Document 361

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Sam Matthew Agad Petsa: 02/05/23

Taon at Seksyon: 9 – Mariano Trias Gawain Blg. 1

DUE DATE
( The Atom Araullo Specials )
Reaction Paper

Ang aking naramdaman patungkol sa palabas na “Due Date”, ako ay naaawa sa mga
taong nangungutang para lang mataguyod nila ang kanilang pamilya sa kahirapan kahit
sila ay nahihirapan na sa pag ta-trabaho. Patuloy pa din silang nag susumikap para
hindi sila mabaon lalo sa utang. Saludo ako mga taong ito dahil kahit mahirap na ang
buhay hindi parin sila sumusuko kahit paulit ulit nalang ang kanilang pangungutang
dahil sa kahirapan sa buhay.

Ang aking mga natuklasan sa palabas na Due Date ay ang mga patungkol sa mga
taong nag papautang, saludo rin ako sa mga taong ito dahil kahit nahihirapan din sila sa
kanilang pang araw araw, sila ay nag papautang pa rin sa kanilang kapwa tao, Isa rin
sa mga naunawaan ko sa palabas na ito ay hindi rin pala madaling mangutang lalo na
kung hindi mo rin ito mababayaran kaagad dahil sa kahirapan sa buhay pero kahit sila
ay nag papautang pa rin, Huwag sana nilang madaliin ang mga taong hindi pa
nakakabayad dahil pati rin sila ay nahihirapan kung papaano nila ito mababayaran.

Ang aking maaaring gawin patungkol sa palabas na ito ay ipakalat pa ang patungkol sa
pangungutang na ito. Hindi lahat ng tao ay nakakadanas nito ngunit mas maganda rin
na ito ay mapalaganap rin sa ibang tao upang makatulog din man sana sila sa mga
taong nahihirapan sa pangungutang. Magagamit ko ang palabas na ito sa pamamagitan
ng pag aaral ng mabuti habang ako ay bata pa upang hindi ako matulad sa mga taong
ito na nag dadanas ng hirap sa buhay dahil lang sa pangungutang.

You might also like