AP Quarter 4-Week3 (Estarlin D. Tabuzo - Pup PT)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral sa ika 8 baitang ay inaasahang:
a. naibibigay ang konsepto na may kinalaman sa ikalawang digmaang
pandaigdig.
b. natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa ikalawang digmaang
pandaigdig.
c. naiisa-isa ang mga dahilan ng ikalawang digmaang pandaigdig.
II. NILALAMAN
A. Paksa:
“ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG”
B. Sanggunian:
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, pahina
446-469 Learning Resource Material
C. Kagamitan:
Laptop, Telebisyon at Visual aids.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panimulang Dasal

Tumayo po ang lahat at sabay-sabay na Tumatayo at sabay-sabay na


manalangin na pangungunahan ni: nananalangin.
__________.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

2. Pagbating Panimula

Magandang umaga, Grade 8- Patience.


Magandang umga din po, Ma’am
Estarlin. Is nice to see you again.
(Clap! Clap! Clap!...) PSIS Mabuhay
Bago kayo umupo, paki ayos nga ng inyong
mga upuan at pulotin ang mga nakakalata
na basura.

3. Talaan ng Liban

Sino ang lumiban sa araw na ito? Ma’am, wala po.


4. Balitaan

Mr/Ms. _______ ano ang bagong balita


ngayong araw sa bansa o ibang bansa?

Joyce Ann?
Ma’am, ang latest balita po natin
ngayon ay
- Sibuyas sa ilang pamilihan, mahal daw
Tama! Sa tingin mo, Ano ang kahalagaha dahil kulang ang mga nakaimbak.
ng balitang ito.

Ang kahalagahan po nito ay kung


kulang po ang nakaimbak matuto po
tayong magtipid ng sibuyas.

Ma’am,
Ano pa? - Michelle Dee, kinoronahang Miss
Jerson? Universe Philippines 2023

Mahusay.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

5. Balik-aral

Noong nakaraang lingo tungkol saan ang


Ma’am, ang atin pong tinalakay noong
ating tinalakay?
nakaraang lingo ay may kaugnayan pa
din po sa Unang Digmaang
Rebecca?
Pandaigdig.

Ito po yung Mga kasunduang


At Ano-anu po iyon?
Pangkapayapaan, Ang Labing apat na
Ivy?
punos ni Pangulong Wilson at ang Liga
ng mga bansa o League of Nations.
Tama! Magaling!

6. Motibasyon

“PIC-OPINYON”

Ngayon, may inihanda akong larawan.


Pagmasdan niyong mabuti ang larawan na nasa
pisara. Bumuo ng mga ideyang mahihinuha
tungkol sa larawan at magbigay kayo ng opinion
tungkol dito.

Ang mga mag-aaral ay may kanya-


kanyang opinyon tungkol sa kanilang
nakikitang larawan.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

Gawain

Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin.


Akin munang susubukin ang inyong galling.

Hula, Hoop!

Isulat sa maliit na hula hoop ang letra ng iyong


tamang sagot. Gawin ito sa isang malinis na
papel.

A. Manila B. Adolf Hitler C. Pagsalakay sa


Pearl Harbor, Hawaii D. Benito Mussoline
E. Cebu F. Pag-agaw sa Mancuria Ang mag-aaral ay tahimik na
nagsasagot.

1. Siya ang kilalang tao noong unang panahon ng

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

ikalawang digmaan, dahil sa kanyang matapang


na pakikidigma. Siya ang tinaguriang malupit na
pinuno.

2. Ito ay isang surpresang pag-atake ng hubong


pandagat ng mga Hapones laban sa hukbong
pandagat ng Estados Unidos?

3. Ito ang idineklarang Open City sa Pilipinas


noong Disyembre 26, 1941?

B. Pagsusuri

1. Sino nga ba si Adolf Hitler? Siya ba ay


may kinalaman sa ating aralin ngayon?

Rebecca?

Ma’am sa akin pong palagay meron


May Tumpak ka, Rebecaa! Mahusay! pong kinalaman si Adolf Hitler sa ating
panibagong aralin.

Kilala niyo ba si Adolf Hitler?


Ma’am, Hindi po.

Si Adolf Hitler ay lider ng Nazi Germany na


kung saan muling nitong itinatag ang
sandatahang lakas ng bansa.

2. Sa iyong palagay, ang inyong sinagutan


ay may kinalaman sa ating talakayan
ngayon? Bakit?

Para mas lalo ninyong malaman kung ano Ang lahat ng mag-aaral ay sumagot ng
ang nangyari noong ikalawang digmaang “Opo”.
pandaigdig. Halina’t making.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

C. Paghahalaw

MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG


PANDAIGDIG (LM pahina 475-476)

Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga


pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig,
muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng
mga bansa. Dala na rin ito ng nagsimulang
ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na
maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak
ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayaring
naganap at nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay ang sumusunod:

Pag-agaw ng Japan sa Manchuria at Paglusob


sa Pearl Harbor at Pilipinas

Noong 1931sa pamumuno ni Emperador Hirohito Ang mag-aaral ay tahimik na nakikinig


at kanyang Punong Ministro Hideki Tojo, inagaw sa talakayan.
ng Japan ang lungsod ng Manchuria. Kinundena
ito ng Liga ng mga Bansa, sinabing mali ang
ginawang paglusob nito. Kasunod ng
pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang
Japan. Sinalakay din ng Japan ang Pearl Harbor
sa Hawaii na base militar ng Estados Unidos at
isinunod ang Pilipinas. Tinawag itong Digmaan sa
Pasipiko. Layunin ng Japan na masakop ang
buong TimogSilangang Asya.

Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong


1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-alis
at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng
karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag,
pinasimulan ni Adolf Hitler, lider ng Nazi, ang
muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng
bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-


hiyang kondisyon. Upang makabangon sa
pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig,
pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling
pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa
paghahanda ng Germany, ang France ay nakipag-
alyansa sa Russia laban sa Germany.
Pinalilimitahan naman ng England ang bilang o
laki ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila
nito’y nagpadala pa rin sa SONA (tawag sa mga
lugar na nasakop ng mga Aleman) ang Germany.

Pagsakop ng Italy sa Ethiopia (Hilagang Aprika)

Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng


Italy ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag
ng Italy ang kasunduan sa Liga (Covenant of the
League). Ito ang pangarap ni Mussolini na
masakop ang Hilagang Aprika.

Digmaang Sibil sa Spain

Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong


1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang
pasistang Nationalist Front at ang Sosyalistang
Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista.
Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spain
dahil sa pakikialam ng ibang bansa.

Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)

Nais ng mga mamamayang Austriano na


maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit
ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga
bansang kasapi sa Allied Powers (France, Great
Britain, at United States). Binuo ang alyansang
ito upang bigyang proteksyon ang kanilang bansa
sa lumalakas na pwersa ng Germany. Dahil sa
kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany na
kinalabasan ng Rome-Berlin Axis noong 1936,

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing union ng


Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong
1938. Nakipagkasundo rin ang Japan sa
Germany at Italy kaya nabuo ang Tokyo-Berlin-
Rome Axis o kilala bilang Axis Power.

Paglusob sa Czechoslovakia

Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang


mga Aleman sa Sudeten ng pagsikapan na
matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito,
hinikayat ng England si Hitler na magdaos ng
isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler
ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang
teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa
Germany.

Paglusob ng Germany sa Poland

Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ang pagsakop ng Germany
sa Poland noong 1939, kung saan tahasang
nilabag ni Hitler ang kasunduan sa Versailles.
Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad din ng
Germany sa Russia sa kapuwa pumirma sa
kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang
kasunduan nang hindi pakikidigma sa
kasunduan ding ito nagpasay na hatiin nila ang
Poland. Sa patuloy na labanan ng mga bansa unti
unti ring natalo ang Axis Power kung saan ang
Japan ang pinakahuling sumuko. Hinulugan ng
unang bomba atomika ang Hiroshima, Japan
noong Agosto 6, 1945 at ang pangalawa ay sa
Nagazaki. Nagtapos ang Ika-2 Digmaang
Pandaigdig noong September 2, 1945 kung saan
sumuko ang Japan, naganap ang kasunduan sa
sasakyang pandigma ng US, ang Missouri na
nakadaong sa Tokyo, Japan. Ito ay sa pamumuno
ni Gen. Douglas Mac Arthur.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

D.Paglalapat (Application)

Ngayon, Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang


gagawin niyo lang ay pagtutulong-tulongan ang
hinanda kong gawain.

Punan mo Ako!

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Sanhi ng Mga Tanyag na Mga Bansa o


Digmaan Personalidad na Teritoryong
Sangkot sa Nasakop
Digmaan

Hal. Pag-alis Adolf Hitler Sudetenland


ng Germany
sa Liga ng Ang mga mag-aaral ay pumunta sa
mga bansa kani-kanilang pangkat. Upang sagutan
ang pangkatang gawain.

Gabay na Tanong:

1. Bakit sumiklab ang ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
2. Bakit naging madali para kay Hitler na
sakupin ang halos buong Europe?

E. Pagtatasa

Gawain 1 (Modular) May 17, 2023

Tukuyin ang mga pangalan at konseptong


inilalarawan sa pamamagitan ng paglalagay ng
wastong letra sa bawat kahon. Isulat ang sagot sa
isang malinis na papel.

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

Gawain 2 May 18, 2023

I.

Concept Map

Isulat ang mga mahahalahang pangyayaring


naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
mga piling lugar kung saan naganap ang
digmaan. Isulat ito sa isang malinis na papel.

II.

Gumawa ng isang sanaysay na tumatalakay sa

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

mga importanteng kaganapan sa ikalawang


digmaang pandaigdig. Siguraduhing hindi bababa
sa limang (5) pangungusap.

F.Takdang Aralin

Kunin niyo ang inyong kuwaderno at isulat ang


inyong takdang aralin.

“Mismong Ako”

Bilang isang
concern
citizen, Ano
ang iyong
maipapangako Wala po, Ma’am.

upang hindi
na Good Bye Ma’am Estarlin thank you
for teaching us today. PSIS MABUHAY!

magkaroon
pa ng
digmaang ating
Learners today, leaders’ tomorrow.
Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

kinatatakutan
?
(Isulat ang
inyong pang
alan at lagyan
ito ng pirma)
Bilang isang
concern
citizen, Ano
ang iyong
maipapangako
upang hindi
na
Learners today, leaders’ tomorrow.
Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

magkaroon
pa ng
digmaang ating
kinatatakutan
?
(Isulat ang
inyong pang
alan at lagyan
ito ng pirma)
Bilang isang
concern
citizen, Ano
ang iyong
Learners today, leaders’ tomorrow.
Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

maipapangako
upang hindi
na
magkaroon
pa ng
digmaang ating
kinatatakutan
?
(Isulat ang
inyong pang
alan at lagyan
ito ng pirma)
Bilang isang concern citizen, Ano ang iyong
maipapangako upang hindi na magkaroon pa ng
digmaang ating kinakatakutan? (Isulat ang

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

inyong pangalan at lagyan ito ng pirma).

Kung tapos na Pakitago na po ang inyong mga


gamit.

Mayroon pa po ba kayong mga tanong, mga


mungkahi,? Paglilinaw?

Kung wala na. Iyon lang muna para sa araw na


ito.

Good Bye, Grade 8-Patience.

Inihanda ni: Sinuri nina:

ESTARLIN D. TABUZO JESARIE JOY M. ZAMORA

PUP Practice Teacher Guro Sa Araling Panlipunan

JUAN CARLOS V. MALIMBAN

Cooperating Teacher

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Pulo ni Sara Integrated School
Pantihan IV, Maragondon, Cavite

Ipinagtibay ni:

RUBY I. HUGO
School head

Learners today, leaders’ tomorrow.


Address: Pantihan IV, Maragondon, Cavite
Telephone No.: (0915) 604 0401
Email: pulonisaranationalhighschool@gmail.com

You might also like