Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Layunin:

A. Natutukoy ang mga elementong dapat na isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula;

B. Nabibigyang-halaga ang mga elemento sa pagsusuri ng pelikula;

C. Nakasusuri ng isang pelikula batay sa mga elementong tinalakay.

Pamamaraan:

Aktibiti:

Sa umagang ito ay may bago na naman tayong tatalakayin pero bago iyon ay may gawain muna tayo.
Ang larong ito ay tinatawag na "Pamagat ko, Hulaan niyo!". Ipapangkat ko ang klase sa apat na pangkat.
Ito ang unang pangkat, pangalawang pangkat, pangatlo at pang-apat na pangkat. May mga larawan
akong inihanda dito, ang inyo lamang gagawin ay huhulaan ninyo kung ano ang pamagat sa mga
larawang makikita ninyo na may kaakibat na mga letrang maging gabay ninyo sa paghula. Pero bago
kayo sumagot ay dapat itaas niyo muna ang inyong flaglets at itutunog ang huni o tinig ng hayop na
kaakibat ng inyong pangkat. At pumili kayo ng isang represante na siyang magsasabi ng inyong sagot.
Ang hindi sumunod sa alituntunin ay gad disqualified. Naintindihan ba klas?

Analisis:

1. Ano ang naramdaman ninyo sa ating laro?

2. Anu-ano ang mga naibigay ninyong mga pamagat?

3. Saan niyo ba kadalasang nakikita/napapanood ang mga palabas na ito?

4. Sinu-sino sa inyo rito ang nakapanood na sa mga pelikulang inyong hinulaan?

5. Kilala niyo ba kung sinu-sino ang mga tauhan dito at ang papel na kanilang ginagampanan?

6. Ano kaya ang paksang tatalakayin natin ngayon?

Abstrak:

Sa umagang ito ay tatalakayin natin ang mga elemento sa pagsusuri ng pelikula?

Aplikasyon:

Para malaman ko kung naintindihan niyo ba talaga ang ating talakayan ay may gawain tayo. Sa parehong
pangkat kanina ay pumili kayo ng isang pelikulang inyong nagustuhan. Pagkatapos ay suriin niyo ito
batay sa mga elementong nakaatas sa inyo na ipapabunot ko.At pumili kayo ng dalawang miyembro ng
inyong pangkat na silang maglalahad sa inyong nagawa. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para
sa inyong pagsusuri. Ang inyong nagawa ay mamarkahan batay sa pamantayang ito:

Maayos na pagkakalahad- 20

Kawastuhan ng suri - 20

Kooperasyon at may tamang oras- 10

Kabuuan- 50

Magaling!

Iyan lamang sa umagang ito, paalam klas!

You might also like