Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

CARLOS P.

GARCIA HIGH SCHOOL

Jesus Ext. Pandacan, Manila

Pananaw at Masusing Pagpili ng Magiging Pangulo ng Pilipinas ng mga Mag

– aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Paaralang Carlos P. Garcia

Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Filipino.

ISINUMITE NINA:

Añonuevo Kiersteeve

Mendez, Patricia

Singular, Joy Marianne

Sobrevega, Vian

ISINUMITE KAY:

Marilyn Del Rosario


Kabanata I

1.1 Introduksyon

Ang halalan o mas kilala sa tawag na eleksyon ay nagaganap sa mga

demokrasyang bansa at ito ay isang pormal na proseso o malayang pagpapasiya kung

saan ang mga mamamayan ay may karapatan pumili ng mga indibidwal upang

makaroon sila ng posisyon at kapangyarihan na mamuno sa publiko. Ang Commission

on elections (COMELEC) o komisyon sa halalan ang naatasang mamahala ng isang

halalan o eleksyon. Ang mga rehistradong mamamayan lamang ang puwedeng

makilahok o bumoto sa darating na halalan at mahigpit na ipinapatupad na may edad

18 pataas ang maaaring bumoto.

Tungkulin at karapatan ng bawat mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na

nasa wastong gulang ang bumoto sapagkat ang bawat boto na ibinibigay ng isang

indibidwal ay napakahalagang bagay at may malaking epekto sa kinabukasan ng bawat

isa. Kada isang botong dumadaan sa kamay ng isang mamamayan ay napakalaking

bagay at tiyak na may kalalagyan kalaunan. Nakasalalay sa ating mga mamamayan ang

kalayaan ng ating bansa at sa isang pagboto na ating gagawin ay may malaking

koneksyon sa paparating na bukas.

Sa nakalipas na taong 2020, maraming dumating na pagsubok na labis na

nagpahirap sa mga Pilipino at sa ating bansa. Nang dahil sa pandemyang kinakaharap

ng ating bansa, madami sa mga kababayan nating Pilipino ang nawalan ng trabaho,

naperwisyo ang mga negosyo at nalugi ang kompanya. Labis din na naapektuhan ang
edukasyon o pag-aaral ng mga kabataan sapagkat itinigil muna ang pagpapatupad ng

mga “face-to-face classes” at pinalitan muna ng mga alternatibong paraan katulad na

lamang ng online class at modular. Sa gitna ng mga patong-patong na problema na

kinakaharap ng ating bansa, may mga kapwa Pilipino pa din ang nakuhang

manamantala at mang-abuso ng kanilang mga kapangyarihan kung saan madaming

tiwaling opisyales ang naglipana kung saan-saan na talaga namang nakaapekto at mas

nakapagpababa pa ng ating ekonomiya.

Kung kaya’t madaming mga Pilipino ang may sama ng loob sa ating gobyerno

dahil sa hindi magandang pamamalakad na kanilang ipinakita at sa wakas madaming

Pilipino na din ang nagising ang diwa at humiwalay sa kanilang pagiging bulag-bulagan

sa bayan. Madaming sa mga kapwa natin Pilipino lalo na ang mga kabataang kagaya

namin ang nagbigay ng kani-kanilang mga saloobin ukol sa katiwalian, pang-aabuso at

hindi magandang pamamahala ng mga nakakataas. Madami sa atin ang lubos na

nakapag-isip, labis na natuto at humihiling na muli nang makaboto upang maituwid ang

hindi dapat nasimulang pagkakamali.

Ngayon sa darating na halalan o eleksyon 2022, maraming mga mamamayan,

ibat’-ibang indibidwal kagaya ng mga mag-aaral ang boboto at muli nanamang boboto

ngunit sa pagkakataog ito ay may dala-dalang mahalagang aral na talaga namang

natutunan sa kalagitnaan ng mga pagsubok na kinaharap at kinakaharap pa ng ating

bansa. Kaya naman bilang mga mag-aaral, nag-isip at gumawa kami ng isang

pananaliksik ukol sa Pananaw ng mga Mag-aaral hinggil sa mga Pamantayan ng pagpili

sa mga kandidato sa darating na eleksyon 2022.


1.2 Teoretikal na Balangkas

Voting Theory

Sa isang demokratikong bansa, ang mga tao ay may iba’t-ibang paniniwala,

pananaw at opinyon sa buhay kung saan ang ilan sa mga mamamayan ay

nangangailangan na magpulong o magsama-sama upang makabuo ng isang desisyon

sa mga bagay at pangyayari. Ang mga bagay na ito ay madalas na maganap sa

negosyo, lipunan, organisasyon at sa politika. Kung halimbawang mayroon na lamang

dalawang pagpipilian, ang mga tao ay mas maaring magkasundo upang pagpasiyahan

ang isang bagay ngunit kung marami at may iba’t-ibang pagpipilian ay mas lalawak o

dadami ang pamantayan ng bawat isa. Ang voting theory ng mga mananaliksik na sina

Paul Cliff, Sanjeev Kulkarni, Mark Wang at John Sturn ay tumatalakay sa iba’t-ibang

mga pamamaraan o sistema sa pagboto na may malaking epekto sa pagkapanalo ng

isang kandidato. Ayon sa teoryang ito, ang pinaka common o pamilyar na voting system

ay tinatawag na plurality voting kung saan ang bawat botante ay pumipili ng isang

kandidato na kanilang susuportahan at ang kandidato na pinakasikat at may

pinakamadaming suporta ang may mataas na tsansang manalo. Kung saan madalas na

mangyari na ang isang botante ay inaabanduna ang gusto nilang iboto at ibibigay nila

ito sa kandidatong may mataas na tsansang manalo. Mas pinipili nila ang kandidatong

kanilang pakikinabangan. Ang koneksyon ng Voting Theory sa aming pananaliksik ay

napakahalaga sapagkat ang teoryang ito ay nagpapaliwanag upang lubos na

maintindihan ang pag-aaral na ito. Ang teoryang ito ay nagsisilbing suporta upang mas
maunawaan pa ang pamantayan ng mga mag-aaral sa pagpili ng mga kandidato sa

paparating na eleksyon 2022.

1.3 Konseptual na Balangkas

Ang paradigma na makikita sa ibaba ay inihanda upang ipakita ang daloy o

proseso na gagamitin sa aming pananaliksik. Makikita dito ang input kung saan

nakapaloob dito ang iba’t-ibang katanungan na aalamin ng mga mananaliksik. Sumunod

naman ang proseso kung saan ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang

“online survey questionnaire” upang maipamahagi sa mga mag-aaral sa Baitang labing

isa (11) sa mataas na paaralang Carlos P. Garcia High School upang matuklasan ang

kanilang pananaw hinggil sa pamantayan ng pagpili sa mga kandidato para sa papalapit

na halalan 2022.

INPUT PROSESO AWTPUT

1.Ikaw bilang
estudyante, Ano-ano Ang mga mananaliksik
ang iyong ay magsasagawa ng
kinokonsidera sa pagpili isang “online survey
ng mga kandidato? questionnaire” upang Pananaw at Masusing
2. May maitutulong ba maipamahagi sa mga Pagpili ng Magiging
ang mga pamantayan mag-aaral sa Baitang Pangulo ng Pilipinas ng
na iyong gagamitin sa labing isa (11) sa mga Mag – aaral sa
pagpili ng kandidato? mataas na paaralang Baitang 11 ng Mataas
3. Ano ang maaring Carlos P. Garcia High na Paaralang Carlos P.
maging epekto ng School Garcia
maling pagpili ng
mananalong kandidato
sa halalan 2022?
1.4 Pagsasaad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nais alamin ang pananaw ng mga mag-aaral sa mga

pamantayan ng pagpili sa mga kandidato sa darating na eleksyon 2022.

Sa makatuwid, ang mga mananaliksik ay hangad na makahanap ng mga kasagutan sa

mga sumusnod na katanungan:

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong kinokonsidera sa pagpili ng mga

kandidato?

2. Makakatulong o mahalaga ba ang mga pamantayan na iyong gagamitin sa

pagpili ng mga kandidato? Bakit?

3. Sa iyong pananaw, ano ang maaaring maging epekto ng maling pagpili ng

mananalong kandidato sa halalan 2022?

1.5 Palagay

Sa kagustuhang malaman ng mga mananaliksik ang pananaw at masusing

pagpili ng magiging pangulo ng Pilipinas ng mga Mag – aaral sa Baitang 11 ng Mataas

na Paaralang Carlos P. Garcia, ang mga mananaliksik ay bumuo ng haypotesis na

magpapawalang bisa sa mga suliraning nailahad.

 Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga marka sa isasagawang “online

survey questionnaire” ng mga piling mag-aaral sa baitang 11.

 Walang relasyon ito sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 11 sa iyong

napupusuang kandidato.
1.6 Pinagdausan ng Pananaliksik

Ang napili ng mga mananaliksik na pagdausan ng pag-aaral na ito ay ang google


form“. Dahil tayo ay nasa gitna pa rin ng krisis kung saan pili lamang ang mga
eskwelahan na nagkaroon ng “face-to-face class”. Ang mga mananaliksik ng Carlos P.
Garcia High School ay gagamit ng “google form” ito maaaring ibigay sa mga piling mag-
aaral sa baitang labing isa (11) upang makakalap ng mga importanteng impormasyon
na makakatulong sa pananaliksik na ito.

1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat ito ay makakatulong hindi lamang

para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga mamamayan na boboto sa darating na

halalan.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pananaliksik na isinasagawa ay

tiyak na makakatulong at magsisilbing gabay para sa mga mag-aaral upang mas

maging malinaw ang kanilang pananaw at lubos na mapag-isipan ang mga pamantayan

hinggil sa pagpili sa mga kandidato sa gaganapin na eleksyon 2022. Napakahalaga ng

pagpili ng ating mga kandidato sapagkat nakasalalay dito ang kaunlaran ng ating sarili

at ng ating bansa. Ang bawat boto na ating gagawin ay may malaking epekto hindi

lamang ngayon kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon.


Napakahalaga ng pananaliksik na ito sapagkat magbibigay ito ng iba’t-ibang

pananaw upang mas makapagpasya ng tama ang mga mag-aaral sa kanilang iboboto.

Ang halalan o eleksyon ay hindi basta-basta lamang sapagkat kung tayo ay

magkakamali man sa pagboto ay tayo lang din naman ang mahihirapan. Ang mga

impormasyon at kasagutan na makakalap namin sa pananaliksik na ito ay paniguradong

makakatulong para sa pagtuklas ng iba’t-ibang mga saloobin upang makapili ang bawat

ng isa ng karapat-dapat umupo sa tungkulin.

1.8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Hangad ng mga mananaliksik na malaman ang mga pananaw at masusing

pagpili ng magiging pangulo ng Pilipinas ng mga mag – aaral sa Baitang 11 ng Mataas

na Paaralang Carlos P. Garcia High School taong panunuran 2022 - 2023.

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay tig-limang (5) mag-aaral sa bawat seksyon

sa baitang 11, ito ay na upang malaman ang impormasyong nais malaman ng mga

mananaliksik.

1.9 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Commission on elections (COMELEC) o Komisyon sa Halalan - ay isa sa tatlong

Komisyong Konstitusyunal sa Pilipinas. Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng

mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang

halalan.
Halalan o Eleksiyon - ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang

isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak sa isang publikong

tanggapan. Ang mga halalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong

kinatawan ng demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 taon.

Pagboto - ay ang kilos kung saan ipinahayag ng isang tao ang kanyang opinyon o

kagustuhan, publiko o lihim, tungkol sa isang isyu o panukala, sa isang pulong, isang

sadyang katawan o halalan.

You might also like