira ang kambal?
3. Ano ang nililinis ni Agnes?
4. Ano ang ginagawa ni Digna?
5. Ano ang ginawa ni Digna sa mga tuyong dahon?

53
54

SI PURITA

Si Purita ay pulubi. Siya ay ulila na sa ama at ina.


Siya ay bungi at bingi. Si Purita ay mayumi. Siya ay
nakatira sa tabi ng mga basura. Kawawa talaga ang mga
batang katulad ni Purita. Dapat matulungan sila.
Kakaibiganin mo ba ang gaya niya?
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang pulubi?
2. Ano si Purita?
3. Saan siya nakatira?
4. Ano ang dapat gawin kay Purita?

54
55

ANG BALABAL

May balabal si Sabel. Ito ay telang makapal. Asul at


itim ang mga ito. Regalo ito sa kanya ni Raul. Galing ito
sa bayan ng Taal. Mahal na mahal ni Sabel ang kaniyang
mga balabal. Sa malaking baul itinatago ni Sabel ang
kaniyang mga balabal.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may balabal?
2. Anong kulay ang balabal?
3. Sino ang nagbigay sa kanya nito?
4. Saan ito galing?
5. Saan niya ito itinatago?

55
56

ANG HANDAAN

May handaan kina Len. Kaarawan ng kanyang kuya


Dan. Dumating ang mga pinsan, kalaro at kaibigan nila.
Maraming handa si Dan. May suman, pansit, dalandan,
kanin at ulam sa tanghalian. Nagkantahan at nagsayawan
ang lahat.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang mayroon kina Len?
2. Sino ang may kaarawan?
3. Sino-sino ang dumating?
4. Ano-ano ang handa ni Dan?
5. Ano ang ginawa ng lahat?

56
57

SINA DODI AT DINO

Sina Dodi at Bino ay mga binata. Sila ay maginoo.


Nakatira ang dalawa sa isang kubo. May mga alaga sila
gaya ng aso, kabayo, at pusa. May puno rin ng upo at
abokado sa tabi ng kubo. Masaya ang dalawang binata sa
pagtira nila sa kubo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang mga binata?
2. Saan sila nakatira?
3. Ano-ano ang kanilang alaga?
4. Ano-anong puno ang nasa tabi ng kubo?

57
58

SI OBET KULOT

Si Obet Kulot ay musmos na paslit. Siya ay maliit,


mabait ngunit makulit. Sarat ang ilong. Maputi at
makinis ang balat niya. Malikot at layas si Obet.
Malimit na makikita si Obet sa palengke ng Libis.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Si Obet Kuloy ay _____________ na paslit.
2. Siya ay maliit, mabait, ngunit
____________________.
3. Ang kaniyang ilong ay ________________.
4. Ang balat niya ay maputi at _________________.
5. Si Obet ay isang batang malikot at
_________________.

SINA BAMBI AT PAMPI

58
59

Nakatira sa dampa sina Bambi at Pampi. Si Bambi


ay siyam na taong gulang. Si Pampi ay sampu naman.
Kasama ng dalawa si Impong Doring na isang lumpo.
May anim silang puno ng mangga at sampagita sa tabi
ng kanilang dampa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan sila nakatira?
3. Ilang taon na si Bambi?
4. Ilang taon na si Pampi?
5. Sino ang kasama ng dalawa?
6. Ano ang tanim nila sa tabi ng dampa?

ANG MGA REGALO

59
60

Maligaya si Nena. Marami ang regalo niya. Ibinili


siya nina Lolo Belo at Lola Sela ng baro na may laso.
Kapote ang kay Tiya Loreta. May habonera, manika,
lobo at pera pa mula sa kanyang kuya Selo at ate Lena.
Masayang masaya si Nena.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang maligaya?
2. Ano ang meron si Nena?
3. Ano ang binili sa kaniya nina Lolo Belo at Lola
Sela?
4. Sino ang may kapote?
5. Ano naman ang regalo ng kayang ate at kuya?
6. Bakit masaya si Nena?

SAGING

60
61

Maraming tanim na saging si Ingkong sa aming


bakuran. Ang hinog na saging ay kulay dilaw. Berde
naman ang kulay kaag hilaw. Matamis ang mga bunga
ng saging. Ang saging ay prutas. Ito ay pagkaing
pampalakas.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may tanim na saging?
2. Saan ito nakatanim?
3. Ano ang kulay ng hinog na saging?
4. Ano ang kulay ng hilaw nasaging?
5. Ano ang klaseng pagkain ang saging?

61
62

PALAY NI KUYA TOTOY

Mataba ang tanim na palay ni Kuya Totoy sa bukid.


Hinog na ang palay. Nagtayo si Kuya Totoy ng bahay sa
katabing palayan upang mabantayan ang mga palay.
Yari ito sa kahoy at kawayan. May mga puno ng kasoy
sa gilid ng bahay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tanim ni Kuya Totoy?
2. Saan siya nagtayo ng bahay?
3. Saan yari ang bahay?
4. Ano ang nasa gilid ng bahay?
Sagutang papel.

62

You might also like