Sample Counter Affidavit Kontra Sinumpaa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG TUGUEGARAO )S.S.

LALAWIGAN NG CAGAYAN )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si JUAN A. DELA CRUZ, 53 na taong gulang, kasal kay Ligaya G. Dela Cruz, at
naninirahan sa Santiago City, Isabela matapos na makapanumpa ng naayon sa batas, ay malaya
at kusang-loob na naglalahad ng mga sumusunod:

1. Noong 23 Enero 2023 ay bumiyahe ako pauwi sa Santiago City mula Tuguegarao
City;

2. Habang bumabiyahe ay biglang tumigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada sa lugar na

walang katao-tao at sa sandaling iyon ay bumaba din ang driver ng van na aking
sinasakyan;

3. Sa aking pagtataka ay tinanong ko ang driver kung bakit huminto at bakit siya
bumaba;

4. Sumagot siya ng “ji-jingle lang saglit sir!”;

5. Habang nag-aantay kami ng aking mga kasamahang pasahero ay biglang may

dumating na dalawang lalaking nakaiitim at sumigaw ng “hold-up!”;

6. Sa aming panik ay hinanap naming ang driver ngunit hindi siya mahagilap ng aming
mga paningin;

7. Binugbog kami ng mga kasamahan ko ngunit ng lumaon ay nalaban naman naming

sila at nakatawag din ng tulong nang lumaon;

8. Dahil sa pangyayaring iyon ay kailangan naming magpaospital ng mga kasama ko;

BILANG PATUNAY sa lahat ng aming inihayag ay nilalagdaan ko ang salaysay na ito

ngayong ika-25 ng Enero 2023 sa Lungsod ng Tuguegarao Lalawigan ng Cagayan.

_______________________
JUAN A. DELA CRUZ
Nagsasalaysay

PINANUNUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-25 ng Enero 2023 sa

Lungsod ng Tuguegarao Lalawigan ng Cagayan.

Notary Public
Doc. No. ____;
Page No. ____;
Book No. ____;
Series of 2023.
REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LUNGSOD NG TUGUEGARAO )S.S.
LALAWIGAN NG CAGAYAN )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si MARIA A. CLARA, 20 na taong gulang, walang asawa, at naninirahan sa

Santiago City, Isabela matapos na makapanumpa ng naayon sa batas, ay malaya at kusang-loob
na naglalahad ng mga sumusunod:

1. Noong 23 Enero 2023 ay bumiyahe ako pauwi sa Santiago City mula Tuguegarao
City;

2. Habang bumabiyahe ay biglang tumigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada sa lugar na

walang katao-tao at sa sandaling iyon ay bumaba din ang driver ng van na aking
sinasakyan;

3. Dahil dito ay nagtanong ang manong sa harapan kung bakit huminto at lumabas ang
driver;

4. Malinaw na sumagot siya ng “ji-jingle lang saglit sir!”;

5. Habang umiihi sa may puno ang driver ay may biglang dalawang lalaking nakaiitim
na sumigaw ng “hold-up!”;

6. Hinanap ko ang driver sa takot ko ngunit nakit ako ang driver na nagpapanik na
tumakbo papalayo at dumako sa malapit na sementeryo;

7. Binugbog ang mga kasamahan kong pasahero ngunit nalaban naman kalaunan;

8. Nakapagfile kami ng blotter report sa may bandang Sta. Maria, Isabela;

BILANG PATUNAY sa lahat ng aming inihayag ay nilalagdaan ko ang salaysay na ito

ngayong ika-25 ng Enero 2023 sa Lungsod ng Tuguegarao Lalawigan ng Cagayan.

_______________________
MARIA A. CLARA