Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

4th Quarter Mini Summative Test, AY. 2021 – 2022


PANGALAN: Thristan Jann N. Dizon
PANGKAT:11-BRAGA

UNANG BAHAGI - PANGKALAHATANG PANUTO


1. Isulat/i-type ang iyong mga sagot nang direkta sa test paper na ito. Huwag kalimutang
punan ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

2. Isumite ang papel na ito sa loob ng ibinigay na iskedyul. May karampatang bawas sa
pamantayan ng "on-time submission":

Rubric for Timeliness


Ang default na iskor para sa “on-time submission” ay nakatakda sa limang (5) puntos.
Nasa ibaba ang opisyal na rubric na gagamitin:

Score Description

5 The student finishes and submits the exam earlier or right on time.

3 The student finishes and submits the exam 1 minute to 10 minutes late.

1 The student finishes and submits the exam 11 minutes to 30 minutes late.

0 The student did not take the exam on the scheduled time and date.

3. Ang sumusunod na rubric ay gagamitin para sa pagmamarka ng iyong mga sagot sa


pasulat na bahagi:
Mga Pamantayan 10 puntos
Nilalaman (kawastuhan ng sagot) 5
Istraktura (balarila, bantas) 5
Kabuuan: 10

4. Kung mayroong mga katanungan, mangyaring magpadala ng mensahe sa pamamagitan


ng email (nlalbano@one-bosco.org).
IKALAWANG BAHAGI - PAGSUSULIT
I. MAY PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong/hinihingi sa bawat bilang. Pagkatapos,
salungguhitan o i-highlight ng kulay dilaw mula sa mga pagpipilian ang tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pamamaraang angkop gamitin para sa paksa at layon ng pananaliksik.


A. Layunin ng Paksa
B. Pangangalap ng Datos
C. Metodo ng Pananaliksik
D. Konseptuwal na Balangkas
2. Ito ay ang pangkalahatang paglalarawan na nagpapakita ng mga ugnayan ng mga
konseptong aaralin.
A. Layunin ng Paksa
B. Pangangalap ng Datos
C. Metodo ng Pananaliksik
D. Konseptuwal na Balangkas
3. Nakatutulong din ito na mahanap ang isang partikular na sanggunian at maiwasan ang
plahiyo o plagiarism.
A. Pagsulat ng Burador
B. Pagbuo ng Bibliograpi
C. Pagbuo ng Konseptong Papel
D. Paggamit ng Iba’t Ibang Sistema ng Edukasyon
4. Ito ang magsisilbing gabay ng manunulat kung paano niya gagawing mas komprehensibo
ang kaniyang isusulat na pag-aaral.
A. Layunin ng Paksa
B. Pangangalap ng Datos
C. Metodo ng Pananaliksik
D. Konseptuwal na Balangkas
5. Paghahanap at pag-iipon ng impormasyon, datos, pag-aaral, at dokumentong may
kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.
A. Layunin ng Paksa
B. Pangangalap ng Datos
C. Metodo ng Pananaliksik
D. Konseptuwal na Balangkas
6. Ito ay tinatawag ding palarawang paraan ng pananaliksik. Nagsasagawa ito ng mga
pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri, at paghahambing.
A. Historikal
B. Deskriptibo
C. Eksperimental
D. Wala sa nabanggit
7. Ang metodong ito ay nakatuon sa mga nakaraang datos tungkol sa tao, kalagayan,
pangyayari, at iba pang iniuugnay sa kasalukuyan o maging sa hinaharap.
A. Historikal
B. Deskriptibo
C. Eksperimental
D. Wala sa nabanggit
8. Listahan ng mga ginamit na sanggunian. Mababasa rito ang pangalan ng/ng mga may-akda,
pamagat ng aklat o anumang ginamit na reperensya, publikasyon, at lugar at petsa ng
pagkakalimbag.
A. Pagsulat ng Burador
B. Pagbuo ng Bibliograpi
C. Pagbuo ng Konseptong Papel
D. Paggamit ng Iba’t Ibang Sistema ng Edukasyon
9. Itinuturing na pinakasopistikadong paraan ng pag-aaral upang subukin ang mga palagay o
hypothesis. Ang tuon ng metodong ito ay pagtuklas dahil pinag-aaralan ang mga sanhi at
bunga ng mga baryabol (variable).
A. Historikal
B. Deskriptibo
C. Eksperimental
D. Wala sa nabanggit
10. Nagsisilbi itong mungkahi ng mga mananaliksik tungkol sa papaksain ng kaniyang
pananaliksik. Karaniwan itong inihaharap ng mananaliksik sa kaniyang guro o tagapayo
upang matulungan siyang magkaroon nang mas malinaw na direksyon sa pagsulat ng
kaniyang papel pananaliksik.
A. Pagsulat ng Burador
B. Pagbuo ng Bibliograpi
C. Pagbuo ng Konseptong Papel
D. Paggamit ng Iba’t Ibang Sistema ng Edukasyon
11 – 15: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mag-isip ng sariling paksa sa iyong pananaliksik,
ano ito? At, bumuo ng sariling pamagat ng iyong pananaliksik base sa paksang ito.

Paksa: Paano makatutulong ang pag pagbabasa at pagunawa sa iskwela?


Pamagat ng Pananaliksik: Pagintindi at Pagbasa ng mga Estudyante sa Paaralan

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Pagkatapos, sagutin ito nang
buong husay sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap. Basahin ang pamantayan
sa ibaba bago simulan ang pagsagot. (10 puntos bawat tanong)

Tanong 1: Paano nagiging kapaki-pakinabang ang pananaliksik sa iba’t ibang larangan?


Magbigay ng halimbawa.

Sagot: Ang pananaliksik sa ibang larangan ay ang kinakailangan upang maunawaan ang
mga manonood. Mga halimbawa dito ay mga pelikula sa telebisyon, mga ganap sa teatro at iba pa.
Ang pananaliksik ay makatutulong upang maunawaan lalo ang nilalaman ng kwento at
maimpluwensyahan ang mga manonood sa magandang aral ng makukuha dito.

Tanong 2: Sa iyong palagay, maaari ka bang maging isang mahusay na mananaliksik? Sa anong
larangan kaya? At, Bakit?

Sagot: Bilang isang estudyante, hindi kopa masasabi na mahusay ako bilang isang
mananaliksik. Kung ako’y tatanungin, mahusay naman ako sa paghahanap at pagsasaliksik
ng mga argumentong makakatulong sa aking pagaaral, pero hindi ko parin masasabi na
ako’y mahusay.

Tanong 3: Bakit mahalagang magkaroon ng etika sa pananaliksik? Patunayan sa pamamagitan ng


paglalahad ng halimbawa.

Sagot: Ang etika ay ang pag pagtutukoy kung tama o mali ang isang paguugali. Dito
malalaman kung may mali ba o kung tama, kailangan din natin itong ipaliwanag upang
maintindihan at maunawan ng iba.

Inihanda ni:
Ms. Noemi L. Albano
Subject Teacher/Guro sa Asignatura

Iniwasto ni:

Ms. Lani Juanne Mae C. Puri


SAH, Languages and Research

Pinagtibay ni:

Mrs. Rochelle D. Custodio


Asst. Principal for Academic Affairs

You might also like