Prinsipyo NG Yogyakarta

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Layunin
 Natatalakay ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta
 Natutukoy ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta sa pamamagitan ng dula-dulaan, pantomime, at
news reporting
 Naipapahayag ang mga maaring aplikasyon ng mga prinsipyo ng Yogyakarta sa buhay at sa
lipunan.

II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
B. Sanggunian: Araling Panlipunan - Ikatlong Markahan: Modyul 4
C. Kagamitan: Mga larawan, pantulong biswal

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati sa mga mag-aaral
2. Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase

B. Balik-Aral
 Ano ang Republic Act No. 9710?
 Ano ang layunin ng Magna Carta for Women?
 Sino ang mga Marginalized Women at Women In Especially Difficult Circumstances?
 Ano ang Paternity Leave?

C. Paglalahad
1. Pagganyak

2. Pagtatalakay

A. Malayang talakayan
Gamit ang biswal na nakadikit sa pisara, matatalakay at masusuri ang dalawampu’t siyam
(29) na Mga Prinsipyo ng Yogyakarta.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang Prinsipyo Yogyakarta, saan ito nagsimula?
2. Ano ang layunin ng Prinsipyo ng Yogyakarta?
3. Ano-ano ang mga prinsipyo ng Yogyakarta?

B. Pangkatang Gawain
Panuto: Narito ang ilang mga mahahalagang prinsipyo ng Yogyakarta. May 6 na prinsipyo
na kung saan ito ang magiging paksa ng magiging gawain. Hahatiin ang mga mag-aaral sa
anim na grupo at bawat grupo ay may angkop na gawain katulad ng News Reporting,
Pantomime, and Role Playing.

Pangkat I (News Reporting)


Prinsipyo 1: Ang Karapatan sa Unibersal na Pagtatamasa ng mga Karapatang Pantao

Pangkat II (Pantomime)
Prinsipyo 2: Ang mga Karapatan sa pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa diskriminasyon

Pangkat III (Role Playing)


Prinsipyo 4: Ang Karapatan sa Buhay
Pangkat IV (News Reporting)
Prinsipyo 12: Ang Karapatan sa Trabaho

Pangkat V (Pantomime)
Prinsipyo 16: Ang Karapatan sa Edukasyon

Pangkat VI (Role Playing)


Prinsipyo 25: Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko

Rubrik sa Pangkatang Gawain

3. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong patungkol sa napag-
aralan.

1. Saan nangyari ang paggawa sa prinsipyo ng Yogyakarta?


2. Magbigay ng isang prinsipyo at ipaliwanag kung ano ang nais nitong ilahad.
3. Ano ang 6 na pinakamahahalagang prinsipyo ng Yogyakarta?

4. Pagpapahalaga

1. Bilang mag-aaral at mamamayan, bakit mahalaga na malaman natin ang ating mga
karapatan?
2. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong aplikasyon ang mga bansa sa
Prinsipyo ng Yogyakarta?

IV. Pagtataya
I. Multiple Choice
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa kalahating papel.

1. Siya ang UnitedNations Secretary General ng ilunsad ang Prinsipyo ng Yogyakarta. Ban-Ki-Moon
2. Ang Yogyakarta ay makikita sa anong bansa. Indonesia
3. Isang pandaigdigang Samahan ng mga bansa na tumatalakay sa mga isyu tungkol sa pang-ekonomiya,
pampolitikal at panlipunan. United Nations
4-5. Ibigay ang layunin ng Prinsipyo ng Yogyakarta.

II. Essay
Panuto: Magbigay ng isang Prinsipyo ng Yogyakarta, iapaliwanag at magbigay ng halimbawa o sitwasyon
nito.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Isaliksik at basahin ang talumpati ni Emma Watson na HeForShe sa United Nations noong
Septyembre 21, 2014. Pagkatapos basahin ang talumpati sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang talumpati ni Emma Watson?


2. Anong mga gender-based assumptions ang naranasan ni Emma?
3. Anong mga prinsipyo ng Yogyakarta ang makikita sa talumpati ni Emma Watson?
4. Ayon kay Emma Watson, ano ang paunang palagay sa feminism at ano ang tunay na diwa dito?
5. Humanap o pumili ng isang pangungusap na pumukaw sa iyong kaisipan at ipaliwanag bakit mo ito
napili?

You might also like