Makapaghihintay Ang Amerika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Macsie Trish P.

Andaya
9-CALYPSO
FILIPINO
MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA
Si Fidel kasama ang kanyang asawa na si Ligaya, mga anak na sina Rosa at Boy at ang
kanyang ina na si Lola Marta ay masayang naninirahan sa kanilang tahanan talaga namang
makikita ang pagmamahalan nila sa bawat isa. Gusto ni Fidel na makapagtrabaho sa ibang
bansa upang magkaroon ng mas malaking ipon para makapagpatayo ng mas malaking
bahay. Isa pa sa mga dahilan kaya gustong lumayo ni Fidel ay upang maiwasan ang mga
tiwaling opisyal sa bansa. Sinabi rin niya kung sa Pilipinas siya magtatrabaho ay hindi siya
makapag-iipon. Hindi sang-ayon si Ligaya sa plano niyang ito. Ayaw niyang malayo
sakanya si Fidel dahil natatakot siya na baka makahanap ng iba ang kanyang asawa.
Walang nagawa si Fidel sakanyang gusto dahil halos ang buo niyang pamilya ay hindi sang-
ayon dito maging ang kanyang ina. Bilang isang mabuting ama, ang iniisip lamang ni Fidel
ay kung ano ang mas makabubuti para sakanyang pamilya. Gusto niyang mabigyan ng
magandang buhay ang kanyang mga anak. Gusto niyang umalis sa bansa dahil alam niya na
kung nasa Pilipinas siya ay hindi sapat ang kanyang sweldo para sa mga pangangailangan
ng kanyang pamilya. Ganun pa man, mas nangibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal
sakanyang pamilya, lalo na ng ibalita sa kanya ng asawang si Ligaya na nagdadalang tao ito.
Dahil dito ay napagtanto ni Fidel na makapaghihintay na lamang ang Amerika sa kanya.

You might also like