Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Petsa:

SANAYANG PAPEL #1 PAKSA: KONSEPTO AT

KATUTURAN NG PAGKAMAMAMAYAN

GABAY
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC): Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Pagkatapos sagutan ang sanayang papel na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nasusuri ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship;

2. natutukoy kung sinu-sino ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa
Saligang Batas ng 1987 at ang mga dahilan para mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibidwal; at
3. napahahalagan ang papel ng mga mamamayan sa lipunan Pilipino.

ENGGANYO (Panimula)
Basahin ang teksto:

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng

isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan
ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto
ng citizen.
Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito
ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging
citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at
tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga
citizen kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at
paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan
ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981),
ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen,
siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng
mga mamamayan nito. Ito ay mababasa sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng
Pilipinas.
Sipi mula sa Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10 (pahina 355-356)

Page 1 of 4
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSIYON 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala ng kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas 1987

TALAB
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sun Map ng Pagkamamamayan
Ngayong tapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo namang sagutin ang mga
tanong sa loob ng sun map batay sa naunawaan mula sa binasa.
Ano ang ibig sabihin ng
pagkamamamayan?

Sa Pilipinas,
Paano ano legal na
nagsimula PAGKAMAMAMAYAN batayan ng
ang pagkamama-
konseptong mayan?
ito?

Ano ang pinagkaiba ng konsepto ng

pagkamamayan sa panahon ng mga
Griyego sa kasalukuyang panahon?

Page 2 of 4
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal.

Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang
ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.) ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at
3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: #FilipinoAko

Isulat ang hinihinging impormasyon sa kasunod na concept map batay sa iyong
binasang teksto.

PAGIGING MAMAMAYANG PAGIGING

MAMAMAYANG MAMAMAYANG
PILIPINO PILIPINO PILIPINO

RUBDOB

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Quotable Cute

Batay sa binasang sipi mula sa Artikulo IV-Pagkamamayan ng Saligang Batas ng
Pilpinas, humanap o pumili ng isang pangungusap na pumukaw ng iyong pag-iisip. Isang
pangungusap na tumatak at nag-iwan sa iyo ng mahalagang aral tungkol sa
pagkamamamayan. Isulat ang iyong napiling pangungusap sa ibaba at ipaliwanag ang
dahilan ng pagkakapili mo sa pangungusap.
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Page 3 of 4
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

IRAL
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: You Complete Me
Sa pagtatapos ng sanayang papel na ito, kompletuhin ang mga kasunod na pahayag
o pangungusap upang mas maunawaan mo ang nilalaman ng aralin.

Ang aralin ay tungkol sa

________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.
Natutunan ko na _____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat _______________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.

Sanggunian:
Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10. Pahina 351-358.
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas 1987.

TEACHER’S FEEDBACK

Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Asignatura:
Para sa Mag-aaral (Tapusin ang mga pangungusap.)
Nahirapan akong unawain at gawin /
sagutan ang bahaging…

Nadaliaan akong unawain at gawin /

sgutan ang bahaging …

Kailangan ko pa ng tulong upang

lalong maunawaan ang ….

Para sa magulanG (Lagyan ng tsek ang inyong sagot.)

Nagawa ng aking anak ang mga pagsasanay
Ang aking anak ay …

nang siya lamang mag-isa, walang
Nasagutan ang lahat ng mga pagsasanay
tumulong
na may kaunting tulong sa pagsasabot Nasagutan ang ibang pagsasanay at ang
mula sa iba iba ay hindi
na marming hinininging tulong sa hindi nasagutan ang lahat ng pagsasanay
pagsasagot mula sa iba dahil masyadong mahirap

Page 4 of 4

You might also like