Semi Gawain 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CHRISTIAN COLLEGES OF SOUTHEAST ASIA

ROSARIO BUILDING, MAA, DAVAO CITY


OLLEGE DEPARTMENT
FIL 111

Pangalan: Rasula,Monique Ann Therese T. Kurso at taon: BSED-3rd Yr

SEMI-FINAL
FIL. 111-GAWAIN 4
Pamantayan
Nasunod ang nilalaman ng bawaty talata(Content)……………………..……….......…40
Kalinawan at tamang organisasyon ng mga ideya (Clarity)….....………… ……….… 25
Kawastuhang gramatika at gamit ang transitional devices (Accurate) … ……..…. 20
Kaangkupan ng citation at sanggunian ..................................................………....... .15
Kabuuan .......................................................................................…....…........
….. .100puntos

Panuto: Suriin ang binuong rasyunale noong midterm na pagtataya ngunit iwasang isali
ang mga kaisipan na hindi kinakailangan. Kaya, igawa ng buod ang inyong ginawang
rasyunale na ayon sa sumusunod:
RASYUNALE

Nagkaroon ng ibang pagpakahulugan ang ilang salita sa ibang pangkat o grupo


dahil sa heograpikal na lokasyon (Abiera, et al., 2008). Maghahatid ito ng hindi
pagkauunawaan dahil sa mga salitang pareho ang baybay, ngunit may ibang
pagpapakahulugan sa ibang pangkat, batay sa heograpikong lokasyon kung saan ito
ginamit. Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa pagbabagong nagaganap,
hindi lang sa isang partikular na wika kundi ang pagbabago ng wika sa iba’t ibang
dayalekto (Pasion, 2014). Dagdag pa nito, nagkaroon ng baryasyon ang mga termino
depende sa kultural at heograpikal na lokasyon (Lumigis et al., 2020). Nang dahil sa
heograpikal,morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika ay minsan nagkakaroon ng
kalituhan sa mensaheng nais iparating ng nagsasalita sa kanyang kausap.

Ang pasalitang wika ang karaniwang batayan ng pagsusuri ng pagbabago ng


isang wika. Kinakailangan na pag-aralan ang mga pagbabagong nagaganap sa
pagbigkas at kayarian ng isang pangungusap (Abueg, 2001). Ang ilang pagbabago
bunsod ng heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika ay
kinakailangang bigyang-pansin. Mahalagang malaman at pag-aralan kung paano
nangyayari na sa isang komunidad ang wika ay nabubuo ang iba’t ibang pangkat o
grupo (Pasion, 2014). Bilang karagdagan pa nito, ang tinuran ni Biber (2001) walang
taong may isang paraan lamang ng pagsasalita sa lahat ng pagkakataon. Nang sa
gayon, nararapat lang na pag-aralan natin ang heograpikal, morpolohikal at ponolohikal
na varayti ng wika.

Ang pag-aaral ng heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika ay


may malaking kontribusyon sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas, dahil mas
nabibigyang linaw at nabibigyan nang tumpak na pagpapakahulugan ang mga salita
kung paano ito ginagamit. Samakatuwid, malaki ang naitutulong ng pag-aaral ng
heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika sa larangan ng
pananaliksik. Dagdag pa nito, ang pag-aaral ng heograpikal, morpolohikal at ponolohikal
na varayti ng wika, ay nakatutulong sa mga mananaliksik sa paggamit ng mga wastong
terminolohiya. Maipahahayag nang may kaangkupan ang mga ideya at naibabagay ito
sa lokasyon kung saan nakapokus ang isang pag-aaral. Nailalahad ang mga ideya nang
may kawastuan, gamit ang angkop na salita sa ginagawang pananaliksik. Nalalapatan
ito ng mga akmang wika at salita batay sa heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na
varayti ng wika.

SANGGUNIAN
Abiera, A.A., Casanova, A., Mangonon, I., Paz, V., & Rubin, L.T. (2008). Kasaysayan at
Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. (pp.2-3). Rex Bookstore Inc.
Hicana, M.F. (2017). Pasalitang Diskurso ng Tagalog, Varayti sa Taguig Spoken
Discourse Tagalog Variety inTaguig.https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=Problema+ng+heograpikal+na+var
ayti+ng+wika&btnG=#d=gs_qabs&u=%23p%3DskLnfgZUFeYJ.
Lumigis, D.K.A, Monforte, J., Nuncio, R. & Pontemayor, F. (2020). Pagsipat sa Leksikal
na Baryasyon ng mga Terminong Filipino, Bikol at Cebuano sa Kontekstong
Panginabuhian/Pangkabuhayan.https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=heograpikal +na+varayti+ng+wika&btnG=#d=gs_qabs&u=
%23p%3DncOyx3ZZnlMJ.
Pasion, R.M. (2014). Morpolohikal na Varyasyon sa Wikang Mandaya ng Davao
Oriental.https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=heograpikal+ng+wika&btnG=#d=gs_ qabs&u=%23p
%3DFqVA7GTfd1oJ. Retrieved October 30, 2014.
Note: Pagkatapos nito gagawa na tayo ng pamagat ng inyong pananaliksik kaugnay sa
varayti at varyasyon ng wika. May iilanga awtput sa midterm kaunti na lang ang ayusin
subalit ang masyadong mahaba at napakaraming talata paikliing talaga at igawa ng
buod kung ano lang ang esenyal na konsepto at pagpapaliwanag ninyo.

You might also like