Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Pananaw at Paniniwala
ng mga Sultanato sa Pagpapanatili
ng Kanilang Kalayaan
(Week 3-4)
Araling Panlipunan– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato
Sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapag
lathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Flordeliza P. Padilla
James Ian R. Ramos
Virgilio L. Laggui, PhD
Tagasuri ng Nilalaman: James Ian R. Ramos
Tagasuri ng Wika: James Ian R. Ramos
Tagasuri ng Paglapat: James Ian R. Ramos
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education– Schools Division of Bulacan

Office Address: Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Pananaw at Paniniwala
ng mga Sultanato sa Pagpapanatili
ng Kanilang Kalayaan
(Week 3-4)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para saating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’tibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiya ng magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o saguro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali
ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilan gguro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM naito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 5.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.


Leksyon 1 - Pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa
pagpapanatili ng kanilang kalayaan
Leksyon 2 – Kalayaan ng mga Muslim sa ilalim ng pamumuno ng Sultanato

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaaasahang:

 natutukoy pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong


Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan; at
 natutukoy ang kalayaan ng mga Muslim sa ilalim ng pamumuno
ng Sultanato.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang bawat tanong sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang kinikilalang Diyos ng mga Muslim?


A. Allah
B. Hesus
C. Jehovah
D. Yaweh
2. Aling mga bansa ang nagkaroon ng mabuting ugnayan sa mga Muslim?
A. Borneo at Indonesia
B. Brunei at Indonesia
C. Brunei at Malaysia
D. Singapore at Vietnam
3. Ano ang mahalaga sa mga Muslim lalo na sa aspekto ng relihiyon?
A. kalayaan
B. kapangyarihan
C. karunungan
D. kayamanan
4. Ilang beses nagdarasal ang mga Muslim sa loob ng isang araw?
A. 3 beses
B. 4 na beses
C. 5 beses
D. 6 na beses
5. Ano ang itinuturing na relihiyon at isang paraan ng pang araw-araw na pamumuhay
ng mga Muslim?
A. Iglesia ni Kristo
B. Islam
C. Katoliko
D.Protestante
6. Ano ang tawag sa namumuno kung saan hindi sila sapilitang isinasailalim sa kapang-
yarihan ng mga sultan?
A. alipin
B. datu at rajah
C. heneral
D. sultan
7. Ano ang pinanghihinayangan ng mga Muslim kung mapapasailalim sila sa kapang-
yarihan ng mga Espanyol?
A. kahusayan at katanyagan
B. kapangyarihan at karangalan
C. kasaganahan at kayamanan
D. kaunlaran at katatagan

2
8. Paano pinamunuan ng mga Espanyol ang kolonyalismong pamamahala?
A. Ang Espanyol lamang ang kinikilalang pinakamakapangyarihan sa bansa.
B. Binibigyan ng pagkakataong mamuno ang mga datu sa kani-kanilang teritoryo.
C. Hindi isinailalim sa kapangyarihan ng Espanyol ang mga dating datu at rajah.
D. May pantay-pantay na pakikitungo ang mga Espanyol sa mga nasasakupan nito.
9. Bakit hindi dapat nagpadala sa matatamis na dila ng mga Espanyol ang mga datu batay
sa talumpati ni Sultan Kudarat?
A. dahil sa pangakong hindi tinutupad
B. dahil sa pangakong minsan lang matupad
C. dahil sa pangakong palaging tinutupad
D. dahil sa pangakong tinutupad
10. Paano inalipin ng mga Espanyol ang mga Tagalog at Bisaya?
A. nagtrabaho nang may bayad
B. nagtrabaho nang may benepisyo
C. nagtrabaho nang may dobleng bayad
D. nagtrabaho nang walang bayad

3
Balikan

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang angkop na sagot sa loob ng
kahon. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang sundalong naglingkod sa arsenal at nanguna sa pag-aalsa na sumiklab


sa Cavite noong 1872?
___________________________________________________________

2. Ano ang tawag sa pagbibigay ng pang sekular na kapangyarihan na pamunuan


ang mga parokya?
__________________________________________________________

3. Anong uri ng pamumuno ang naranasan ng mga Filipino kung saan nagkaroon
sila ng kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili?
___________________________________________________________

4. Ano ang nagpadali sa pag-aangkat ng mga kalakal at pagdating ng kaisipang


liberal mula sa Europa tungo sa ibang panig ng daigdig?
___________________________________________________________

5. Ano ang naging dahilan upang makamit ng mga “naliwanagang” kabataan o mga
illustrados, ang liberal na edukasyon na nagmulat sa tunay na kalagayan ng
Pilipinas noon?
___________________________________________________________

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ako’y Isang Muslim, Ako’y Filipino rin


Isinulat ni: Flordeliza P. Padilla

Muslim ang taguri nila sa akin,


Sa lugar ng Mindanao ako ay nanggaling,
Bahagi rin ng Pilipinas ang bayan namin,
Dito sa bansang ito ako’y isinilang din.

May sarili kaming pananaw at paniniwala,


Aming kalayaan sa aming ninuno nagmula.
Di namin hangad ang makipagdigma,
Hangad lang namin mamuhay nang mapayapa.

Itong mga Espanyol sa Pilipinas noo’y nandayuhan,


Hinangad nila na bansa ay pamunuan.
Tagalog at Bisaya inalisan ng kalayaan,
Ngunit ang aming angkan, di lahat sumang-ayong pamunuan.

Para sa amin kalayaan ay mahalaga,


May kalayaan kaming manampalataya,
Mamuhay nang nakaayon sa pagsamba kay Allah,
May kalayaan din kaming sa sariling teritoryo’y mamahala.

Magkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala,


Magkakabuklod pa rin ating puso at diwa,
Kaysarap mabuhay dito sa sariling bansa,
Kung ang kalayaan patuloy na tinatamasa.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano ang taguri sa bata?
3. Sino ang nanakop sa Pilipinas?
4. Paano nila tinatamasa ang kanilang kalayaan?
5. Bilang isang batang Filipino, paano mo nais matamasa ang iyong kalayaan?

5
Suriin

Pananaw at Paniniwala ng mga Sulatanato


(Katutubong Muslim) sa Pagpapanatili
ng Kanilang Kalayaan

Ang pagpapanatili ng kalayaan ay mahalaga sa mga


Muslim, lalo na sa aspekto ng relihiyon. Ang Islam para sa
kanila ay isang paraan ng pang araw-araw na pamumuhay
na nakaayon sa pagsamba kay Allah.

Salat o pagdarasal ng limang beses sa isang araw


ay isang uri ng paniniwalang pang relihiyon ng mga Muslim.
Ito ay nanganganib mawala kung masasakop sila ng mga
Espanyol.

Sa panahong ito, ang Muslim ay may malakas at


matatag na sultanato. Malakas ang loob ng mga sultan na
labanan ang mga Espanyol dahil may mabuti silang ugnayan
sa bansang Brunei at Indonesia.
Ang kaunlaran at katatagang tinatamasa ng mga
sultanato at kalayaan sa paniniwala ay masasayang lamang
kung masasailalim sila kapangyarihan ng mga Espanyol.

Brunei at Indonesia

6
Ang Sultanato at Kolonyalismo
Ang sultanato ay isang uri ng pamamahala na itinatag ng mga
Muslim sa Mindanao. Sultan ang tawag sa pinuno nito. Sa ilalim ng
sultanato, hindi sapilitang isinasailalim ang datu at rajah sa
kapangyarihan ng sultan. Kinikilala ang kapangyarihan ng datu at rajah
na mamuno sa kani-kanilang teritoryo kasabay ang pagkilalala sa
kapangyarihan ng sultan.

sultan

Ang kolonyalismo ay ang unang yugto ng imperyalismo ng mga


Kanluranin. Ito ay tuwirang pananakop ng makapangyarihang bansa sa
ibang lupain para sa pangsariling interes. Sa ilalim ng kolonyalismo,
ang kinikilala lamang na makapangyarihang pinuno sa bansa ay ang
mananakop na Espanyol.

Espanyol

Nilalaman ng Talumpati ni Sultan Kudarat sa mga Dating Datu


na Napasailalim sa Kapangyarihan ng mga Espanyol
Ayon kay Sultan Kudarat, hindi dapat pinahintulutang magpasakop sa mga Espanyol
ang mga datu. Tinanong niya ang mga ito kung ano ang ibig sabihin sa pagpapasakop sa
Espanyol.

Hinikayat niya na suriing mabuti ang mga Bisaya at Tagalog na nagpasakop sa


Espanyol na inalipin ng mga dayuhan. Nagtrabaho sila nang walang bayad. Binilinan niya
ang mga dating datu at rajah na huwag magpadala sa matatamis na dila ng mga Espanyol
dahil ganoon ang ginawa nila sa mga lokal na pinuno ng bansang sinakop nila, ngunit hindi
naman tinupad ang kanilang pangako.

Tagalog at Bisaya
7
Pagyamanin
GAWAIN A
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
_____ 1. Sa ilalim ng sistemang sultanato, kinikilala ang kapangyarihan ng mga datu at
rajah na mamuno sa kani-kanilang teritoryo kasabay ang pagkilala nila sa
kapangyarihan ng mga Muslim.
______ 2. Sa ilalim ng kolonyalismo, kinikilala ang kapangyarihan ng Espanyol gayundin
ang kapangyarihang ng mga datu at rajah.
______3. Ang mga Bisaya at Tagalog ay napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol.
______4. Ang pagpapanatili ng kalayaan ay mahalaga sa mga Muslim lalo na aspekto ng
relihiyon.
______5. Ang mga sultanato (katutubong Muslim) ay nagkaroon ng mabuting ugnayan sa
mga bansang Brunei at Malaysia.

GAWAIN B

Panuto: Buuin ang mga mahahalagang salita mula sa araling tinalakay batay sa kahulugan
sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

-isang uri ng paniniwalang


1.
pang-relihiyon ng mga Muslim

-bansa na nagkaroon ng mabuting


2.
ugnayan sa mga sultan

3.

-uri ng pamamahala kung saan ang kapangyarihan lamang ng mga Espanyol


ang kinikilala

4.

-sultan na nagbigay ng talumpati sa mga dating datu na napasailalim sa


kapangyarihan ng mga Espanyol

8
5.

-uri ng pamamahala kung saan hindi sapilitang isinailalim ang mga datu at
rajah sa kapangyarihan ng sultan

GAWAIN C
Panuto: Kumpletohin ang talata sa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ito sa sagutang
papel.

datu at rajah Islam kalayaan kaunlaran Salat

Ang pagpapanatili ng ____________ay mahalaga sa mga Muslim lalo na sa aspekto


ng relihiyon. ___________ ang kanilang relihiyon at isa ring paraan ng pang araw-araw na
pamumuhay na nakaayon sa pagsamba kay Allah. Ang ________ay paraan ng pagdarasal
ng limang beses isang araw, ang __________ at katatagan ay masasayang lamang kung
mapapasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Sa ilalim ng sultanato, ang mga
________at ________ay may kapangyarihang mamuno sa kani -kanilang teritoryo kasabay
ang pagkilala sa kapangyarihan ng sultan.

9
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong natutunan sa aralin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang mahalaga sa mga Muslim lalo sa sa aspekto ng relihiyon?


____________________________________________________________________________

2. Ano ang relihiyon at isang paraan ng pamumuhay na nakaayon sa pagsamba kay Allah?
____________________________________________________________________________

3. Ano ang sistema ng pamamahala kung saan ang pamamahala ay batay sa katuruan ng
Islam?
_____________________________________________________________________________

4. Paano isinasagawa ng mga Muslim ang kanilang pagdarasal?


_____________________________________________________________________________

5. Paano nagkaroon ng kalayaan ang mga Muslim sa ilalim ng sistema ng pamumuno ng


Sultanato?
____________________________________________________________________________

10
Isagawa

Panuto: Ipahayag ang iyong saloobin sa bawat sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang kung
sumasang-ayon ka at kung hindi. Ilagay ito sa sagutang papel.

______1. Dapat pahalagahan ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim.

______2. Igalang ang mga Muslim sa kanilang paraan ng pananampalataya.

______3. Balewalain ang nakaraang kasaysayan kung paano pinahalagahan ng mga


Muslim ang kanilang kalayaan sa panahon ng mga Espanyol.

______4. Ang naging karanasan ng mga Tagalog at Bisaya sa ilalim ng pamamahala ng


mga Espanyol ay dapat maging dahilan kung bakit dapat tayong magalit sa kanila.

______5. Dapat maging positibo sa buhay anuman ang ating naging karanasan sa mga
manananakop na dayuhan sa nakaraang kasaysayan.

11
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa isang uri ng pamamahala na batay sa katuruang Islam?


A. Demokratiko
B. Kolonyalismo
C. Liberal
D. Sultanato
2. Sino ang nagbigay ng talumpati sa mga datu na napasailalim sa kapangyarihan ng
mga Espanyol?
A. Sultan Buwisan
B. Sultan Kumpit
C. Sultan Suleyman
D. Sultan Kudarat
3. Sino ang mga namumuno sa ilalim ng pamamahala ng sultanato?
A. Bisaya
B. Ilokano
C. Muslim
D. Tagalog
4. Sino ang hindi sapilitang isinailalim sa kapangyarian ng sultanato at kinikilala ang
kanilang kapangyarihang mamuno sa kanilang teritoryo?
A. datu
B. gobernador
C. kapitan
D. pangulo
5. Sino ang may pinakamakapangyarihang pamumuno sa bansa sa ilalim ng kolonyalismo?
A. Amerikano
B. Espanyol
C. Filipino
D. Hapones
6. Saan nakabatay ang pamumuhay ng mga Muslim?
A. Katuruang Iglesia ni Kristo
B. Katuruang Islam
C. Katuruang Katoliko
D. Katuruang Protestante
7. Paano isinasagawa ng mga Muslim ang kanilang pagdarasal?
A. pagdarasal ng isang beses isang araw
B. pagdarasal ng tatlong beses isang araw
C. pagdaraal ng limang beses isang araw
D. pangdarasal ng pitong beses isang araw

12
8. Bakit nagbigay ng talumpati si Sultan Kudarat sa mga dating datu na nasakop ng mga
Espanyol?
A. upang maghari si Sultan Kudarat sa buong Mindanao
B. upang siraan ang mga Espanyol
C. upang umanib sa mga dayuhang taga Borneo at Indonesia
D. upang mamulat sila sa tunay na dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa
mga Filipino
9. Bakit malakas ang loob ng mga sultan na labanan ang mga Espanyol?
A. dahil may mabuti silang ugnayan sa mga taga Borneo at Indonesia
B. dahil may mabuti silang ugnayan sa mga taga Brunei at Indonesia
C. dahil may mabuti silang ugnayan sa mga taga Brunei at Singapore
D. dahil may mabuti silang ugnayan sa mga taga Espanya at Brunei
10. Paano tinatamasa ng mga Muslim ang kanilang kalayaan?
A. may kalayaan silang magkaroon ng ibat ibang relihiyon
B. may kalayaang makianib sa mga Espanyol
C. may kalayaang mamuno sa ibat ibang teritoryo
D. may kalayaang mamuhay ng nakaayon sa pagsamba kay Allah

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng tatlong mahahalagang impormasyon tungkol sa pananaw at pani-


niwala ng mga Muslim sa kanilang kalayaan na tinatamasa pa rin nila hanggang
sa kasalukuyan.

1. _____________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian

Gabuat Maria Annalyn P. etal., Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa- Batayang
Aklat , Quezon City: Vibal Group Inc, 2016.

K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan 5

MELC Matrix K to 12 Curriculum

https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

17

You might also like