Fil5 q3 m8 Sulatingpormaldi-Pormalatlihamnanagbibigaymungkahi v2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

5 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 8:
Sulating Pormal,Di Pormal at liham na
Nagbibigay Mungkahi

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricel Tablon Gagan


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Julieta H.Tibon
Roderick R. Luna
Jane J. Maghinay
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Hannah Marie C. Briones,Edgardo Jamilar Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D
Ella Grace M. Tagupa, Ed D
Jephone P. Yorong, Ed D
Lindo O. Adasa Jr.
Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

❖ Nakasusulat ng sulating pormal,di pormal at liham na


nakapagbibigay ng mungkahi.

Balikan

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

______1. Nag-aaral ng Mabuti si Ron Lee. Ang may salungguhit na salita


ay:
A. Panaguri C. paksa at simuno
B. Simuno/paksa D. simuno at panaguri

______2. Sina Aldrian at Malissa ay sabay kumain ng tanghalian sa


canteen.Ang may salungguhit na salita ay:

A. Panaguri C. paksa at simuno


B. Simuno/paksa D. simuno at panaguri

_____3. Ang Panaguri ay tumutukoy sa paksa o simuno ng


pangungusap.

A. Tama C. siguro
B. Mali D. wala sa nabanggit

_____4. Si Bb. Laput ay nagwagi sa patimpalak.

A. Panaguri C. paksa at simuno


B. Simuno/paksa D. simuno at panaguri

_____5. Ang mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas. Ang may


salungguhit na salita ay:

A. Panaguri C. paksa at simuno


B. Simuno/paksa D. simuno at panaguri

Aralin Sulating Pormal,Di Pormal at liham na nagbibigay


8 mungkahi

Tuklasin
Talaga,ano naman
Gunyang,alam mo bang
ang mga ito
may dalawang uri ang
Gunyo?
sulatin?

Sa araling ito, malalaman mo kung ano ang dalawang uri ng sulatin.

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Dalawang uri ng Sulatin


Di-pormal
❖ Ang paksa ay personal,magaan at payak
❖ Madalas at hindi gaanong malalim ang mga salitang ginamit
❖ Parang nakikipag-usap lamang sa bumabasa ang paraan ng paglalahad
Ang Impormal na Sanaysay ay mga pananalita na parang pinag
uusapan lamang. Ito ay maihahambing na parang simpleng pag uusap
ng mga magkaibigan ang may akda at ang magbabasa.
Pormal
❖ Ang paksa ay may kalaliman
❖ Ang mga salita ay pinipili at masining ang pagpapahayag
❖ Nangangailangan ng puspusang pag-aaral at pananaliksik
Mga dapat isinasaalang sa paggawa ng isang sulating pormal.
1. Paggamit ng salitang nasa ikatlong panauhan. Iniiwasan ang
paggamit ng ako at ikaw upang hindi lumabas na personal ang
sulatin.
2. Pag-iwas sa paggamit ng pagdadaglat at pinaikling salita. Isinusulat
ng buo ang mga salita.
Halimbawa:
Bata’t matanda-bata at matanda
n.u- ng umaga
blg.-bilang
3. Pag-iwas sa paggamit ng mga salitang palasak.
Halimbawa:
Datung-pera
Wis ko type- hindi ko gusto Alaws-wala
Halimbawa ng sulating pormal

Global Warming sa Pilipinas


Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng
mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang
mailhad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating
kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang
magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating
bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang
sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na
tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng
temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy
na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at ang mga eksperto na
ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging
sanhi ng pagkasira ng ozone layer, ang init na galing sa araw o itong
tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung
ito’y direktang makapapasok na siya na ngang nangyayari sa
kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing
taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang
makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming,napakahalaga ng pagtuunan ng
pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. sa
ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng
ating atmospera at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin
ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang
global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at
kanilang mga pamilya kung hindi natin maagapan ang pagkasira ng
ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos
tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. kailangan lamang na
hanggang maaga pa ay kumilos tayo upang masolusyonan natin ang
problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa
pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana
tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy na sumisira sa ating
kapaligiran.
google.com/search?q=halimbawa+ng+sulating+pormal&tbm=isch&source=i
u&ictx=1&fir=ArA3et4NCvrgPM%252C-r7rJlwCch8-
hM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQ7aBQAr50SsJovkQ2W2eATu1C0UQ&sa=X&ved=2ahUKEwjsk
Sa pagsulat ng anumang sulatin,kailangan isaalang alang ang mga
sumusunod
1. Kaalaman sa paksa
2. Organisasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ilalahad na ideya
3. Magandang simula at wakas
4. Kaisahan ng mga ideya
5. Wastong gamit ng mga bantas

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang liham na nagbibigay mungkahi.

Purok Nangka,Sigayan
Patutunguhan Lungsod ng Dapitan
December 3,2020

Gng. Maricel T.Gagan


Mababang paaralan ng Sigayan Pamuhatan
Lungsod ng Dapitan

Mahal na Ginang: Bating panimula

Bilang isang mag-aaral sa mababang paaralan ng


Sigayan,nais kong maibahagi ang kaalaman ni Timuay Matias F. Amparado
Jr.sa aming mga mag-aaral sa paaralan na ito.
Nais kong imungkahi na kung maaari mabigyan ng
pagkakataon ang aming Timuay na si Matias F. Amparado Jr. na ibahagi ang
kanyang kahusayan at kaalaman sa aming kultura. Dahil sa nakikita ko unti-
unti na itong nawawala at nais ko po itong maibalik. Gusto kong malaman
kung paano namumuhay ang mga matatanda sa nakaraan.

Sana po ay inyong mabigyan ng pansin ang aking mungkahi.


Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Katawan ng liham Bating pangwakas

Lope E. Cabilin
Lagda Mag-aaral ng ikalimang Baitang
Panuto: Ibigay ang mga bahagi ng liham na nagbibigay mungkahi.
Panuto

1._____________________
2.______________________
________________________

3.______________________,

4._____________________________________________________
__________________________________________________________________________.

5.____________________,

6._____________________

Gawain

Panuto: Ayusin ang tamang bahagi ng liham na nagbibigay mungkahi.

Gng.Maricel T. Gagan
Tagapamahala
Purok Nangka
Sigayan, Dapitan City
December 5,2020

Lubos na gumagalang,

Nais ko pong imungkahi na tanggalin sa pagkakatali ang inyong aso


dahil ito ay nasasaktan at nahihirapan.

Mhica

Mahal kong Gng. Gagan,


Isaisip

Sa modyul na ito, natutuhan ko ang dalawang uri ng sulatin ito


ay______________________at ____________________

Nalaman ko rin ang mga hakbang sa pagsulat ng sulating


pormal at di-pormal. Sa pagsulat ng _____________ Ang paksa ay may
kalaliman. Ang mga salita ay _____________ at ________ ang
pagpapahayag Nangangailangan ng _______________ pag-aaral at
_____________.
Ang mga bahagi ng liham na nagbibigay
mungkahi ay__________________,____________________,
__________________,_____________________,______________,
________________________.

Tayahin

I. Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


(1 puntos sa bawat bilang)

1. Ang sumusunod ay halimbawa ng pag-iwas sa paggamit ng mga


salitang palasak ay MALI maliban sa isa.
A. Werpa C. Lodi
B. Yorme D. Pera
2. Ang paksa ay personal,magaan at payak. Ano ang sulating tinutukoy
dito?
A. Pormal C.Di-pormal
B. Normal D.Pangngalan
3. Sa pagsulat ng sulating pormal dapat iwasan ang paggamit ng
pagdadaglat at pinaikling salita. Ito ay Isinusulat ng buo, alin sa mga
sumusunod ang tama?
A. Ama’t ina C. Buto’t balat
B. Blg D. Ng umaga
4. Ang nakasulat sa bahagi ng lagda ay pangalan ng pinadalhan.
A. Tama C. Mali
B. Hindi D. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang nakasulat sa bating panimula?
A. mahal kong Gng. C.Lubos na gumagalang
B. Wala akong pakialam D. Wala sa nabanggit
6. Ang mga Sanaysay at mga pananalita ay parang pinag uusapan
lamang. Ito ay_______________.
A. Lagda C. Di-pormal
B. Pormal D.Pamagat
7. Ang tamang pagkakasulat ng bahagi ng liham na nagbibigay mungkahi
ay________________.
A. Lagda,bating panimula,bating pangwakas,katawan ng
liham,patutunguhan at pamuhatan
B. Bating pangwakas,katawan ng liham,lagda, bating panimula,
patutunguhan at pamuhatan
C. Pamuhatan,patutunguhan,bating panimula, katawan ng liham,
bating pangwakas at lagda
D. bating panimula, patutunguhan,pamuhatan, katawan ng liham,
bating pangwakas at lagda
8. Si Jose ay may ibibigay na mungkahi sa Schools Division of Dapitan
Ano ang isusulat niya sa patutunguhan?
A. Mahal kong G. Felix Romy A. Triambulo,CESO VI
B. Jose dela Cruz
C. Lubos na gumagalang
D. Felix Romy A. Triambulo,CESO VI
Schools Division Superintendent
Schools Division of Dapitan City
9. Mayroong dalawang uri ng sulatin ito ay_______________________.
A. Normal at pormal
B. Lagda at pamuhatan
C. Liham at pormal
D. Pormal at di-pormal
10. Sa pagsulat ng anumang sulatin,kailangan isaalang alang ang
mga sumusunod MALIBAN sa isa
A. Kaalaman sa paksa
B. Magandang simula at wakas
C. Organisasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ilalahad na
ideya
D. Walang mga bantas na gagamitin

Karagdagang Gawain

Sumulat ng liham na nagbibigay mungkahi tungkol sa ginawa mong


sayaw . Gawing batayan ang rubrik sa pagkuha ng puntos. (15 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM

Pamantayan 5 3 1

Maayos at malinaw Hindi masyadong Lumihis sa


ang organisasyon ng malinaw ang ipinapagawa o sa
Organisasyon
mga ideya. organisasyon ng mga dapat ipapahayag
ideya. na mensahe ng
gawain.

Gramatika at Walang mali sa May 1-5 mali sa May 6 o higit pang


Pagbaybay pagbaybay at pagbaybay at mali sa pagbaybay
gramatika. gramatika. at gramatika.

Napakalinis ng Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o


awtput; walang pagbura ng mga higit pang pagbura
makikitang bura at salita at hindi ng mga salita at
Kalinisan nasusunod ang nasunod ang tamang hindi nasunod ang
tamang anyo ng anyo ng pagsulat ng tamang anyo ng
pagsulat ng liham, liham, gaya ng pagsulat ng liham,
gaya ng wastong wastong palugit at gaya ng wastong
palugit at pasok. pasok. palugit at pasok.

Barangay________________
Lungsod ng _______________
Ika-___ng_______, 2020

____________________________

___________________________

___________________________

Mahal kong ______________,


Magandang araw po! Sana ay nasa mabuting kalagayan po
kayo.Nais ko pong
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Lubos na gumagalang,

__________________
Susi sa Pagwawasto

C 10. Pagyamanin
D 9.
D 8. 1. Pamuhatan
C 7. 2. Patutunguhan
C 6. 3. Bating panimula
A 5. 4. Katawan ng liham
C 4. 5. Bating pangwakas
6. Lagda
D 3.
A 2.
D 1.
Gawain
Tayahin
Purok Nangka
Sigayan,Dapitan City
December 5,2020
6. Lagda
5. Bating pangwakas
Gng. Maricel T. Gagan
4. Katawan ng liham
3. Bating panimula Tagapamahala
2. Patutunguhan
1. Pamuhatan Mahal kong Gng. Gagan,
Mga bahagi ng liham nagbibigay mungkahi.
puspusang pag-aaral at pananaliksik. Nais ko pong imungkahi na tanggalin
pagpapahayag.Nangangailangan ng sa pagkakatali ang inyong aso dahil ito ay
masining ang nasasaktan at nahihirapan.
kalaliman. Ang mga salita ay pinipili at
B 5.
Sa pagsulat ng pormal Ang paksa ay may Lubos na gumagalang,
pagsulat ng sulating pormal at di-pormal. B 4.
Nalaman ko rin ang mga hakbang sa Mhica B 3.
di-pormal. B 2.
dalawang uri ng sulatin ito ay pormal at
Sa modyul na ito, natutuhan ko ang
A 1.
Balikan
Isaisip

Sanggunian:

https://www.coursehero.com/file/64437570/Pormal-at-di-pormalpdf/
google.com/search?q=halimbawa+ng+sulating+pormal&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir
=ArA3et4NCvrgPM%252C-r7rJlwCch8-hM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQ7aBQAr50SsJovkQ2W2eATu1C0UQ&sa=X&ved=2ahUKEwjsk.

1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Here the Badjaos swam the seas Hardworking people Abound,


Here the Samals live in peace Every valleys and Dale
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

Region IX
Our..
Eden...Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing
footprints – one belong to me and the breast;
other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I noticed And lifts her leafy arms to pray;
only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why? Why A nest of robins in her hair;
did you leave me when I am sad and
helpless?” Upon whose bosom snow has lain; Who
intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son,
I have never left you. There was only Poems are made by fools like me,
one (1) set of footprints in the sand, But only God can make a tree.
because it was then that I CARRIED
YOU!

You might also like