Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Noche, Jerick O.

NCST Culture 4
BSARCH-41A1 PREFINAL task 2

“POLITICS AND SOCIETY”

1. Ano ang pinakamahalagang batas ayon kay Cristo?


- “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito
naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni
Moises at ang katuruan ng mga propeta.” – Mateo 22:36-40

2. Paano malalaman kung anong uri ng pag-ibig sa Dios mayroon ang isang tao?
- kung paano sya manalig sa Dios at kung puro at malinaw ang pagmamahal at pagrespeto nya sa kapwa nya

3. Saan mapagmamasdan ang katunayan at kalawakan ng ating Pag-ibig sa Dios?


- Pag-ibig ang sukatan ng ating pananampalataya, inspirasyon sa ating pagsunod, at lalim ng ating pagkadisipulo.

4. Paano mo masasabi na iniibig mo ang Dios ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas?
- Sa Marcos 12:30, sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo ang ganito: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa,
buong pag-iisip at buong lakas.” Ang mga Cristianong kulang o walang alab ang pagmamahal sa Diyos ay madalas na nahuhulog sa pagkakasala.
Hindi dahil siya ay isang pastor o isang ministro o isang lingcod ng Diyos, siya ay mayroong maalab na pagmamahal sa Diyos. Maging ako mismo ay
naranasan ko ang ganoong kalagayan. Nagpapakahusay ako sa teolohiya at sa iba pang mga bagay ngunit mayroong kulang. At ang kakulangang iyan
ay nagdala sa akin sa maraming kabiguan sa buhay espirituwal at buhay Cristiano hanggang minsan hinanap ko ang Diyos sa gitna ng malaking
kalungkutan at siya’y akng natagpuan at gumawa siya ng malaking pagbabago sa aking buhay. Ngayon ang pag-ibig ko sa Diyos ay nalagay sa mas
mataas na antas na hindi ko pa naranasan sa loob ng 20 taon. At patuloy ang aking pagnanasa na lubos ko pa siyang mahalin sa aking buhay. Ngayon
kapag may tukso na dumarating nasasabi ko na may kumpiyansa, “I love my God more than that” at iyon ay nagbibigay ng patuloy na tagumpay sa
akin. Noon ba ay hindi ko nasasabi ang ganoon? Wala ba akong kakayanan na sabihin noon, “I love my God more than that”? Sa totoo lang, ang
aking sagot ay oo. Dahil alam kong alam ng Diyos na mahal ko siya ngunit mahal ko rin ang mga bagay na di niya kinalulugdan. Ang pagmamahal ko
sa Diyos noon ay maaaring 50% lamang o 75% lamang, ngunit tiyak akong hindi 100%. Sa madaling sabi, hindi ko iniibig ang Diyos noon nang buong
puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.

You might also like