Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Diskriminasyon- Ito ay isang negatibong konsepto na tumutukoy sa hindi

makatarungang pagtrato sa mga tao. Ito ay ang hindi pantay pantay na tingin sa mga
tao. Ito ay ang sitwasyon kung saan minamaliit o hinuhusgahan ang iba.
Ito ay isang sakit na ng lipunan na patuloy na sumisira sa Sistema ng pamumuhay ng
bawat tao sa mundo, isang sakit na hindi mahanapan ng lunas. Lahat tayo ay pwedeng
mabiktima ng diskriminasyon at kailangan talaga ay may kakayahan tayong kayang
ipamalas para naman maging mataas ang tingin saatin ng iba.
Tulad na lang sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangaldan ay nakakaranas ng
diskriminasyon ang mga estudyante na na sa mababang seksyon at minsan mas
nabibigyan ng prayoridad ang mga na sa espesyal na seksyon at ng mga matataas na
seksyon. Dahil dito ang mga estudyante ay nawawalan na ng gana sa pag-aaral at
pinipili nalang nila ang mag cutting classes o umabsent kung sila ay nasa mababang
antas o seksyon sa paaralan makikita rin natin dito na hindi tinututukan ng mga guro
ang mga estudyante lalo na sa mga nasa mababang seksyon dahil sa diskriminasyon
ay nawawalang saysay ang pagpasok ng mga bata o estudyante na nasa mababang
antas ng paaralan lalo na kung sila ay ikinukumpara lagi ng kanilang mga guro sa mga
nasa matataas na antas o mga espesyal na antas ng pag-aaral sa paaralan na ito. Isa
na rin dito ang Diskriminasyon sa larangan ng Relihiyon ng mga Estudyante. Bagama’t
tayo ay mga taong may kaniya-kaniyang relihiyon hindi nararapat na ipasintabi o
ipasawalang bahala ng mga guro ang relihiyon ng isang Estudyante nararapat lamang
na bigyan siya ng pantay pantay na trato na kung saan mayroon siyang lugar sa loob
ng paaralan.
Ninanais ng mga Estudyante ang tamang pagtrato sakanila maging sa mataas man na
antas ng pag aaral o nasa mababang(higher or lower section) antas ng pag-aaral.
Kailangan ay pantay pantay ito upang walang diskriminasyong magaganap. At walang
lamangan lalo na sa panahon ngayon na hindi lang dapat ang mga matatalino o mga
piling tao lang ang nasa taas kundi kailangan natin ito gawin ng pantay pantay at
walang lamangan. Dito natin makikita ang kawalang bisa ng Diskriminasyon kung ang
bawat tao ay may paggalang at pagmamahal sa kapwa nila tao. Hindi basehan ang
Katalinuhan at pagiging iba sa kapwa para lamang idiskrimina ang ibang tao. Nararapat
lamang na ating tanggapin ang mga ito ng may pagmamahal, dahil talo ng pagmamahal
at pagtanggap ang pagkakaiba iba na meron tayo.
Dapat ay nirerespeto natin ang iba’t ibang kaugaliang isinasagawa ng bawat relihiyon.
Maigi ring alamin natin ang kani-kaniyang paniniwala upang wala tayong masabing
masama at wala tayong maka-agrabyadong kasapi ng isang relihiyon. Ginagampanan
ng bawat tao ang kanilang tungkulin bilang miyembro ng isang relihiyon at may kanya-
kanya silang pamamaraan ng pananampalataya. Masakit isipin na may mga
bumabatikos sa ikinamulatan mong pananampalataya. Kaya hindi maiiiwasan na may
ibang talagang ipinagtatanggol nila ang kanilang relihiyon. May mga pagkakataon pa na
nagkakasakitan ang mga tao dahil sa diskriminasyon sa relihiyon. Kaya bilang respeto
sa iba at sa ating kapwa, mag-ingat sa kung ano mang talas ng salita ang lalabas sa
iyong dila. Hindi tayo tinuruang manlibak, bagkus tayo ay tinuruang magpakatao. Dahil
ang pagpapakatao ay isang ugaling dapat isinasagawa ng bawat isa.

You might also like