Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1.

Department of Agrarian Reform (DAR)


Kagawaran ng Repormang Pansakahan (KRP)
Current Secretary: Conrado Estrella III
Established: September 1, 1971
Link: dar.gov.ph
Mga Gawain:
 Ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
 Magsagawa ng pagpapaunlad sa lupa sa loob ng takdang panahon
 Magsagawa ng mga programang naaayon sa nasasakupan ng kagawaran at maghanap ng mga
makikinabang sa mga programang ito
 Ipatupad ang hustisya sa mga kaso na pang agraryo
2. Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka (KPS)
Current Secretary: Pres. Ferdinand Marcos, Jr. (acting Secretary)
Established: June 23, 1898
Link: da.gov.ph; Dept. of Agriculture (FB Page)
Mga Gawain:
 Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga pangangailangan mula sa sektor ng
agrikultura at pangingisda
 Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran,
pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong kinakailangan para sa lokal at pandaigdigang
kalakalan
 Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang magkaroon ng kita
ang mga magsasaka at mangingisda
 Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura
 Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang hustisya,
kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pang-agrikultura.
3. Department of Budget and Management (DBM)
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (KPP)
Current Secretary: Amenah Pangandaman
Established: April 25, 1936
Link: dbm.gov.ph
Mga Gwain:
 Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para masiguro ang pantay, nararapat,
malinaw at maayos na pananagot sa paglalaan at paggamit ng pondo ng publiko para sa
ikaaangat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino
 Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno
 Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa
 Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin
 Gawin at isakatuparan ang pambansang sistema ng pananagutan sa pondo at pagpapahalaga ng
pamumuhunan
 Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno
 Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga kumpanya na
hawak ng gobyerno
4. Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon (KEd)
Current Secretary: VP Sara Duterte-Carpio
Established: January 21, 1901
Link: deped.gov.ph
Mga Gwain:
 Bumubuo, nagpapatupad at nag-uugnay ng mga plano, programa at proyekto sa aspeto ng
pormal at di-pormal na edukasyon
 Mangasiwa sa elementarya at sekundaryong institusyon ng edukasyon kabilang na ang mga
pribado at pampublikong eskuwelahan at iba pang alternatibong sistema ng edukasyon
 Sustentuhan ang kumpleto at magkakaugnay na sistema ng edukasyon na naaayon sa adhikain
ng pambansang pag-unlad
5. Department of Energy (DOE)
Kagawaran ng Enerhiya (KEn)
Current Secretary: Raphael P. M. Lotilla
Established: December 9, 1992
Link: doe.gov.ph
Mga Gawain:
 Maghanda, mamahala at pag-ugnayin ang mga plano, programa at gawain ng gobyerno na may
kinalaman sa paghahanap, pagpapaunlad, paggamit, pamamahagi at pagtitipid ng enerhiya
6. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (KKLK)
Current Secretary: Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga
Established: January 1, 1917
Link: denr.gov.ph; Dept. of Environment and Natural Resources (FB Page)
Mga Gawain:
 Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit, napapalitan at mapagkukunan
 Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng publiko ng mga yamang gubat,
mineral at lupa
 Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya
 Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa iba’t-ibang sektor ng lipunan
 Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang kultura at
bilang pamana sa susunod na henerasyon
7. Department of Finance (DOF)
Kagawaran ng Pananalapi (KNPN)
Current Secretary: Benjamin E. Diokno
Established: March 17, 1897
Link: dof.gov.ph
Mga Gawain:
 Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng mapapagkunan ng yaman ng gobyerno
maging ito ay pribado o publiko, lokal o sa labas ng bansa
 Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis
 Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno
 Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
 Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno
8. Department of Foreign Affairs (DFA)
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (KUP)
Current Secretary: Enrique A. Manalo
Established: June 23, 1898
Link1: dfa.gov.ph
Mga Gawain:
 Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo
 Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga
 Isulong ang maayos na relasyon sa iba’t-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng mga bansa
 Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa kapakanan ng katahimikan,
kaunlaran at katatagan
 Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa
9. Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL)
Current Secretary: Maria Rosario Vergeire (OIC)
Established: September 29, 1898
Link: doh.gov.ph; Dept. of Health (FB Page)
Mga Gawain:
 Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan para sa lahat ng Pilipino
 Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan
 Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong pangkalusugan
 Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan
10. Department of the Interior and Local Government (DILG)
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (KIPL)
Current Secretary: Benjamin Abalos, Jr.
Established: March 22, 1897
Link: dilg.gov.ph
Mga Gawain:
 Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan
 Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at kaayusan
 Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at komunidad
 Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawang-tao
 Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan at
departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
 Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP
 Pababain ang krimen
 Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog
11. Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Katarungan (KNKT)
Current Secretary: Jesus Crispin Remulla
Established: September 26, 1898
Link: doj.gov.ph
Mga Gawain:
 Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang na ang pag-iimbestiga,
pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
 Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno
 Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga

 Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng ibang bansa sa
loob ng bansa

 Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa sa karagatan

 Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan

 Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive orders

12. Department of Labor and Employment (DOLE)


Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (KNPE)
Current Secretary: Bienvenido Laguesma
Established: December 8, 1933
Link: dole.gov.ph

Mga Gawain:

 Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at manilbihan bilang tagapag-ugnay ng


pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo

 Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho

 Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa

 Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya

13. Department of National Defense (DND)


Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP)
Current Secretary: Jose Faustino, Jr.
Established: December 21, 1935
Link: dnd.gov.ph

Tungkulin:

 Magtanggol laban sa panloob at panlabas na banta sa pambansang kaligtasan

 Pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo at mga beteranong sundalo

 Suportahan ang kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya

 Panindigan ang kapangyarihan at teritoryo ng Pilipinas


14. Department of Public Works and Highways (DPWH)
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (KPBL)
Current Secretary: Manuel Bonoan
Established: January 30, 1987
Link: Dept. of Public Works and Highways (FB Page)

Tungkulin:

 Magplano ng mga pampublikong imprastraktura

 Magdisenyo, bumuo at pangalagaan ang mga pambansang kalsada, tulay at mga sistemang
pang-baha

 Siguraduhing ligtas, mahusay at mataas ang kalidad ng mga pampublikong imprastruktura

15. Department of Science and Technology (DOST)


Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (KNAT)
Current Secretary: Renato U. Solidum, Jr. (OIC)
Established: January 30, 1987
Link: dost.gov.ph; Dept. of Science and Technology (FB Page)

Tungkulin:

 Bumuo ng malawakang plano pang-agham at teknolohiya

 Paunlarin ang pananaliksik sa agham at teknolohiya lalo na sa ikauunlad o kapakinabangan ng


bansa

 Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng bansa at gamitin
ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag-ugnayan ng pribado at pampublikong
sektor

 Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga nangangailangan nito

 Gawing accessible ang impormasyon mula sa agham at teknolohiya sa mga pribado at


pampublikong sektor

 Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng agham at


teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga imprastruktura

 Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya

16. Department of Social Welfare and Development (DSWD)


Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (KKPP)
Current Secretary: Erwin Tulfo
Established: November 1, 1939
Link: dswd.gov.ph

Tungkulin:
 Pababain ang antas ng kahirapan

 Mamahagi at mag-ugnay ng mga serbisyong panlipunan

 Proteksiyunan ang mga dukha, nangangailangan at may kapansanan

17. Department of Tourism (DOT)


Kagawaran ng Turismo (KNT)
Current Secretary: Esperanza Christina Frasco
Established: May 11, 1973
Link: tourism.gov.ph

Mga Gawain:

 Mangasiwa sa lahat ng programa ng kalakalan na may kinalaman sa turismo

 Pangunahan at suportahan ang pag-unlad ng kalakalan at mga programang humihikayat sa mga


turista na bumisita sa bansa

18. Department of Trade and Industry (DTI)


Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (KKI)
Current Secretary: Alfredo Pascual
Established: June 23, 1898
Link: dti.gov.ph:

 Siguraduhin ang kakayanan ng bansa sa pandaigdigang paligsahan sa larangan ng industriya at


mga serbisyo

 Pag-ibayuhin ang mga negosyo, pagiging produktibo, kahusayan at kapakanan ng mga mamimili

 Makalikha ng maraming trabaho

 Pataasin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang mga karapatan at katungkulan

 Palaguin ang pagluwas ng kalakal, pamumuhunan, MSME (malilit hangang sa di-kalakihang mga
negosyo)

19. Department of Transportation (DOTr)


Kagawaran ng Transportasyon (KNT)
Current Secretary: Jaime J. Bautista
Established: January 23, 1899
Link: dotr.gov.ph

Mga Gawain:

 Mangasiwa sa mga plano, programa, makipag-ugnayan at isakatuparan ang mga sistema ng


transportasyon

 Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng transportasyon


20. Department of Information and Communications Technology (DICT)
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon  (KTIK)
Current Secretary: Ivan John Uy
Established: May 23, 2016
Link: dict.gov.ph

Mga Gawain:

 Mangasiwa sa mga plano, polisiya at pagpapabuti ng public access sa impormasyon at sistema


ng komunikasyon

 Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng komunikasyon

21. Department of Migrant Workers (DMW)


Kagawaran ng mga Migranteng Manggagawa  (KMM)
Current Secretary: Susan “Toots” Ople
Established: February 3, 2022
Link: dmw.gov.ph

Reference:

 Executive Departments of the Philippines

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Advertisements

REPORT THIS AD

Share this:

 Click to share on Facebook (Opens in new window)

 Click to share on Twitter (Opens in new window)

 1Click to share on Pinterest (Opens in new window)1

 Click to share on Tumblr (Opens in new window)

 Click to print (Opens in new window)

 Click to email a link to a friend (Opens in new window)

 More
EDITORYAL - Suporta sa mga babaing
atleta
TATLONG gold na ang nakuha ng Pilipinas sa idinaraos na 18th Asian
Games sa Jakarta, Indonesia at ang mga ito ay nakuha ng mga Pinay na
atleta. Yes, gumawa nang husto sina Hidilyn Diaz, Yuka Saso, Bianca
Pagdanganan at Lois Kaye Go para makakuha ng ginto. Si Diaz ay
nagpakitang gilas sa weightlifting na dati na rin niyang ginawa sa 2016 Rio de
Janiero Olympics kung saan nakakuha siya ng silver. Si Saso ay nakakuha ng
gold sa individual golf samantalang sina Pagdanganan at Go ay sa
woman’s golf team.

Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga Pinay na atleta na nagbigay


karangalan sa bansa. Ang ipinakita nilang husay sa kanilang larangan ay
dapat namang magbukas ng isipan sa mga sports official para bigyan ng
suporta ang mga babaing atleta. Kung mabibigyan sila ng sapat na suporta,
maraming karangalan silang maibibigay sa bansa. Kung mabubuhusan ng
tulong, tiyak na aani ng tagumpay at maaaring higitan pa ang mga
kalalakihan.

Halimbawa na lamang ay si Hidilyn na noong una ay nagsanay lamang


umano sa isang simpleng gym sa kanilang probinsiya. Kung ang iba pang
katulad ni Hidilyn na may angking kakayahan sa weightlifting ay mabibigyan
ng suporta sa kanilang training, tiyak na aangat ang bansa at magkakamal ng
ginto. Mayroon palang ibubuga sa larangan ng weightlifting ang mga Pinay
kaya ito ang dapat pagtuunan ng pansin. Marami rin ang may angking husay
sa golf kaya suportahan ang mga atleta para rito.

Bago pa ang pagsisimula ng Asian Games, matunog na ang magbibigay ng


karangalan sa bansa ay ang men’s basketball team. Pero hindi umubra ang
mga Pinoy sa mga matatangkad na Chinese at maski sa Korean team.

Kung nagagawang buhusan ng suporta ang basketball, bakit hindi ang ibang
sports na tiyak na magbibigay ng ginto sa bansa. Mas pagtuunan ng pansin
ang sports na kayang ipanalo ng mga Pilipino. Maraming sports para sa
kakayahan ng mga Pinoy. Huwag ipagpilitan ang hindi naman kaya para hindi
masayang ang pera at panahon.
John Amores ng JRU suspendido sa
NCAA matapos mag-amok
Philstar.com

MANILA, Philippines — Haharap sa "indefinite suspension" ang JRU Heavy


Bombers player na si John Amores matapos uminit ang ulo at magpakawala
ng haymakers laban sa mga manlalaro ng Benilde Blazers sa NCCA
basketball game nitong Martes.

Ito ang kinumpirma ng NCAA Management Committee, Miyerkules, matapos


maging talk-of-the-town ang naturang engkwentrong ikinaospital ng ilang
players ng College of Saint Benilde. Natapos ang laro pabor sa CSB (71-51)
matapos biglaang itigil.

"We opted to use the term 'indefinite suspension' to give a little bit of window,
give him a chance, not totally closing out the door for him to still habe a bright
future in his career as a player," ani Fr. Vic Calvo, NCAA Management
Committee representative ng Colegio de San Juan de Letran, sa ulat ng GMA
News.

Maliban sa parusa ni Amores, suspendido naman ng dalawang laro sina Mark


Sangco at Chris Flores ng CSB matapos "makisama" sa suntukan at
kaguluhan.

Suspended din ng dalawang laro ang mga manlalaro ng JRU na sina William
Sy at Ryan Arenal dahil sa "disrespectful acts."

Banned naman para sa isang laro sina Ladis Lepalam ng CSB at mga
manlalaro ng JRU na sina Jason Tan, Joshua Guiab, Marwin Dionisio,
Jonathan Medina, Karl de Jesus at CJ Gonzales dahil sa pagpasok ng court.
Kanina lang nang sabihin ni Benilde head coach Charles Tiu
na pinaghahandaan ng pamilya ng isa sa kanyang mga manlalaro ang
posibleng paghahain ng kaso.
Una nang sinampahan ng criminal complaint si Amores matapos din niyang
suntukin ang isang 18-anyos na recruit ng UP Men's Basketball Team na si
Mark Belmonte matapos makaharap ng JRU nitong Hulyo. — James
Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Joey Villar

You might also like