Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE NI DR.

JOSE RIZAL
Tagapag-ulat: Andrea S. Junio__ Baitang at Seksiyon: 9-Makatao
Guro: Rose Ann J. Verseles ___ Marka: ________

Pamagat
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Kabanata 48: Ang Talinghaga

A. Talasalitaan
Alperes – opisyal ng militar
Baston – tungkod
Matalim – matalas
Masubsob – madapa
Nag-alipustahan – nagbangayan, nagsagutan
Ekskumonikado – itinatakwil mula sa relihiyon
Obrero- manggagawa
Liham – sulat
Talaan- listahan
Kura paroko – mataas na pari
Pumpon – tumpok

B. Tagpuan
Sa lansangan kung saan nakatira ang mga Indio, sa tapat ng bahay ng Alperes; at
Sa tahanan ni Kapitan Tiyago

C. Mga tauhan
Donya Victorina - ang kabiyak ni Don Tiburcio na nakipagtalo sa alperes ng mapadaan
sa tahanan nito ukol sa ikinilos nito habang silang mag asawa ay dumaraan.
Don Tiburcio - ang pipilay pilay na asawa ni Donya Victorina na kilalang manggagamot
sa bayan ng San Diego.
Alperes - ang lider ng mga gwardya sibil na kabiyak ni Donya Consolacion.
Donya Consolacion - ang kabiyak ng alperes na mahilig maglagay ng kolorete sa
mukha upang ikubli ang tunay na saloobin sa kabiyak.
Crisostomo Ibarra- Ang binatang biglang natigilan nang makitang magkasama sina
Linares at Maria Clara
Maria Clara- Ang nakaupon sa silyon sa balkon at pinaglalaruan ang abaniko habang
namumula kaharap si Linares.
Linares- Ang nakatayo sa may bintana at nagkukumpol ng rosas at kaharap si Maria
Clara.
Tiya Isabel- Ang taong ayaw ipakasal si Maria Clara kay Linares at mas gusto si Ibarra
para sa dalaga.
Lucas- Ang nagsabing dadating si Ibarra kinabuksan.
Nol Juan- Ang patakbong sumalubong kay Ibarra nang makarating ang binate sa
paaralan.

D. Buod ng Kabanata
Habang abala ang iba sa sabungan, namamasyal naman ang mag-asawang Don Tiburcio
at Donya Victorina sa kabayanan upang makita kung paano mag-ayos ng bahay at mag-alaga
ng bukid ang mga Indio. Nagagalit ang Donya sa tuwing hindi ito ginagalang ng mga
makakasalubong. Inutusan niya ang asawa na paluin ng baston ang mga hindi magbibigay ng
galang ngunit tumanggi naman si Don Tiburcio dahil ito ay may kapansanan.
Nang mapadaan ang mag-asawa sa bahay ng alperes ay nagtama ang mga mata nina
Donya Victorina at Donya Consolacion na saktong nakadungaw sa kanilang bintana. Makikita
ang matalim na titigan ng dalawa.
Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria. Ibinalita niya rin dito
ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya ni Ibarra nang
makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng tumpok na mga bulaklak. Nagulat
ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria Clara. Nais sanang tumayo ng dalaga
para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling. Nakipagkuwentuhan naman
siya kay Maria ngunit umalis din agad.
Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan. Nakita
niya ang Kura paroko na si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.
Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra kay Nol
Juan na kunin ang mga talaan ng obrero. Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon
pag-usapan ang isang mahalagang bagay. Pumayag siya at naiabot naman ni Nol Juan ang
talaan. Nakita niyang wala roon si Elias.
E. Katanungan ukol sa inulat at iyong sagot
Bakit galit sa isa’t isa sina Donya Victorina at Donya Consolacion?
Ang galit ni Donya Victorina at Donya Consolacion ay bunga ng kanilang pagkakaiba sa
antas ng lipunan at estado sa buhay. Si Donya Victorina ay isang mayamang babae mula sa
mga mayayamang pamilya sa Maynila na nangarap na maging kastila at nagpapanggap na isa
sa kanila. Sa kabilang banda, si Donya Consolacion ay isang babaeng Tagalog na nangarap na
makapag-asawa ng isang kastila at naghahangad na umangat sa lipunan.
F. Paghahambing sa kaganapan sa kasalukuyan
Sa kasalukuyang panahon, ang mga suliranin na inilalarawan ng mga karakter na ito ay
hindi nawawala. Mayroon pa rin tayong mga taong nagpapakita ng kawalan ng pagkakaisa
sa ating lipunan, lalo na sa mga usaping politikal. Marami pa rin ang nagsusumikap na
magkaroon ng kapangyarihan at impluwensya sa lipunan, at sa proseso ay nagiging sanhi
ng kawalang-katarungan.

G. Aral o kaispan
“Walang maidudulot na maganda ang pagyayabangan. Anuman ang narating sa buhay ay
dapat ituring na pantay-pantay ang bawat isa at manatiling nakaapak ang paa sa lupa.”
“Bahagi ng anumang relasyon ang mga tampuhan at di pagkakaunawaan. Ngunit kahit likas
ito sa mga samahan, dapat ay pinamamayani pa rin ang pag-unawa upang maayos din ang
gusot.”

H. Limang Pagsusulit at sagot


1. Saan namasyal ang mag-asawang Don Tiburcio at Donya Victorina?
 Sa kabayanan ng mga Indio
2. Ano ang inutos ni Donya Victorina sa kanyang asawa na gawin sa mga sa hindi
bumabati sa kanyang presensiya?
 Inutos sa kanyang asawa na paluin ng baston ang mga hindi magbibigay ng galang
sa kaniya.
3. Ano ang sadya ni Ibarra sa pagdalaw nya kay Maria?
 Nais nyang ibalita kay Maria ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado.
4. Bakit biglang napalitan ang saya ni Ibarra nang makita si Maria?
 Dahil nakita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng tumpok na mga
bulaklak.
5. Sino ang nakita ni Ibarra nang napadaan siya sa ipinatatayong paaralan?
 Nakita niya ang Kura paroko na si Nol Juan.

I. Repleksiyon
Makikita sa kabanata 47 ang pagkakatipon ng dalawang senyora at pagpapakita ng
kanilang pagiging mapang-api at matapang sa kanilang mga kilos. Hindi nila binibigyang-pansin
ang kanilang pagiging kababaihan at hindi sila nagpapakita ng pagmamalasakit sa kanilang
asawa. Ang kabanatang ito ay nagpapakita sa mga maling pananaw sa pagiging babaeng
Filipina sa panahon ng Kastila, at nagpapakita rin ng mga epekto ng kolonisasyon sa mga tao at
kultura ng Pilipinas. Ito ay nagbibigay ng repleksyon sa kung paano natin dapat ipaglaban ang
ating pagkakakilanlan at kultura, at kung paano natin dapat labanan ang mga konsepto ng
pang-aapi at pang-aabuso.

Sa kabanata 48, makikita ang sakit na nadarama ni Ibarra nang makitang may ibang
kasama ang dalaga. Makikita rin sa mukha ni Maria ang pagnanais na makita muli si Ibarra na
ikinukubli nito sa mga makabuluhang tingin nya sa binata.
Ang kanilang dinaramdam na pait at hapdi ng pag-ibig ay normal lamang sa sa isang
relasyon. Dapat munang mapagdaanan ang mga pagsubok at at paghihirap, upang mas
matibay at matagal ang relasyon ng dalawang ngamamahalan.

You might also like