Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKA-APAT NA MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN 10
SUMMATIVE WEEK 5-6
MELC: Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa
kabuhayan, politika, at lipunan.

1. Ito ay tumutukoy sa tuwirang pakikilahok o pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa


lipunang kinabibilangan.
A. civic engagement C. political exclusiveness
B. social responsibility D. cultural responsiveness
2. Indikasyon ng civic engagement na tumutukoy sa bilang o bahagdan ng mamamayang bumoto sa
eleksiyon kumpara sa kabuuang bilang ng rehistradong botante.
A. online engagement C. voter turn-out
B. cultural assimilation D. online voting
3. Ito ay halimbawa ng online engagement na naglalayong pulsuhan ang mamamayan ukol sa kanilang
pananaw sa isang usapin o panukala gamit ang online platforms. Sa pamamagitan nito natutukoy ang
kagutuhan ng higit na nakararami at nakabubuo ng mga proyekto o programang nakabatay sa kanilang
kagutuhan.
A. online workshop C. online voting
B. online information drive D. online public forums
4. Tumutukoy sa resulta ng pagkalinang ng pinagsama-samang pagpapahalaga, layunin, kaalaman at
kasanayan ng bawat miyembro, sector, at institusyon ng lipunan upang makamit ang pagbabago at
kaunlaran.
A. civic engagement C. social responsibility
B. political exclusiveness D. cultural responsiveness
5. Ano ang kaisipang mahihinuha kapag ang pamahalaan ay nagbibigay ng malawak na pagkakataon at
kalayaan sa mamamayan na makibahagi sa mga proseso, usapin, at gawaing panlipunan?
A. Ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa matatalinong mamamayan ng lipunan.
B. Pagiging lubos at ganap ng kapangyarihan ng pamahalaan sa lahat ng aspektong panlipunan
C. Pagkilala at pagpapahalaga sa mga pangangailangan, kaisipan, at saloobin ng mamamayan
D. Paghina ng impluwensya ng pamahalaan at kawalan nito ng kakayahang masolusyunan ang mga hamon
sa lipunan.
6. Paano nakatutulong sa kalagayang panlipunan ang tuwirang pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo ng
mga pagpapasiyang may kinalaman sa kanilang komunidad.
A. Nagkakaroon ng matatag na ugnayan ang pamahalaan at mga local na pinuno dahil sa pagkakaroon ng
mataas na tiwala sa bawat isa.
B. Nakabubuo ng mga pagpapasiya, programa, at proyektong panlipunan na nakabatay sa kagustuhan at
pangangailangan ng mamamayan.
C. Naiiwasan ang pang aabuso sa kapangyarihan at katiwalian sapagkat tuwirang kontrolado ng
mamamayan ang mga proseso at usaping panlipunan.
D. Nakakamit ang kaunlaran sapagkat matatalino lamang ang nagbabahagi ng kanilang oras at kakayahan
sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay pamayanan.
7. Bakit mahalaga para sa lakagayan ng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan ang mataas na antas at
lebel ng civic engagement sa isang lipunan?
A. Tumatatag ang ugnayan ng mamamayan at pamahalaan dahil sa pagkakaroon ng mataas na tiwala sa
bawat isa.
B. Nawawakasan ang maraming kaso ng korupsiyon at anomalya sa pamamahala sapagkat tuwirang
kontrolado ng mamamayan ang pamahalaan.
C. Ang mga nabubuong pagpapasiyang panlipunan ay nakabatay sa kagutuhan ng mga namumuno na
siyang tuwirang nakaalam sa pangangailangan ng mamamayan.
D. Lumalaganap ang kaisipan ng kanya-kanyang pagpapaunlad at pagsasaayos ng buhay sa pamamagitan
ng pagtatag ng konesksyon sa pamahalaan at mga institusyon nito.
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tunay na diwa ng civic engagement?
A. Pag ganap sa tungkulin ng pagpapaunlad, pagpapabuti, at pagsasaayos ng lipunan
B. Pagsasamantala sa mahirap na sitwasyon ng lipunan para sa kaunlarang pansarili
C. Ang indibidwal ay may makasariling kaisipan tungkol sa mga hamong panlipunan.
D. Personal na inisiyatibo at aktibong pakikiisa sa mga grupong naninira sa pamahalaan.
9.Ano ang nagiging positiong resulta ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ng mamamayan?
A. Nalilinang ang diwa ng mapanagutang tungkulin ng mamamayan sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng
kanilang pamayanan sa pamamagitang ng aktibong pakikibahagi sa mga gawain at usaping panlipunan.
B. Nalilimita ang paglikha ng akma at epektibong solusyon sa mga hamon at suliraning panlipunan.
C. Lumalaganap ang pang aabuso sa kapangyarihan at katiwalian sapagkat tuwirang nakikibahagi ang
mamamayan sa mga proseso at usaping panlipunan.
D. Nagiging mahina ang ugnayan ng pamahalaan at mga institusyon nito sa mamamayan dahil sa
pagkakaroon ng mataas na tiwala sa bawat isa.
10. Ano ang maaaring dahilan ng pagbaba ng antas ng partisipasyon ng mamamayan sa mga political na
proseso sa isang lipunan?
A. Lubos ang tiwala ng mamamayang sa kakayahan ng mga namumuno kung kaya’t hindi na kailangan pang
makialam
B. Abala ang mga mamayan sa mga gawaing magpapaunald sa kanilang buhay partikular na sa aspektong
pang-ekonomiya at pang kabuhayan
C. Mas pinipili ng mamamayang gawin ang mga bagay na magpapaunlad sa kalidad ng kanilang buhay
kaysa pangingialam sa mga gawaing pampolitika
D. Mas pinipili ng mamamayang gawin ang mga bagay na magpapaunalad sa kalidad ng kanilang buhay
kaysa pangingialam sa mga gawaing pampolitika
11. Ang pagbibigay ng pamahalaan ng pagkakataon at kalayaan sa mamamayan na makibahagi sa mga
usapin at gawaing panlipunan tulad ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko ay
nangangahulugan ng ______________.
A. Pagbibigay pansin sa kanilang pangangailangan at saloobin na siyang tunay na diwa ng demokrasya.
B. Aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga local na programa para sa kapayapaan, kaayusan, at
kalinisan ng pamayanan tulad ng clean-up drive at tree planting.
C. Malayang ugnayan ng mamamayan at DTI hingil sa price watch upang bantayan ang pagsasamantala ng
mga negosyante sa presyo ng bilihin
D. Naiiwasan ang pang aabuso sa kapangyarihan at latiwalian sapagkat tuwirang nakikibahagi ang
mamamayan sa mga proseso at usaping panlipunan.
12. Ano ang possibleng dahilan kung bakit karaniwang mas matataas ang antas ng political na pakikilahok
ng mamamayan na nasa bansang demokratiko ang pamahalaan kumpara sa ibang sistemang politika?
A. Ang usaping pampolitika sa isang bansang demokratiko ay kontrolado ng mahihirap na mamamayang
may malaking porsyento ng populasyon ng bansa.
B. Binubuo ng mamamayang mayayaman at maipluwensya ang pamahalaang demokratiko ang sistema ng
pamumuno.
C. Karaniwang matatalino at agresibo ang mamamayan ng isang pamahalaang demokratiko
D. Itinakda ng batas ang karapatan at kalayaan ng mamamayan na makibahagi sa mga gawaing pampolitika
katulad ng eleksyon.
13. Bago dumating ang araw ng eleksiyon si Anna ay masusing humananap at inalam ang iba’t ibang
impormasyon patungkol sa mga kandidatong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan. Sa anong
kategorya ng civic engagement nakapaloob ang hakbang na kanyang ginawa?
A. kategoryang civic
B. kategoryang political voice
C. kategoryang electoral
D. wala sa nabanggit
14. Kasama si louise sa samahan ng kalalakihan sa kanilang lugar, ito ay naglalayon na pangalagaan at
protektahan ang kanilang lipunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga gawaing nakapagdudulot ng
hindi maganda sa kanilang lugar. Sa anong kategoryang ng civic engagement napapabilang ang ganitong
gawain?
A. kategoryang civic
B. kategoryang political voice
C. kategoryang electoral
D. wala sa nabanggit
15. Si Sarah ay kumandidato sa pagiging konsehal sa kanilang lugar. Isa sa kanyang proyekto ay ang
matugunan ang paglala ng mga kabataang hindi nakakapag aral sa kanilang lugar. Sa anong kategoryang ng
civic engagement napapabilang ang ganitong gawain?
A. kategoryang civic
B. kategoryang political voice
C. kategoryang electoral
D. wala sa nabanggit
SUMMATIVE WEEK 7-8
MELC: Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

1. _________Ito ay isang modelo ng demokrasya kung saan ang maliit na bilang ng mamamayan na
karaniwang mayayaman, maimpluwensiya, at may mataas na edukasyon lamang ang nakaiimpluwensiya sa
pagbuo ng mga pagpapasiyang political.
a. Participatory democracy c. hemegonic
b. Political debate d. democratic elitism
2. ________ Sa kasalukuyan ay maraming Pilipino na tinitingnan ang sistemang demokratiko sa konsepto
ng electoralism lamang.
a. Repormamang Administratibo c. Repormang Elektoral
b. Repormang Hudisyal d. Repormang Kandidatura
3.________ Ang pagnanais ng mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng pagkilala at pagpapahalaga sa
pagkakaiba-iba ng kultura at paniniwala ng mamamayan nito upang makamit ang pambansang pagkakaisa.
a. Paglaban sa Korapsiyon at katiwalian c. Mapanagutang Pamumuhay sa Lipunan
b. Pagtaatguyod ng Pambansang Pagkakaisa d.Kaunlaran sa yamang tao ng bansa
4. _______ Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng pagpapairal ng patas at legal na patakaran
at sistema.
a. Rule of Law c. Transparency
b. Rule of Nation d. Responsiveness
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng mga gawaing nauugnay sa pagtataguyod ng
participatory democracy?
a. Pagsasagawa ng lokal na pagpupulong sa komunidad
b. political debate
c. Pagsasagawa ng people’s initiative
d. Pagsasagawa ng popular referendum
6. Alin sa sumusunod ang modelo ng demokrasya kung saan ang maliit na bilang ng mamamayan na
karaniwang yaong mayayaman, maimpluwensiya, at may mataaas na edukasyon lamang ang
nakaiimpluwensiya sa pagbuo ng mga pagpapasiyang political?
a. participatory democracy c. democratic elitism
b. political debate d. clientelism
7. Alin sa mga sumusunod na pangunahing katangian ng isang mabuting pamahalaan ang may malayang
pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa usapin at gawaing panlipunan at pampolitika ay isa sa mga
pangunahing katangian ng mabuting pamahalaan?
a. Rule of Law c. Responsiveness
b. Transparency d. Participatory
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing katangian ng isang mabuting pamahalaan?
a. Effectiveness and Efficiency c. Accountability
b. political debate d. Consensus Oriented
9. Paano maipamamalas ng isnag indibidwal ang prinsipyo ng mapanagutang pamumuhay salipunan bilang
isa sa mga pangunahing papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a. Nararapat na malinang ng isang indibidwal ang kaisipang ang pagpapaunlad sa kalidad ng buhay sa
lipunan ay pananagutan lamang ng pamahalaan.
b. Nararapat na isaisip ng isang indibidwal na karaniwan sa tao ang magkamali ngunit nararapat na
panautan ang lahat ng epekto ng kanyang pagkakamali.
c. Kinakailangang makibahagi ang mamamayan sa pagbuo ng mga pagpapasiyang panlipunan ngunit ang
panangutan sa result anito ay nakatuon sa pamahalaan.
d. Nararapat na nakabatay sa kabutihan at kaunlarang panlahat ang mga pagkilos at gawi ng isang
indibidwal lalong-lalo na kung ito ay makaaapekto sa lipunan.
10. Paano maipamamalas o maipapakita ng isang mamamayan ang kanyang papel sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan?
a. Pagsasagawa ng popular referendum
b. Kaunlaran sa yamang tao ng bansa
c. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at usaping pansibiko at pampolitika
d. Paglaban sa Korupsiyon at Katiwalian
11. Paano malalaman kung ang isang bansa ay nagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a. Mayroon itong maayos na mamamayan.
b. Ang mga mamamayan ay aktibo sa pamayanan.
c. Ang mga mamamayan ay sumusunod sa batas ng bansa.
d. Ang mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng balanseng pamumuno na may mayos at epektibong
ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan.
12. Bakit sinasabing nasa kamay ng mamamayan ang kagalingan at pag-unlad ng lipunan?
a. Mas marami ang bilang ng ordinaryong mamamayan kaysa namumuno.
b. Ang mga mamamayan ang nagpapabagsak sa mga tiwaling pinuno.
c. Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga lider nagkakaroon ng positibong pagbabago sa
lipunan.
d. Ang mga mamamayan ang nakikinabang sa mga programa at proyekto ng gobyerno.
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a. Pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa
b. Mapanagutang pamumuhay sa lipunan
c. Aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga usapin at gawaing panlipunan at pampolitika
d. Pagsasagawa ng lokal na pagpupulong sa komunidad
14. Ilan sa mga halimbawa ng mga gawaing nauugnay sa pagtataguyod ng participatory democracy ay ang
mga sumusunod MALIBAN sa ISA:
a. Pagsasagawa ng popular referendum
b. Pagsasagawa ng local na pagpupulong sa komunidad
c. Pagsasagawa ng peoples’ initiative
d. Pagkilala at pagsunod sa kapangyarihan ng batas
15. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a. Aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga usapin at gawaing panlipunan at pampolitika
b. Pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa
c. Mapanagutang pamumuhay sa lipunan
d. Pagsasagawa ng popular referendum
WEEK 5-6 WEEK. 7-8

You might also like