Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Panaginip ni Pano

Noong unang panahon, mayroong isang batang nagngangalang ‘Pano’. Mahilig


siyang maglaro sa labas at kahit saang lugar man na mapunta siya. Gusto niyang
tumakbo, lumundag, sumabit, at maglaro ng kanyang mga laruan. Ngunit may isang
bagay na hindi gusto gawin ni Pano, at iyon ay maglinis ng kanyang kalat at katawan
pagkatapos.

Si Pano ay nag-iiwan ng kalat at mga laruan kung saan-saan. Itinatapon niya ang
mga balat ng kendi sa lupa at nakakalimutan niya mag-ayos ng kanyang mga
pinaggamitan. Sinubukan ng kanyang mga magulang turuan siya tungkol sa tamang
paraan ng pag- oorganisa ng kanyang mga gamit, maglinis ng katawan, at kung paano
maayos na itinatapon ang basura, ngunit hindi nakikinig si Pano.

Paulit-ulit na sinasabihan si Pano ng kanyang magulang kung paano magtapon


ng basura sa tamang lugar at magligpit ng mga pinaglaruan sa kanyang silid. Umabot
na din sa punto na hindi lamang siya nawawalan ng disiplina sa loob ng kanilang
tahanan kung hindi pati narin sa labas ng kanilang bahay. Tapon dito, tapon doon. Kalat
dito at kalat doon.

Isang araw, sa sobrang kapaguran ni Pano sa paglalaro na siya ay sobra ng


dugyot, nakatulog siya sa kanilang upuan habang nakapaligid sa kanya ang mga kalat
niyang laruan at basura. Nang lumalalim na ang pahinga ni Pano, ay nanaginip siya ng
isang nakakatakot na pangyayari. Biglang nabuhay at nagsalita ang kanyang mga
laruan. Para bang gusto siyang atakihin dahil pakiramdam nila ay napapabayaan sila at
hindi sila naaalagaan. Nakakalat na lamang sila pag-ayaw ng gamitin at kung minsan
ay binabato at natatapakan pa sa daanan. Maging ang mga basura na hindi naililigpit ni
Pano ay nagkabuhay at sinabihan siya na, “Mula ngayon ay hindi ka na makakalaro
dahil hindi mo alam kung paano magligpit ng mga laruan mo, hindi mo
pinapahalagahan ang mga gamit mo, hindi ka nakikinig sa kung paano lilinisin ang
katawan mo, at hindi ka marunong magtapon sa tamang basurahan. Sa tuwing
hahawakan mo kaming mga laruan mo ay masasaktan ka at magtataka kung bakit mo
nararamdaman yo’n.” Sa sobrang takot ni Pano ay bigla siyang nagising sa mahimbing
na pagkakatulog. Pagtapos ng kanyang panaginip ang batang si Pano ay lumapit sa
kanyang mga magulang at nagkuwento tungkol sa kanyang nakakatakot na panaginip.

Pinayuhan at pinaintindi ng mga magulang ni Pano na bilang isang bata, mararapat


na matuto siyang maglinis ng katawan pagkatapos magdumi. Mahalaga rin na ingatan
niya ang kanyang mga laruan at ibalik kung saan ang lagayan upang hindi ito masira
agad. Ang mga basura ay dapat na diretsong tinatapon sa tapunan upang hindi na
magdala ng ano mang sakit at pangit na amoy.

Simula noon ay natuto na ng tamang pagaayos ng kanyang mga gamit at


magtapon ng basura sa tamang tapunan si Pano. Naging silbing modelo din siya sa
kanyang mga kaibigan at kamag-aral kung paano maging mabuting bata hindi lang sa
para sa sarili kung hindi para sa lahat dahil ang bawat gamit ay dapat na iniingatan, ang
katawan ay inaalagaan, at ang basura ay dapat nasa tamang lalagyan. Hindi na muling
nanaginip ng masama si Pano at siya ay mas naging masigla at masunuring bata.

You might also like